Chapter 7

19 17 3
                                    

Dedicated to: 3zViCtOria

------------------------------------------------------------------

This is your punishment.

Nadatnan kung nakahain na sa mesa ang aming hapunan. Meroong bulad na tinatawag ng mga masbateña at masbateño na ang ibig sabihin ay daing na isda. May nakalagay din sa mangkook na ginamos o maliit na isda na preneserved sa isang container at binudbodan ng napakaraming asin. Hindi din mawawala ang ginataang puso ng saging with sili. Nice!

Alam talaga ni mama ang paborito ko. How sweet of her 'di ba?

May nakita rin akong nakahaing tinolang manok at balbakwa o balat ng baka. Hindi mawawala sa hapag ang suka na dinikdik ng napakaraming sili at kamatis na pula.

Umupo na ako sa hapagkainan and wait my mama to come over in the kitchen.

I see my mom walking towards the kitchen with the hinayupak while laughing.

Close agad sila?

I gaze my sight at my plate when my mama point her finger at me. I started to eat and not bother to look the hinayupak that already seated in front of me.

"D! Why you left us there? You didn't entertain your boyfriend. Kung ayaw mo siyang respituhin bilang boyfriend then respect him as a visitor." Pangangaral ni mama.

I stop eating at inangat ang aking tingin. Nasalubong ko ang tingin ng hinayupak na nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain ngayon sa mesa.

What's with him?

Ngayon lang ba siya nakakita ng ganyan. Malabo naman siguro na ngayon niya lang nakita ang mga iyan kase taga-probinsiya siya.

Hindi ko na lamang pinansin si mama na dada ng dada sa harap ko. She said before that don't speak while your eating but now there she is. She talk a lot even she's eating. She's not good being a role model.

Iniangat ko ulit ang aking tingin nang mapagtantong ang kutsara at tinidor ko lamang ang maingay sa hapag.

Naulinigan kong nakatingin lang silang dalawa sa akin. Si mama na kanina pa dada ng dada ay nakakunot noong nakatingin sa akin habang ang hinayupak ay ngisi-ngising nakatingin sa akin.

Supalpalin ko kaya ang nguso ng isang 'to para matanggal ang pagngisi niya. Tch!

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

Kumuha ako ng ginamos at isinawsaw sa sukang dinikdikan ng bawang, sibuyas and of course magpapahuli pa ba naman ang sili na pinapaborito ko.

Kinuha ko din ang isang bulad na nasa platito. Tinidor ko ito ngunit hindi nakukuha ang laman. Mas masaya siguro kung magkamay ako?

Ginawa ko nga ang huli. Binitiwan ko ang kubyertos at kinamay ang bulad. Hinimay ko ito gamit ang aking mga kamay saka isinubo.

Napapikit ako sa sobrang sarap. Ninamnam ko ang lasa ng bulad. Mula sa laman hanggang sa buto ay nanunuot ang sarap at lasa ng katamtamang alat kasabay ng maanghang na lasa. Dinilaan ko ang aking kamay kung saan meroon pa doon na natitirang suka.

"Gross." Komento ng kung sino na siyang nakapagpamulat ng aking mga mata. Nakalimutan kong may kasama pala ako. Aishh!

"Gutom na gutom ka anak? Ito pa buto ngatngatin mo pa nang masatisfied ka. Hindi ka man lang nahiya sa boyfriend mo na nginangatngat mo 'yang buto ng daing na isda." My mama said while laughing while the hinayupak is smiling. A fake one, tsk! I know diring-diri siya sa nakikita. Eh siya pa, daig pa ang babae sa sobrang konserbatibo.

Bakit naman ako mahihiya? Dapat ang hinayupak na 'yan ang mahiya dahil sa lumalabas sa bibig niya na hindi naman karapat-dapat. May pa boyfriend boyfriend pa siyang nalalaman tapos pupunta dito sa bahay. Eww! Wala ba siyang hiya sa katawan. Maski sa mama ko ay nakuha niyang ipangalandakan na kasintahan ko siya kahit hindi naman. Kabwisitan pwede pa. Letche!

