Chapter 02...
---Exchange....Zumi POV....
"Akala mo naman kung sinong perfect!!! Ahhhhh!!! Kainis"
"Preny ba't ba namomroblema ka? Kung may di nakagusto ng gawa mo edi gumawa ka ng bago...Ang galing mo kaya gumawa ng story" sabi ni sky kaibigan ko...
Napost ko na kasi ang bago kung story sa ONLINE DIARY ko at merong isang reader dun na nagsabi na pangit daw gawa ko...Ba't pa daw ako gumagawa ng story!!!
Nakakainis lang!!! kung ayaw n'ya sa gawa ko pwede n'ya naman iscroll nalang magcocomment pa...
Mabuti nalang dinepensahan ako ng mga loyal readers ko....
"Hayyy....Pinagalitan na nga ako ni mama" Sabi ko, kausap ko s'ya ngayon sa cellphone...Nasa trabaho kasi ang bruhilda ngayon
"Bakit? Pangit ba gawa mo ngayon?! Wala ka kasing inspirasyon!! Try mo kaya mag boyfriend? HAHAHAHAHA"
"Loka loka!! Namomroblema na nga ako magdadagdag pa?!"
"Biro lang naman!! Baliw"
"Malapit na ba matapos ang shift mo? Labas tayo libre mo ko"
"Ikaw nag aya ako manlilibre?! Hanap ka rin ah!!...Malapit na, kita nalang tayo sa fav coffee shop"
"Okie okie...Bye" sabi ko tsaka binaba ang tawag...
Wala na man na akong gagawin, naubos ko na ang pagkain ko..Sa byahe palang papunta rito ay lumalamon na ako....
Inayos ko na ang sarili ko, dadaan muna ako sa bookstore bago dumiretso sa coffee shop, balita ko may bagong deliver na books ngayon...Makabili nga
May sarili akong kotse kaya di ako nahihirapan sa byahe...Pasensya lang talaga ang nahihirapan ako, letseng trafic naman kasi di man lang magbago!!!
Nangmakarating sa bookstore di naman masyadong maraming tao...Panay naman kasi gadgets na ang gusto ng mga kabataan ngayon...Kesyo bakit pa daw bibili ng libro kung pwede namang basahin sa cellphone, ipod o ano pa man Hayyyyyy
Nang mabili ko ang librong napusoan ko nagbayad na ako....Kailangan andun na ako bago pa mauna si sky baka magalit ako pa ang pagbayadin HAHAHHAHA
Hawak hawak ko ang cellphone dahil baka magtext si sky....Nang makarating ay hawak hawak ko parin ito, papasok na ako sa pinto ng may lalaki akong nakabangga
Nagmamadali s'ya, Kaya siguro na bunggo n'ya ako...Kainis naman oh!! Tumilapon tuloy ang cellphone ko!!!
"Sorry miss" Nasabi n'ya nalang tsaka pinulot ang cellphone n'ya ring nahulog nang magkabangga kami...
Tumango nalang ako...Pagkapasok ko ay nakita ko na si sky na nakaupo sa paborito naming table...
Kinawayan ko s'ya inirapan naman n'ya naman ako....
"Ba't ngayon ka lang?" Pangbungad n'ya....Inip ka girl? HAHAHHAA
"Sorry naman, dumaan pa kasi ako sa bookstore...Naka order ka na?"
"Oo, mabuti nalang dumating ka ng di pa nauubos ang timer na sinet ko kung hindi ikaw ang pagbabayadin ko"
"Baliw!!" Tumawa lang s'ya loka loka...
Dumating ang order namin at nagkwentuhan lang kami, nakwento ko na rin sa kanya kung pano na naman ako nabungangaan ni mama...
Napatagal pa nga ang kwentuhan namin kaya medyo naabutan na kami ng gabi...
"Gabi na kailangan ko ng umalis may tatapusin pa akong reports"
"Uhm ako rin, mag iisip pa ako ng story ko HAHAHHAHA" sabi ko, gagawa ako ng story? May magagawa pa nga ba ako?
"Sige na alis na ako, bye" tumango nalang ako, inayos ko na muna ang gamit ko bago umalis baka may makalimutan ako...
Nang matapos ay umuwi na ako sa condo...Naligo pagkarating, di na ako kumain dahil busog pa naman ako...
Nahiga ako sa kama ko, gusto ko ng magpahinga pero kailangan ko munang gumawa ng story...Ba't kasi wala akong maisip na magandang topic?
Kinuha ko ang cellphone ko sa sidetable ko....
Wait......
?
?
?
?
?
?
?
?Hindi ko to cellphone!!!! Kanino to?! Shet!!!!
Nabuhay bigla ang katawang lupa ko!!! Shet shet shet... Ano ba yan?! Anong gagawin ko?!
Paanong di ko cellphone ang hawak ko?! May nakapalitan ba ako?!
ANG MGA NUMBERS KO!!!
ANG MGA FILES KO!!!
ANG MGA PICTURES KO!!!
ANG MGA SCREENSHOTS KO!!!
ANG MGA COPY'S NG STORY KO!!!!
Anong gagawin ko?!
Sinubukan kong buksan ang cellphone pero may password ito!!
Binaon ko ang ulo ko sa unan!!! Wahhhhhhhhhhh anong gagawin ko?! Anong katangahan na naman anh nangyari sakin?!
Napatingin ako sa cellphone ng bigla nalang ito tumunog....
New Message...
Kahit di ko buksan ay kita ko naman kung kanino ito galing at kung ano ang message na nakasulat...
Binasa ko kung ano ang message and WHAT THE FUDGE!!!!!
New Message
From: Babe #10Miss n kita...Kailan ulit natin gagawin yun babe<3
Dyos ko!!! Manyakis pa ata nakapalitan ko huhuhuhuhuhu........
Written by: Uniqueca_548
LOVELOTS....
YOU ARE READING
Online Diary
Storie d'amorezumi was just writing a new story in her so -called ONLINE DIARY when a man approached her and said he wanted to be her wife ...Ang storya pa bang maisusulat n'ya Is it still a story of her imagination or is it another story of other people na nakak...