INL-1

0 0 0
                                    

Year 2079.

"Parating na daw yung mayaman na nag surrender dito," Sabi ni Lovely, isa sa mga voluntary nurse ng Home for the Ages na kasalukuyan ko ding pinapasukan ngayon.

Napa tingin ako kay Lovely na kausap at kaharap ngayon si Ate Dech, senior at registered nurse na. Si ate Dech at Lovely ang madalas magkasama, sila rin ang mahilig sa tsismisan at sumagap ng balita. Nakakausap ko rin sila, pero hindi palagi dahil busy ako sa schedule ko sa mga pasyente ng HFTA dahil bago palang ako dito, nasa two weeks pa lang.

"Oh, really? Anong room niya?" Ate Dech curiously asked. Itinuon kona lang ang tingin ko sa chart na sinusulatan ko, but because they are too near at me, hindi ko maiwasang makinig din sa pinag uusapan nila.

"Still don't know, aasikasuhin pa daw ni Doc Gracia."

"Ano daw pangalan nung pasyente?"

"Ate Dech nasabi kona sayo di 'ba? Blessed Amaranthine Tayag ang pangalan. Bagay na bagay sa kaniya yung name niya, talagang blessed. Bilyonarya yun si Lola, as in sobrang pak sa rich. Kaso dinonate niya lahat lahat ng ari-arian niya sa iba't ibang charity, she even donated millions here at HFTA. Kaya nga naka VIP si Lola Blessed,"

Napa hinto ako sa pagsusulat ng marinig ko ang sinabi ni Lovely saka ako napatingin sakaniya. Tsismosa talaga 'tong babae na 'to. But I wonder where did she get that information. And why Lola Blessed donated all her wealth, if its true?

"Oh, talaga? Kaloka! Big time pala 'tong bagong pasyente natin." Ate Dech commented, while also doing her paperworks.

"Ay, sinabi mo pa! Alam mo ba yung bagong tayo nating building diyan? Dun magiging kwarto niya, naka aircon pa daw. Ayaw nga daw ni Lola, but our supreme visors insisted kasi nga malaki daw naitulong nitong si Lola." Lovely paused, "sayang hindi man lang tayo na ambunan ng biyaya ni Lola Blessed,"

Sabay na natawa si Ate Dech at Lovely. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko dahil pupunta na ako sa next patient ko ng marinig ko pa ang last na pinag usapan nila.

"Eh nasaan ba kasi ang pamilya nitong si Lola?"

"Wala siyang pamilya... Actually, narinig ko lang 'to ha? Na TOTGA daw ito si Lola. Yun bang the one that got away? Hindi na daw nag asawa after ma-failed sa pag ibig. Kaya siguro niya dinonate lahat ng kayamanan niya, because she doesn't have anyone in life... I mean, kung ako rin siguro si Lola, baka ganun din ang gagawin ko. Aanuhin ko ang pera kung mag isa lang naman ako? Geez.. Pakiramdam ko siguro patay na ako no'n."

"True. Money doesn't make you feel alive. Love does, sabi nga nila."

Dumeretso na ako sa kabilang building kung saan ko iche-check up ang next patient ko, but while walking, my mind also wandered why there's a such word like a TOTGA. Ano nga ba meaning nito? Totoo ba 'to? And if yes, why does it need to be happened? Bakit may nato-totga? Bakit may mga hindi nakaka move on?

I don't know what is love, or if there's really such a thing like love. Though, I believed it because I can see it from my parents. But sometimes, I am curious. Ano ba 'to? Ano bang pakiramdam 'to? Pano mo ba masasabing nagmamahal ka na, or kung love na ba talaga ang nararamdaman mo? Pano mo malalaman na hindi pala ito love?

Kapag nag failed ba ang love, it means hindi na ito totoo?

28 na ako, but until now I don't have experience when it comes on romance.

After ko ma check up ang patient ko, muli akong bumalik sa lobby para ayusin at muling icheck ang chart ng last patient ko. After this, makaka deretso na ako sa ospital na pinag i-intern-an ko.

IN NEXT LIFEWhere stories live. Discover now