"Iho, pasensiya ka na sa kababuyan 'yang anak ko ahh. Ganyan lang talaga siya paggutom tsaka mabait naman iyan kaya huwag ka sanang maturn-off sa ugali niyang iyan kapag gutom." I rolled my eyes when mama talked the hinayupak and apologize to him about my wrong action. Kahit hindi nakikita ni mama ang pag-ikot ng mata ko ay alam kong nakita iyon ng hinayupak na kanina pa nakatitig sa akin. Aswang ata ang isang ito at kaya niya ako pinuntahan sa bahay dahil ako na ang bibiktimahin niya mamamayang gabi. Huwag naman sana!

Seriously, ma? I'm your daughter pero ako ang dinadown mo dito. Gosh! I cant believe it.

"Tita, don't worry I love your daughter. I love Castañeda. I love everything about her. Her flaws. Her imperpect character and attitude. Her insecurities. Everything about Castañeda. I love everything about her." English iyon ahh! Nag-speach ba ito para kumandidato? Tsk! Nasusuka ako sa pinagsasabi nito. Yakk!

Tiningnan ko si mama na nakangiting nakatingin sa binata at binaling ko naman ang tingin sa hinayupak na nakangiting nakatingin pa rin sa akin. Mapunit sana ang bibig mo na hinayupak ka.

Dahil kaharap ko siya ay may isang malademonyong plano ang pumasok sa malaman kung utak.

"Arayyyy!" Daing niya habang masamang nakatingin sa akin. Si mama naman ay parang natauhan sa pagkakangiti nang sumigaw ang isang 'to. Well, guess what of what I've done to him. Sinipa ko lang naman po ng napakalakas ang binti niya. Ito naman si mama ay sobrang oa. Akala mo isang babasaging bagay ang hinayupak na ito.

"Iho, what happen?" Isa pa 'to si mama. Ume-English na. Paalala lang ho nandito sa Pinas kaya gamitin niyo ang sariling wika.

Nataranta agad si mama. Hay naku! Why I had this over acting mother? Arghh! She can be a good actress if she enters showbiz.

"A-hmm tita kinagat lang ho ng malaking laggam." Pinagdiinan niya ang huling salita at tumingin sa akin. Ako naman ay tumingin lang sa kanya na parang inosente.

"Bakit masakit ba?" Inosente kong tanong sa kanya. Hindi niya ako pinansin at tiningnan si mama na palipat-lipat lamang ang tingin sa amin na nakakunot noo ngunit kalaunan ay ngumiti din na tila alam niya ang nangyari.

"By the way tita uuwi na pala ako. It's getting late na po kase." Tumayo ito ganon din si mama ngunit ako ay nanatiling nakaupo lang. Marunong pala mag 'po' ang hinayupak na ito.

"Ganon ba iho. Sayang naman gusto ko pa sanang makipagkwentuhan pa sayo."

"Next time po tita. Babalik po ako dito." Anong next time?

"Anong next time? Wala na oyy!" Singhal ko sa kanya.

"Hay naku anak! Sige ihatid mo na si Jaeiou sa labas." Aangal pa sana ako ngunit pinandilatan ako ng mata ni mama kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod na lamang.

Matapos ang pagbeso nilang dalawa ay tahimik naming tinahak ng hinayupak ang daang palabas.

Pagkadating sa gate ay napagpasiyahan kung kausapin siya nang matigil siya sa kahibangan niya.

"So, ano pupunta ka dito sa bahay pagkatapos sasabihin mo sa bipolar kung nanay na boyfriend kitang hinayupak ka. Ehh! Hindi nga kita kilala ehh at wala akong planong kilalanin ang buong pagkatao mo-"

Isang mainit na dampi ng halik sa aking labi ang nakapagpatigil sa aking pagsasalita.

"This is your punishment." He said and left me hanging.

FATE SERIES 1:PLAYFUL FATE
MDbejaber

Playful Fate(Fate #1)Where stories live. Discover now