Chapter 5

36 23 0
                                    

Hi BEJABERS! HAPPY 20+ READS SA ATIN.

------------------------------------------------------------------

Boyfriend

Hanggang sa makasakay kami ng mga kaibigan ko sa school bus na maghahatid sa amin ay tulala pa rin ako.

"Hi Castañeda. Be ready because I will punish you."

"Hi Castañeda. Be ready because I will punish you."

"Hi Castañeda. Be ready because I will punish you."

"Hi Castañeda. Be ready because I will punish you."

"Hi Castañeda. Be ready because I will punish you."

Nagpaulit-ulit sa aking isipan na parang sirang plaka ang mga katagang kanyang binitiwan.

Hindi ko alam pero kapag nasa tabi o nakikita ko lang si hinayupak ay bumibilis ang tibok ng aking puso na 'tila nakipagkarera.

When he kissed me yesterday. I felt like there's butterfly flying on my tummy. Iyong tipong parang kang nakikiliti sa 'di mo malaman na dahilan.

Bumilis din ang tibok ng aking puso noong maglapat ang aming mga labi kagaya noong nagkatagpo ang aming mga mata sa cafeteria.

Ang mga kasama ko ngayon ay kapwa ko estudyante na nag-aaral ng Accountancy and Business Management strand.

Ang bawat grade level ng pribadong paaralan na aking pinapasukan ay may itinalagang school bus. School bus na siyang maghahatid at sundo sa mga estudyante. Sa isang grade level ay sampung school bus ang nakalaan para sa mga estudyante.

Sa senior high naman ay tigsampung bus din sa bawat strand para hindi magsiksikan ang lahat. Pinagsama-sama ang magkaparehong strand. Ang grade-11 at grade-12 na ABM student ay pinagsama-sama ganoon din sa ang ginawa sa iba pang strand.

Sobrang yaman ng Comprehensive highschool dahil may roon itong napakaraming school bus. Probinsiya kase kaya ang mga magulang ng mga nag-aaral sa nasabing paaralan ay hindi pinahintulutan ang kanilang mga anak na magmananeho. Palibhasa'y wala pa sa wastong gulang ang mga ito.

Napatingin ako sa mga narito sa loob.
Ang iba ay may dala-dala pang nagkakapalang libro. May nagpapatugtog at ang iba'y sinasabayan ang kanta habang umiindayog sa kanilang mga upuan. May nag-uusap din at nakikipagkilala sa mga bagong mukha. Siyempre hindi mawawala ang mga reklamo nila sa pag-aaral. Nadinig ko sa isa na nakatulog daw siya kanina dahil sa pagkaburyo. Tawang-tawa pa ang kaniyang mga kausap dahil sa ikinuwento nito.

Iba't ibang senaryo ang makikita sa loob ng school bus. Nagmumukha na itong amusement park dahil sa sobrang ingay. May nagpipicnic pa sa loob. Naglatag ng picnic mat sa mismong gitna ng bus.

Nakita ko rin nakikipagkilala sina Youcka sa ibang naririto sa school bus. Mga mababait naman siguro ang mga narito. Sana.

Napatingin ako sa labas ng bus ng kumidlat ng malakas. Napatigil din sa pag-uusap at sa pagpapatugtug ang mga narito sa loob ng bus. Animong nagpapakiramdaman sa susunod na mangyayari.

"Mukhang uulan pa 'ata." Bulalas ng lalaking nakaupo sa unahan ng aking kinauupuan.

Nakamessy hair na animong wala pang suklay pero bumabagay naman sa kaniya. Napakatangos ng ilong dinaig pa ang ilong ng mga banyaga. Napakakinis ng mukha niya at mamula mula pa. Sarap kurutin. Punyeta!

Teka bakit ba kapag may nakikita akong tao ay palaging kong inilalarawan o di kaya'y pinupuri. Ay! Ewan.

"Hi miss. I'm Brixx Sanchez and you are?" Tanong nito habang nakangiti.

Playful Fate(Fate #1)Where stories live. Discover now