1

30 6 1
                                    

Sabi nila ang pagtakbo raw at pagtalikod sa problema ay isang malaking kaduwagan. Mga taong ayaw harapin ang realidad ng buhay. Pero para sa akin hindi kaduwagan ang pagtakbo at pagtalikod sa mga ito.

Minsan kailangan din natin ng pahinga. Pahinga sa paulit-ulit na hamon ng buhay. Sino ba namang hindi mapapagod hindi ba? Kung ginawa mo na ang lahat pero para sa iba'y hindi pa rin iyon sapat. This world is full of high expectations. High standards. Kapag hindi mo nameet 'yon, every one will see you as a failure.

Minsan kung sino pa ang inaakala nating tatanggap at iintindi sa atin ay 'yon pa pala ang magiging dahilan ng pagiging miserable ng buhay natin. Nakakatawa 'di ba? May mga taong kahit anong gawin mo hindi ka nila maappreciate. May mga taong kahit anong pilit mong itama ang pagkakamali mo ibabalik at ibabalik nila ang nakaraan. Paulit-ulit nalang. Nakakapagod. Nakakasawa.

Ipinarada ko sa gilid ng isang convenient store ang pickup car ko. Pakiramdam ko nanunuyo na ang lalamunan ko simula pa kanina nang umalis ako sa bahay namin. Binulsa ko ang wallet ko at padabog na isinara ang pintuan ng sasakyan.

Alas otso na ng gabi at medyo malamig na rin ang simoy ng hangin.  Isinuot ko ang hoodie ng aking jacket, Luminga-linga muna sa paligid bago pumasok sa loob.

"Good evening sir," bati ng babaeng nasa kahera. Her chin was rested on her intertwined hands on the counter. Hindi ko s'ya pinansin at diretsong kumuha ng basket sa gilid. Kumuha ako ng ilang supot ng chichirya at ilang lata ng beer. I also grabbed my favorite gummy bears and mint candy. Matapos ay bumalik ako sa cashier para bayaran ang lahat ng nakuha ko.

She was smiling the whole time while putting the items inside the paper bag. Napapakunot pa ang noo ko sa tuwing sinusulyapan n'ya ako.

"Three hundred and fifty pesos sir."

Ako lang ba o parang nagpapansin s'ya sa akin? I shrugged my thoughts and withdrew a five hundred peso bill from my wallet. Matapos n'yang ibigay sa akin ang sukli ko at ang paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko ay agad na rin akong lumabas.

Bumalik ako sa sasakyan at isinilid sa backseat ang mga pinamili ko. I returned to the driver's seat and started the engine.

Dumiretso ako sa overlooking kung saan ko nakikita ang kabuuan ng Manila. Ang mga ilaw na nagniningning sa kahabaan at kadiliman ng gabi. Muli akong sumimsim sa beer na hawak ko. I was seated on the tailgate of my pickup while observing the whole place with my tired eyes.

Napahinga ako ng malalim nang biglang bumugso ang malakas na ihip ng hangin. Gusto kong malaman kung ano ang purpose ko sa mundo. Kung bakit sa dinami-rami ng taong pagbabagsakan ng lahat ng problema ay ako pa talaga ang nakasalo. Para akong isang ilaw na napundi. Iyong dating ako na dating puno ng liwanag ang buhay ay biglang namatay. Biglang dumilim. I feel like I'm alive, but barely breathing.

Niyupi ko ang lata ng beer at inihagis 'yon sa damuhan. Humiga ako at tumingala sa langit. Inunan ang kanang braso habang pinapanood ang ningning ng mga bituin. I used to enjoy the beauty of the stars back then. I used to capture the shining stars above. But all of the sudden, my life changed. I'm no longer pleased by the existence of the stars. For me, isa nalang 'yong palamuti sa malungkot na langit. I cannot see and appreciate the beauty of it anymore.

Sabi kasi nila kapag tumingin ka sa langit na puro bituin makakalimutan mo ang lahat ng problema mo. Makakalimutan mo ang bigat na dinadala ng mundo. Dahil sa kabila ng lahat, meron pa ring mga bagay na nagpapaganda rito—at isa na ang bituin sa mga iyon. But now, whenever I looked up too see the stars, it just reminds me of someone from my past. Something painful and something tragic. Kaya simula noon sa tuwing titingala ako sa mga bituin, I am no longer attracted to them. For me they are just a stone, not a diamonds in the sky.

Huling sayaw: Journey of loveWhere stories live. Discover now