"THREE KINGS is what these people call us!"
Nahampas ni Chrysler ang desk nya.
Nabasa na kasi niya yung unang issue ng school paper kung saan ay may special mention silang tatlo, pero binansagan silang "The Three Kings", at para kay Chrysler ay napaka cheap ng tag na yun.
Lumapit sa desk niya si Frodo upang basahin ang school paper at pangiti-ngiti lang siya.
"I think it's cool." Nang-aasar na sabi ni Frodo. "Chrysler, bro, you're not taking this with pride." Aniya habang marahang ipinapalo ang school paper sa palad niya. "For these people to elevate us to the level of kings is an honour, don't you see?"
"Honour my ass!" Ani Chrysler sabay dirty finger sa ere.
"Mga sir," sumingit na ko. "OK na po ba yung pinapapirmahan ko sa inyo? Kailangan ko pong ipasa yan para ma recognize na kayo ng SEC as new officers ng JTF."
"Kris," Si Chrysler yun. "Diba sabi ko sa'yo pipirmahan ko lang yan kapag pumayag ka na mag date tayo?"
Natawa si Frodo sa sinabi ni Chrysler. Pasimple naman akong napatingin sa desk ni Judah. Nakatingin sya sakin, naghihintay ng reaksyon ko kaya siningkitan ko sya ng mata. Ngingisi-ngisi syang bumalik sa ginagawa niya.
"Sir naman..." Balik ko kay Chrysler.
"And stop calling me 'SIR'"
"Boss Chrysler..."
"What the fuck, Kris!" Namumula na sa pikon si Chrysler. "I told you, it's just Chrysler!"
Tumawa nang malakas sina Frodo at Judah, di na kasi nakapag-pigil.
Ganto lagi ang eksena namin simula noong pakitaan ako ni Chrysler ng nota niya two weeks ago.
Kasi naman ay hindi ko alam kung anong iniisip ni Chrysler at ginawa niya sakin yun. Kaya simula noon, lagi ko na syang tinatawag na boss or sir para ipamukha sa kaniya na hindi ako interesado. Sabi nga e, walang personalan, trabaho lang.
May Chester at Junjun na rin po ako. Sa isip-isip ko. Hindi ko na kayang pasukan ng isa pa.
Lagi rin namang pikon si Chrysler sakin. First time na napikon sya ay nag message agad sakin si Judah na wag daw akong hihinto kasi masaya daw yung ginagawa ko kay Chrysler.
Masarap naman kasi pikunin si Chrysler. Namumula sya sa gigil pero hanggang dun lang sya. Alam nya namang nag-aasaran lang kami pero kahit ganon ay affected pa rin sya.
"Ayos lang yan, Kris." Pagsasaway ni Judah. "Malayo pa naman ang deadline. Pipirma rin yang mga yan."
Hmp! Imbis na bawas na to sa iniisip ko. Talaga naman.
Tapos ay tumayo si Judah at sinara ang laptop nya. Lumapit sya kay Chrysler.
"Dude!" Ani Judah. "Let's go."
Nanlaki ang mga mata ni Chrysler. Halatang walang alam kung saan sila pupunta ni Judah.
"May meeting tayo with the board members of Royals Corporation, remember?"
"That's today?" Tanong ni Chrysler.
"Ugh! Do you even check your calendar?" Ani Judah.
"Fine, fine. Let's go. Matagal ba yun? Gusto kong bumili ng sapatos, after."
"Medyo. Pero samahan na lang kita mamili pagkatapos."
"So kami lang ni Kris dito?" Sabat ni Frodo.
"Yes, Frodo." Sagot ni Judah. "Babalik din kami agad."
~~~
Thirty minutes na simula ng umalis sina Judah at Chrysler at napansin ko na hindi pa nagsasalita si Frodo. Napakatahimik talaga ng taong to. Ako na lang siguro ang babasag ng katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Rich Kids of State University
Ficción GeneralThree on three - sanay naman sa ganitong laro sina Chester and Jun sa tuwing nagba-basketball sila. This time, however, they are faced with a different kind of a three-on-three challenge when three of the richest and most popular boys in the univers...