"Good morning, Sir," sabay-sabay na bati ng mga tauhang nadaraanan ko.
Tulad ng normal kong ginagawa, isang tipid na tango lang ang ibinigay ko sa kanila habang patuloy na naglalakad patungo sa opisina ko. Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong ibigay sa akin ni Daddy ang pamamahala sa kumpanya namin, at sa loob din ng maikling panahon na iyon ay nawalan agad ako ng sekretarya.
Tsk!
"Handa na ba ang mga aplikante?" seryoso kong tanong sa pansamantala kong tauhan na si Manolo.
He nodded and drop the files in front of me. "Ito po ang mga nakapasa sa nauna naming interview," he stated.
Hindi naman ako umimik at sinuri na lamang ang mga papeles. My lips automatically curled upon seeing their pretty faces and educational background.
Pwede na.
I put back the papers on the table and leaned against my seat. "Sige na, papasukin mo na sila isa-isa."
Manolo made a slight bow before leaving my office. The prior applicant came in after. I began asking her a series of questions related to the role she was applying for. I may be a playboy, but I am serious when it comes to work. I need someone whom I can really trust regarding my company. Well, having sex with them is just a bonus.
"Thank you, you may go now."
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ng babae. Gustuhin ko man tanggapin lahat ng mga nag-a-apply, kailangan kong mamili ng mas angat sa kanila. Bukod pa roon ay hindi ko gusto ang adorasyon sa mga mata niya.
I don't like girls who like me. Masakit sa ulo. Ang gusto ko ay iyong handang makipaglaro sa akin, walang halong feelings o kung anuman. It may sound like an as*hole, but I prefer that way.
"Gavriel!" My mom rushed in after the applicant exited the office.
I heaved a deep sigh, then stood up from my seat. "Mom," I uttered and walked towards her.
Humalik ako sa kanyang pisngi pagkatapos ay maingat niya akong itinulak palayo. "Did you really impregnate that Cristine?" she asked hysterically.
"Cristine, who?" I asked.
Napatampal siya sa kanyang noo at naiiling na umupo sa visitor's chair. "My ghad, Gavriel! Pang-anim na iyong babae na nagpunta sa bahay at nagke-claim na ikaw ang ama ng ipinagbubuntis nila," nauubusan na pasensyang usal ni Mommy at saka tumitig sa 'kin. "Kailan ka ba magseseryoso sa babae, anak?"
"Mom," sambit ko at bahagyang lumuhod sa harapan niya. "Don't worry, hindi ko pa kayo bibigyan ng apo. Hindi sa akin ang mga batang ipinaaako nila. Besides, I'm still young for a serious relationship," I said.
Lalo namang nabigo ang mukha ni Mommy. Tipid na lamang akong ngumiti at saka hinawakan ang kamay niya.
"Darating din tayo riyan, Mommy," paninigurado ko.
Bumuntonghininga siya at marahan na hinawakan ang pisngi ko. "Gavriel, you're not getting any younger. You should have your goals. Stop playing with girls, baby," she said sincerely.
I gave my mom a warm smile and gave out a deep breath. "Fine. I will try, but I can't promise. I'm still a guy after all." I shrugged.
Mabagal na nanlaki ang mga mata ni Mommy. "Really?!" paninigurado niya.
"I said I will try, Mom," I cleared out.
She smiled widely and threw herself to give me a hug. Napangiti na lang ako at niyakap siya pabalik.
"Kumain na po ba kayo? Wanna eat outside?" imbita ko kay Mommy nang kumalas siya sa akin.
"No need, intindihin mo na lang ang trabaho mo. Saka dadalaw kami ng Daddy mo sa lola niyo ngayon kaya 'di na rin ako magtatagal dito." She caressed my face. "Take care of Mary Ann, okay?" bilin niya sa akin.
I nodded. "Hanggang kailan kayo roon?"
"A week maybe?" Mom answered and hugged me. "I'm going," she bid and broke off from our hug.
"Keep safe and enjoy. Pakikumusta na lang po ako kay Dad," aniko.
