AEIRYN
LOOKING at him from afar, made me think if Mom was right. Did I really fall for him for real? Did I really let him took me the first time months ago because my heart and body knew that I would fall for him eventually?
"Dapat hindi mo na lang ipinasa sa akin kung sa araw-araw na gagawin ng Poong Maykapal, nandito ka sa tabi ko at nakikibantay," Missy said with a teasing voice.
"I'll go now—"
"Imbes na naglalabing-labing kami ng asawa ko, binabantayan ko 'tong fake husband mo na binabantayan mo rin naman. Ang denial queen mo, Aeiryn, jusko ka!" she said cutting me off and I gave him a serious look.
Muli kong binalingan ng tingin si Ryl na ngayon ay tila busy sa telepono niya.
"Huhulaan ko, b-in-lock mo siya?" ani Missy muli saka tumawa. "Kahit hindi mo aminin, alam ko naman na b-in-lock mo siya, kasi nag-email siya sa Phyrric—"
"Callia told you?" kunot-noong tanong ko.
"Nope. Pakialamera si Jice kaya nalaman namin," tumatawang sagot niya sa akin. "Sinubukan din niyang pumasok sa Phyrric kahapon, kaso hinarang ni Aeidan. Nagsabi yata si Lindzzy sa kaniya ng impormasyon na nakuha ni Lindzzy kay Jice."
Why do I feel so irritated right now? Bakit ba kulang na lamang ay bakuran nila ako? Bakit halos lahat sila ay gustong alamin ang itinatakbo ng buhay ko? Don't I deserve my own privacy? Are these the perks of being the only woman in my generation?
"Once and for all, Aeiryn, may nararamdaman ka na ba talaga rito sa Ryl na ito? Kasi kung ako ang tatanungin mo, nakikita kong seryoso siya sa 'yo. Hindi man ako magaling sa mga ganitong bagay at marupok ako, pero alam ko naman kung kailan totoo ang isang tao at kung kailan hindi," aniya at saka ako nginitian.
I don't know the answer, Missy. Kung alam ko, wala ako rito ngayon.
Kinuha ko ang telepono ko at tiningnan ko ang messages sa blacklist ko at hindi na ako nagulat nang makita ko ang sunod-sunod na messages niya sa akin.
Sandali ko siyang in-unblock para lamang mabasa ang mga iyon nang bigla na lamang tumunog nang walang tigil ang telepono ko at numero niya ang rumehistro.
"Sagutin mo na," pang-aasar ni Missy kaya't lumayo ako sa kaniya para tanggapin ang tawag.
"At long last. Where are you? What are you doing right now? Please answer me. I want to see you. I want to talk to you. Let's fix things between us—"
"Walang aayusin. Walang tayo, Ryl. Refrain from messaging me and please, stop bugging the people around me. And don't involve our organization with this," sagot ko sa kaniya.
"Kung natitiis mo 'ko, hindi ko kayang gawin 'yon sa 'yo. You're making me insane, Lez. Hindi ko na alam saan pa ako babaling huwag lang kitang maaalala. Every freaking second of the day, gusto ko na lang pabayaan ang lahat ng responsibilidad ko at hanapin ka, pero kahit anong gawin ko, hindi kita makita. How can I continue searching for someone na ayaw naman magpahanap?"
Ramdam na ramdam ko na ang hinanakit sa boses niya.
"Ryl, listen to me," I said in very serious tone. "You deserve someone worthy of your attention and that's definitely not me. I could never give you my whole. I could never bear to see you being so contented sa kakarampot na kaya ko lang ibigay. One more thing, your thing with Eunice, just a friendly advice, cut ties with her now—"
"I already did . . . a long time ago, and believe it or not, noong bumalik siya, alam kong wala na. If you're still bothered about her, I want you to know that I asked a social worker to take her away. I don't want anyone, Lez, ikaw lang. It's you I want in my life. I'm begging you, please tell me where you are," muli niyang putol na paliwanag sa akin.
BINABASA MO ANG
The Nasty Rancher (Freezell #12)
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | ON-GOING Aeiryn Lez Ricafort knows how to control people. Titigan ka lang niya, kusa mo nang isusuko ang lahat sa kaniya. People keeps saying that she's a freak, mannerless, and that she has no mercy-which she knows...