CHAPTER 8

4.8K 149 87
                                    

I seriously looked at her. "Do you like me?" I asked straight.

Her lips tugged upwards. "No, Daddy," she answered—teasing and serious at the same time—as her long eyelashes flicked artistically.

Napatiim-bagang ako. I felt like my breath was snatched inside my lungs. Pilit kong hindi ipinakita ang epekto ng mga salita at galaw niya sa akin.

"Why not?" I asked.

I'm rich, handsome, and I can be kind to her. Bakit hindi niya ako gusto? Girls used to throw themselves the moment they saw me. Gagawin ang lahat mapansin ko lamang. Magaling din naman ako sa kam—

I groaned mentally.

You're going too far, Gavriel.

"Ayaw ko sa lalaking may braces," tugon niya.

Hindi ko napigilan na mapaawang ang bibig ko. I stared at her, searching for some jokes or mocks, but she seemed serious.

What the fvck?

"Masakit halikan, sumasabit," she added and let out a soft laugh.

Once again, I felt like she's robbing my breath. Hindi ko matandaan kung nakita ko na ba siyang tumawa ng ganito, ang alam ko lang... I am fvcking amazed at this moment.

"I got to go. I have some errands to do," I said and quickly walked out from my office.

Hindi ko na pinansin ang paghabol niyang tawag sa akin. I just kept walking until I reached the ground floor. Wala sa sarili kong nahawakan ang aking panga—malalim na nag-iisip—habang tinatahak ang daan patungo sa sasakyan ko.

Should I remove my braces?

Napailing ako at napahilot sa aking sintindo nang naalala na hindi ko pa iyon pwedeng ipaalis. Three months ago, I went to the dentist to fix my teeth. I didn't have a problem when they made me wear it. It's kinda beautiful and my girls like it.

Argh! Ano bang taste ang mayroon ka, Nursima?

"WHAT the fvck are you doing here, Mr. CEO?" taas-kilay na tanong ng kaibigan kong si Yves nang pagbuksan niya ako ng pinto ng condo niya.

Hindi ko naman siya sinagot at naglakad lamang papasok sa loob ng kabahayan.

"What the fvck? What. The. Fvck," I chanted and held my chest.

Kumakabog iyon. Nagkakagulo. Nagwawala.

"Problema mo?" usisa nang nakasunod na si Yves.

I looked at him with my wide open eyes. Ang kanina kong emosyon sa opisina ay tuluyan ko nang pinakawalan ngayon.

"Did my heart just flutter earlier?" I uttered.

Halos magsalpukan ang mga kilay ni Yves habang nakatingin sa akin.

"Jesus! She called me Daddy!" I blurted and frustratingly combed my hair with my fingers. "She also laughed!" I added.

Gulong-gulo pa rin si Yves sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko na siya inintindi at nagpunta na lang sa mini bar area niya. Alam kong masyado pang maaga para sa pag-iinom pero wala 'atang makakapagpakalma sa akin ngayon.

Damn! Her words still lingered in my ears.

"Sino ba ang tinutukoy m—" Natigil si Yves sa pagsasalita at mabilis na nagtungo sa gilid ko, nanlalaki ang mga mata habang nakaawang ang labi.

He pointed at me. "Don't tell me you're acting like this because of your secretary?!" he blurted with disbelief.

Hindi naman ako sumagot at kumuha na lamang ng alak saka baso. Narinig ko pa ang maramdamin niyang pagsinghap sa tabi ko nang nakumpirma ang iniisip.

Embracing Her Flaws (ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon