"You just removed your coat in front of me—planning to get naked, Nursima," I reminded. "I am attracted to you, how do you expect my thing to react?" I raised an eyebrow.
Bahagya siyang lumayo at iniiwas ang kanyang paningin. "Nalibugan ka pa rin sa akin," aniya.
I shut my eyes tight after hearing her vulgar words.
Damn, this girl.
I heaved a deep breath. "Okay, I'm sorry. I didn't mean it," I said sincerely.
Hindi naman siya agad nakaimik at nanunuring tumitig sa mga mata ko. "You..." she trailed off. "Don't really want to take me?" magkahalong gulat at nagtataka niyang usisa.
"Like what I've said, I want you to become my secretary. Hindi ka-fubu, Nursima," saad ko at sumusukong napahilot sa aking sintido.
Never in my existence that I tried this hard to explain my side.
"Kung totoo 'yan... hindi ako p'wede." Yumuko siya at pasimpleng nilaro ang mga daliri niya.
"What do you mean?" I asked, confused.
She bit her lower lip and looked at me. "Hindi ko alam kung paano maging sekretarya. Hindi ako nagkapagtapos ng pag-aaral. Hindi rin ako nakapagdala ng resume para maipasa rito sa kumpanya mo," magkakasunod niyang saad.
"You mean, you really thought I am asking you to be my fvck buddy that's why you came here?" I uttered, emotionless.
Marahan siyang tumango bilang tugon at muling kinagat ang ibabang labi niya. "Ibabalik ko na lang ang pera." Bagsak balikat siyang tumalikod at astang lalakad patungo sa naiwan niyang bag sa visitor's chair nang pigilan ko siya sa kanyang braso.
"Do you want to work with me?" I asked when our eyes met.
"As your..." she spoke, hanging her words to let me continue.
My jaw clenched. "Secretary."
"Sinabi ko na sa 'yo, wala akong karanasan sa opisina. Bar ang pinagtatraba—"
"I am asking you if you want to work with me, Nursima," I sharply interrupted.
Sandali siyang tumitig sa akin at nilabanan ang tingin ko. "Ano ba ang gusto mong palabasin, Mr. Villa Forca?" direkta niyang tanong.
Marahan kong binitiwan ang braso niya at saka naglakad pabalik sa upuan ko. Pagkatapos niyon ay binuksan ko ang drawer ng table ko at kinuha ang inihanda kong folder doon. I looked at her and motioned her to sit. Agad niya namang sinunod iyon kahit pa nababakas ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.
"Sign it," tipid kong sabi at mabagal na inilapag ang harapan niya ang folder na naglalaman ng kontrata.
She picked it up and scanned the files. Hindi nakaligtas sa 'king paningin ang saglit na pag-awang ng labi niya. Ilang beses siyang kumurap bago inangat ang kanyang mga mata sa direksyon ko.
"I-Inihanda mo na ito kahit pa hindi ka sigurado kung magbabago ang isip ko?" utal na pangungumpirma niya.
I nodded and leaned against my seat. "As you can see, Ms. Andan. I am looking forward to work with you, not to fvck you around like what you thought," I stated. "Now, if you still want to be my secretary, sign it."
"Hindi ako marunong."
"I can call someone to teach you things, Nursima."
She didn't speak and gave back her attention to the files. "Kailangan ko pa bang ipasa ang resume ko?" naroon ang pag-aalangan sa kanyang tono.
"No need if you don't want to," I answered instantly.
Her mouth parted as she lifted her eyes to me. "S-sigurado ka? Paano kung... paano kung magnanakaw pala ako?"
"Then rob me," I challenged. "Maghanda ka lang sa parusa ko." Nakakaloko akong umismid.
Sinamaan niya naman ako ng tingin saka nagpakawala nang malalim na hininga. "Bakit mo ginagawa ito? Sabi mo hindi katawan ko ang kailangan mo, kung gano'n ay bakit mo ako pinipilit magtrabaho rito?"
"Dahil gusto kong makilala ka," direkta kong sagot.
Natigilan naman siya at gulat na napatitig sa akin.