My mom smiled and nodded her head before turning her back against me. Napailing na lamang ako nang maalala ang sinabi ko kanina sa kanya.
Mukhang mapapasubok ako nito.
I was about to sit when my phone rang. Agad na sumilay ang ngiti sa gilid ng labi ko nang nakita ang pangalan ng kaibigan kong si Yves sa screen. I took my phone and answered the call.
"May problema."
Agad na nawala ang ngiti ko sa sinalubong niya sa akin. Tinuloy ko ang pag-upo sa 'king upuan at sumandal doon.
"Why?" I asked and tapped my fingers on the table, waiting for my friend's answer.
"The bar manager told me that the girl refused your offer," Yves informed.
Muling bumalik ang ngiti sa labi ko. "Hmm, I already expected that," I mumbled.
"What's your plan?" usisa ng kaibigan ko.
I licked my lower lip and stared at the applicant's files. "Ako mismo ang kakausap sa kanya," aniko at itinapon ang mga papeles sa basurahan.
"SERYOSO ka ba riyan sa gagawin mo?" Yves uttered and drank his shot. "I mean, she's just a girl. You can have anyone in a snapped, so why bother?" he added.
Nandito kami ngayon sa bar na pinagtatrabahuhan ng babaeng nakakuha ng atensyon ko.
Nursima Andan, 23y/old, a go-go dancer. Bago pa lamang siya rito sa bar na pinasukan niya pero ayon sa pinasa niyang biodata, ilang taon na siya sa ganitong trabaho.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit ito ang pinili niyang klase ng pagkakakitaan. I mean yeah, it's legal. But she has the looks and such. I bet she can even be a model!
Why so nosy, Gavriel?
Natuon ang atensyon ko sa entablado nang nakita ko ang pamilyar na awra ng babaeng hinahanap ko. A loop side smile appeared on my lips. Narinig ko pa ang pag-ismid ni Yves na hindi ko na pinagtuunan pa ng atensyon. Tulad noong una ko siyang nakita, eksperto siyang sumayaw sa unahan. I don't know why, but I am fascinated with her movements. Hindi siya nakadidiri o nakaaasiwa.
Finally, you showed up.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na ngang natapos ang pagsasayaw niya. My jaw clenched when I saw how the crowd threw their money at her direction. Nilimot niya ang mga iyon at tipid na ngumiti bago tuluyang nilisan ang entablado.
"Hindi kita ma-gets, Dude," pakinig kong wika ni Yves nang umalis ako sa p'westo namin para sundan ang babae.
Napailing na lamang ako dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan ang ginagawa ko.
Astang papasok ang babae sa isang silid nang mabilis ko siyang hawakan sa braso. Gulat niya naman akong nilingon. Mayamaya pa ay mas namilog ang kanyang mga mata na tila may rumehistro sa kanyang utak na nakapagpaalala sa 'kin.
I smirked. Yeah, I am that guy.
"Be my secretary," direkta kong saad.
Ang kanina niyang gulat na mukha ay unti-unting kumalma at napalitan ng walang emosyon. "I already turned down your offer, Sir. Nakausap mo na naman siguro ang manager namin," aniya habang walang buhay na nakatingin sa 'kin.
"I will double your salary," I said.
She clenched her jaw. "Still no," she answered sharply and was about to turn her back.
"20 million!"
Natigilan siya sa pagkilos at mabagal akong nilingon, naningkit ang kaniyang mga mata sa panunuri sa akin. Maski ako ay hindi ko rin inaasahan na maglalapag ako ng gano'ng halaga.
I stood up straight and fixed my coat. "Twenty million, be exclusively mine, Nursima Andan."
![](https://img.wattpad.com/cover/264595202-288-k624136.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing Her Flaws (ONHOLD)
RomanceROMANCE/ GENFIC/ PSYCHOLOGICAL Gavriel Villa Forca enjoys a life of luxury because, in addition to being wealthy, he is also attractive. He seemed to view things-women, or whatever else-as simply flips. One day, he came across go-go dancer Nursima...