Chapter 6

24 18 0
                                    

I'm not yours

"Boyfriend?!" Buong sigaw ko habang naglalakihan ang aking mga mata. Takte! Paano ako magkakaroon ng boyfriend? Wala naman akong naalalang may nagkamaling manligaw sa akin.

Kung nandito pa si Youcka ay sabay kaming sisigaw dahil sa tinuran ni mama. Sino ba ang hindi sisigaw kung malaman mo sa nanay mo mismo na may kasintahan ka na.

“Are you serious, mama? Sa pagkakatanda ko po walang nagkamaling manligaw sa akin at wala po akong sinagot na lalaki sa tanang buhay ko.” Bulalas ko. Hindi matanggap ang kanyang tinuran na meroon akong kasintahan. Kasintahan na kanit kailan ay hindi ako nagkaroon. Sa labingpitong pananatili ko sa mundo ay hindi ko pa naranansang mainlove. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng taong naiinlove. Inosente ba?

“D! Huwag ka ng mahiya sa akin. Ako ang mama mo kaya alam ko kung mayroon ng kasintahan ang aking dalaginding. Masaya ako para sayo 'nak. Sa wakas meroon ka na ding kasintahan. Sobrang gwapo ng kasintahan mo 'nak and I like him for you.” Ganyan si mama pagdating sa akin. She want me to had a boyfriend. Sabi niya pa mas magandang maranasan ko ang magkaroon ng nobyo sa murang edad. Mama is not like the other parents or mommys.

Ang ibang mga magulang ay pinapagalitan ang kanilang mga anak kung makikipagnobyo o makikipagnobya at minsan pa ay gagawa ng paraan para paghiwalayin ang anak sa iniibig nito. My mama is not like that. She’s the one who pursue me to had a boyfriend at the young age but I don’t want to. I want to study first and have a college diploma.

I’m the only child. Sa maagang pagpanaw ni papa ay hindi na muling nabigyan ng pagkakataon si mama na bigyan ako ng kapatid. Hindi na rin muling umibig si mama dahil ang sabi niya pa sa akin ay sapat na ako para lumigaya siya. She’s my teacher, first bestfriend, hero, my sister, my father, my doctor, and of course my best mom. Iba talaga magkalinga at magmahal ang isang ina.

One day, noong nasa mall kami para magbonding ay tinanong ko siya kung bakit ipinagtutulukan niya akong magkaroon ng kasintahan.

“Mama why you always pursue me to have a boyfriend?”  I asked her.

Inilagay niya muna ang mga pinamili sa counter bago nagsalita.

“D! Masarap magmahal hangga't bata pa!” Iyan ang palagi niyang sagot kapag tinatanong ko siya sa mga bagay na iyon.

Bakit ba ganoon? Masarap ba talaga magmahal? Ewan!

“Finally you’re already here, Castañeda!” Napabalik ako sa reyalidad nang may nagsalita. I knew who owns that voice.

'What the fuck?'

Why he’s here? How did he know my address?

Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa sala at kaharap ang isang 'to. Siguro sa malalim na pag-iisip kanina kaya hindi ko namalayang naglalakad na kami ni mama patungo dito sa sala.

“Ikaw?”  My voice filled the four corners of our house. Abot hanggang labas ang aking boses at sa pagkabigla nagliparan ang nga ibon na nagpapahinga sa mga sanga ng puno.

“Oww! You must talk in private. Maiwan ko muna kayo at aasikasuhin ko ang niluluto ko doon baka masunog pa.” Mama's said. Bago pa siya pumunta sa kusina ay nag-iwan siya ng salitang nakapagpatigil sa aking mundo. "D! Take care your boyfriend. Ikaw muna ang mag-asikaso sa kanya."

 Nang makaalis si mama ay ang kaninang nakangiting mukha ng hinayupak ay ngayon nakasmirk na.

“What are you doing here?” I angrily said bagama’t mahina ang aking boses sa takot na baka marinig ni mama. Nagpipigil ng galit!

Where he got his confidence to introduce his self to my mama that he is my boyfriend?

I know this one is one of his pranks.  I don’t remember that he courted me. Pag nagkataon man na nanligaw siya sa akin. Hindi pa man siya makakahingi ng permiso na ligawan niya ako ay ligwak na siya. Basted na siya. No more explanation because he have a bad attitude and he’s the hinayupak I hated the most.

Playful Fate(Fate #1)Where stories live. Discover now