"Your eyes caught me that night. Hindi normal sa akin na magkaroon ng pakialam sa ibang babae kaya ganito na lang din ang pagtataka ko sa sarili ko kung bakit apektado ako sa 'yo," dagdag kong saad.
Sumeryoso naman ang mukha niya. "Sinasabi mo bang na-love-at-first-sight ka sa akin?" She scoffed.
"No," mataman kong sagot. "I am not in love with you," I cleared out. "I am just attracted and confused."
Her brows furrowed. "Confused, saan?" she asked.
"With your emotion," I answered that made her face went unexpressive.
We are looking at each other, but not like earlier. I felt like I am looking at an empty space.
"Your eyes were shouting for help. I am thinking... was that because of your work? Do you want someone to free you from that kind of thing. Are you—"
Natigil ako sa pagsasalita nang tipid siyang tumawa.
"Kaya ba inalukan mo ako na maging sekretarya mo? Dahil akala mo nanghihingi ako ng tulong na makaalis sa trabaho ko?" diretyong tanong niya.
At that moment, I don't know what to answer.
"Mr. Villa Forca, nasa 21st century na tayo. Kung ayaw ko na sa trabaho ko, sana ay matagal na akong umalis doon," pagpupunto niya.
"So you want your work?"
She smirked. "Hindi ko sinabing gusto ko sa trabaho ko, Mr. Villa Forca. Ang punto ko, kung gugustuhin kong umalis ay kaya kong gawin 'yon dahil hindi katulad ng ibang bar, malaya kaming nakakapagdesisyon ng amin."
"Then what are you going to do now?" I asked and glanced at the papers. "Are you going to reject my offer again?"
Marahan siyang umiling na palihim kong ikinatuwa.
"Tulad nang sinabi ko, kailangan ko ng pera kaya ako nandito. Kaya naman tatanggapin ko itong alok mo. Huwag ka lang maninisi sakaling pumalpak ako sa trabaho dahil wala talaga akong karanasan dito," paglilinaw niya.
"Mahaba ang pasensya ko sa mga empleyado ko," ani ko.
Ngumiwi naman siya at tumingin sa pintuan ng opisina ko. "Sa pagkakaalala ko ay sinigawan mo ang babaeng umalis dito kanina."
"She kissed me," I unconsciously defended.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. Tila gusto niyang mangutya pero pinipigilan lang ang sarili.
"Pwede ko bang mahiram ang ballpen mo?" kaswal niyang tanong.
Umayos naman ako ng upo saka kinuha ang isang sign pen sa pen holder ko. "Here," ani ko sabay abot ng kailangan niya.
"So, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang trabaho ko?" wika niya habang tinitingnan ang papeles.
"Yeah," I said simply.
"Sunday naman ang rest day ko," muli niyang imik.
"Yes," I confirmed and tapped my fingers on the table.
"Pwede bang sa makalawa na ako magsimula? May mga bagay lang ako na kailangang ayusin," aniya.
"Okay," I responded.
"Pwede akong magtrabaho sa club after work?" she uttered.
"Yea—What?!"
She smirked. "Umoo ka na."
"Hey! You manipulated me," I insisted.
"Kinakausap kita. Nasaan ang paninipula roon, aber?" Tinaasan niya ako ng kilay, nanghahamon.
"I am going to triple your salary," mariin kong sabi.
She chuckled emptily and signed the papers. Pagkatapos niyon ay ipinatong niya ang kanyang siko sa lamesa at marahan na humalumbaba. Straightly looking at me with her eyes.
"Nag-a-apply ka ba bilang sugar daddy ko, Mr. Villa Forca?" panunuya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/264595202-288-k624136.jpg)
BINABASA MO ANG
Embracing Her Flaws (ONHOLD)
RomansaROMANCE/ GENFIC/ PSYCHOLOGICAL Gavriel Villa Forca enjoys a life of luxury because, in addition to being wealthy, he is also attractive. He seemed to view things-women, or whatever else-as simply flips. One day, he came across go-go dancer Nursima...