Chapter 9: What Makes a Boy Happy?

456 24 46
                                    

"LET me just take you back to that day na mag-isa akong naiwan kasama ni Lester the molester. 

Totoo - gising na gising na ako sa katotohanan at nang araw ding iyon na umuwi ako at inabutan sina Chester at Junjun sa apartment ay nagpasiya akong no more Mr. Nice Guy for me.

Honestly, isang buwan ko na silang hindi kinikibo simula nang pabayaan nila ako. Hindi ko rin masiyadong inaasikaso si Junjun kaya madalas sila magkasama ni Chester. In a way ay OK na rin kasi nagiging close sila.

Pero hindi yung maging close sila ang goal. Dahil ang gusto ko ay maramdaman nila ang lahat ng tampo at sama ng loob ko sa kanila. Pasalamat pa nga sila dahil hindi ko sila kinukuwento sa ibang tao. Tuwing nagtatanong sina Judah, Frodo, at Chrysler ay laging positive ang sagot ko. Hindi ko ugali na pasamain ang image ng isang tao sa harap ng ibang. Gayunpaman, hindi nito nabago ang katotohana na sa tuwing magkakasama kami ay cold treatment sila sakin.

Minsan nga ay naghihintay na lang ako na palayasin ako ni Chester sa apartment at uuwi na ko samin. Kung hindi lang talaga gagawa ng ingay ang pag-alis ako ay matagal na kong umalis. Pero sa huli kasi ay may pagpapahalaga pa rin ako sa kanila. Malaki lang talaga ang tampo ko.

Simula nang araw na iyon ay lagi na akong umuuwi ng gabi. Nililibang ko ang sarili ko sa lahat ng extra-curricular activities para pag uwi ko ay pagod na pagod na ko at matutulog na lang ako. Yung wala na akong lakas para kausapin silang dalawa.

Nagiging madali na rin sakin ang magdesisyon na sumama kay Chrysler, Frodo, or Judah sa tuwing nagyayaya silang lumabas. Gaya ngayon..."

"Ready, Kris?"

"Yeah!" Sagot ko.

Natigil na rin ako sa pagi-encode ng journal ko. Bumalik na kasi si Frodo sa sasakyan niya kung nasaan din ako naghihintay sa kaniya ngayon. Bibiyahe na kami para mag dinner. Binulsa ko ang cellphone ko para hindi na niya mapansin na may isinusulat ako doon.

"Thanks for this, Frodo. You really shouldn't have done this but I really appreciate the gesture."

"There are things that I also want to talk to you about, Kris. That's why I wanted to have this time with you."

~~~

AND true enough, maraming inamin sa akin si Frodo sa dinner namin na iyon na mas lalo lamang nag validate ng feelings ko toward Chester and Junjun. Ang hirap i-describe ng nararamdaman ko pero ang alam ko lang ngayon ay ang sakit! Pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa kanila para maghanap pa sila ng iba. Hindi ko tuloy napigilan ang maiyak.

"Hey, shush, my friend!" Inabot ni Frodo ang kamay ko. "If I were you, I'd stop crying and start thinking of ways para makaganti kay Chester..."

~~~

AFTER my dinner with Frodo ay inihatid na niya ako sa apartment. Si Chester ang sumalubong sa akin sa pinto. Hinatid pa namin ng tingin si Frodo as he drove away.

Pagpasok sa loob ay inabutan ko si Jun sa sofa, nakapatong sa stool ang sementado nyang paa. May maliit na mesa sa harap at may ilang bote ng beer doon. Himala, nag-iinuman sila ng sila lang. Malapit na yata talagang magunaw ang mundo!

"Hi, Mommy ko!" Malambing na pagbati ni Jun. Ibinuka niya ang mga braso niya bilang pag-anyaya na yakapin ko siya pero bigo siya ulit gaya ng mga nakalipas na araw. "Galit pa rin?"

Hindi ako agad sumagot. Sa halip ay dinampot ko ang isang bote at agad itong binuksan sabay tungga --- straight! Halos masamid na ko sa paglaklak pero inubos ko talaga yung laman ng bote. Shocked sila pero wala silang nagawa nang kumuha pa ko ng isa pa at nilaklak ko rin lahat ang laman noon.

The Rich Kids of State UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon