Chapter 10

15 14 0
                                    

Dedicated to: ipuudwkm

--------------------------------------------------------------

Comfort

No..no..no..it can't be. Kailangan ko siyang puntahan baka magbago ang isip niya. Hindi niya ako pwedeng iwan kase nangako siya sa akin. Ang pangakong iyon ang tangi kong pinanghahawakan. Kahit kailan hindi siya sumira sa kanyang pangako. She said 'promise is still a promise'.

Mabilis kong pinunasan ang aking luha at tsaka lakad-takbong tinungo ang pintuan. I was about to open it when someone open the door and it's my mama.

"What happened to you?" Puna nito sa akin. Alam kong pulang-pula na ang aking mata na nagpapahiwatig na kakagaling ko lang sa iyak.

"Ma, I'll explain later. Nagmamadali po ako. Ayaw kong mawala siya." Sagot ko dito a halip na sagutin ang kaniyang tanong. Hindi ko namalayan na may tumulo na namang luha sa aking mata.

"Pero 'nak—" Hindi ko na siya pinatapos at pinakinggan ang dapat sana niyang sabihin. Linagpasan ko siya at dire-diretsong naglakad palabas ng aking silid. I love you ma, but I love her also. I don't want her to lose in my life. I don't want!

"Anak your boyfriend is on downstairs!" Sigaw pa nito ngunit okupado ang aking isip at ang tanging laman lamang nito ay ang pag-asahang mapipigilan ko pa si Youcka.

Narinig ko din ang mga yapak nito na nagpapahiwatig na sinusundan niya ako.

Lakad-takbo kong tinungo ang pinto nang hindi pinapansin ang aking paligid. Tuliro ang aking isip at napakagulo. Gulong-gulo sa mga pangyayari. Kahapon lang ang saya-saya namin bakit ngayon ito ang nangyari? Kapalit ba talaga ng kasiyahan ang kalungkutan? Huwag naman sana ngayon. Youcka not now! Youcka please come back!

Akala ko ba takot siyang iwan ng isang kaibigan?  Bakit 'tila ngayon nagkabaliktad? Siya itong nang-iwan. Please Youcka what ever your reason is..I will accept it. Basta bumalik kalang. Ayoko  mawala ka sa aking tabi. Isa ka sa importanteng tao sa akin na nagparamdam ng isang tunay na kaibigan. Kaibigang maasahan sa lungkot man o sa ligaya.

"Castañeda." Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko ang boses na iyon. Kahit nakatalikod ako kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Siya Lang din ang tumatawag sa akiin ng 'Castañeda'.

Humarap ako sa kanya at 'tila ba nagulat pa ito sa aking itsura ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon. I don't care if he see me like this. All I want is to go in airport. I want to stop Youcka. Right now!

"What happened to you?" Kung nasa normal ang araw ko ngayon baka kanina ko pa ito pinagtabuyan sa labas. Naiirita talaga ako sa pagmumukha ng isang 'to, but I have no choice. Siya Lang ang nakakatulong sa akin..sa ngayon. Sira kasi ang kotse ni mama.

"Did you bring your car?"

Natigil muna ito sandali bago nagsalita ng utal-utal , "Y-yes. Why?"

Hindi ko na siya sinagot at pinansin. I grabbed his hand and then naglakad na ako palabas ng bahay. Mamaya ko haharapin ang consequence ng paghila ko sa kanya ng bigla-bigla. Sigurado akong iba na naman ang interpretasyon ng hinayupak  sa aking ginawa.

"Ano bang nangyari?"

"Shit!"

"Be careful naman!"

"Magdadate ba tayo?"

See? Utak niya may ubo.

Iyan ang kanyang mga sinabi ngunit kahit isa wala siyang nakuhang tugon mula sa akin.

Playful Fate(Fate #1)Where stories live. Discover now