Chapter 13

17 1 0
                                    

Chapter 13

Favor

Sabado ng hapon nang mapagdesisyunan kong mag-gala sa tabing dagat. Suot suot ang aking paboritong bestidang kulay dilaw na sundress ay lumabas ako sa aming gate. Wala ni-isang dala sa aking mga kamay, tanging ang sarili ko lang.

Papalubog na ang araw, nagaagaw kahel at dilaw na rin ang malawak na kalangitan. Malamig at masarap na rin sa balat ang dalang lamig ng hangin. Hindi na rin gaano kasakit sa balat ang araw na papalubog na ngayong nagiging kahel na ang kulay.

Nakangiti kong nilakbay ang daan palabas ng kagubatan, hindi naman nag-tagal at narating ko na rin ang daanan. Hindi rin ganoon kalayo ang bahay namin hindi katulad sa ibang bahay na nasa dulo pa ng kagubatang ito at malayo sa mga tao.

Dahil sa trabaho at paga-aral ko‘y napiling manirahan ng mga magulang ko rito, kahit may lupa sila sa dulong iyon. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi nila magawang i-benta iyon sa gayong kailangan naman namin ng pera para sa araw araw, samantalang hindi naman ginagamit ang lupa roon.

Pumunta ako sa daanan ng mga turista, ayaw kong dumaan sa shortcut dahil mas maraming mga chismosa roon at baka gawan pa ako ng kuwento.

“Hi, Miss! Anong pangalan mo—” salubong sa akin ng isang teenager na lalaki, matangkad ngunit mukhang bata sa paningin ko.

“Sorry, I don‘t talk to strangers.” I stopped him from talking by facing him my palm. It may be unappropriately, but I must do it for my own safety.

Nilagpasan ko iyon at dumiretso sa paglalakad. After what happened between and Jerry, hindi ko na basta-bastang magawang mag-tiwala sa ibang tao, lalo na kapag lalaki. Nagkaroon na ako ng trauma kaya‘t kailangan kong ingatan ang sarili ko.

Bumaba ako sa hagdang natatabunan na ng mga buhangin. Mula rito sa puwesto ko‘y tanaw na tanaw ko ang ganda ng araw. Nakakamangha at akit iyon sa paningin, ilang beses ko mang maabutan sa araw-araw... hindi ko magawang mag-sawa dahil inaalis nito pansamantala ang mga iniisip ko sa buhay.

“Beautiful, isn‘t it?” Baritonong boses mula sa gilid ko.

Napalingon kaagad ako roon at bumungad sa akin ang malapad ang ngiting si Primo. He is wearing eyes glasses where the sun reflects on it.

I stretched my lips for a smile. I nodded a few times as a response to it. I can‘t deny how attractive he is even more by just wearing eye glasses! His nose become well-defined and his eyes become a little bit bigger because of the eye glasses he is wearing at the moment.

Mukhang kakagaling niya lang sa trabaho, naka-suot pa rin kasi siya ng isang plain white polo shirt at black slacks. Gulo-gulo rin ang buhok niya habang pinagmamasdan ako.

He smiled back. “It‘s great that I‘m lucky see you again, how have you been?”

“Ayos lang naman. Ikaw? Saan ka nagwo-work?” Tanong ko habang pinasadahan ng tingin ang kabuoan niya.

Tiningnan niya rin ang sarili. “Just a part-time job in my parent‘s Milktea Shop.”

“Ay, talaga? Sipag mo ah!” Natatawa kong sabi at binangga ng bahagya ang braso niyang tawa lang ang isinukli sa akin.

“Minsan lang, kailangan din kasi.” Seryoso ngunit nakangiti niyang sabi sa akin.

Natawang muli ako. “Kailangan saan? Hindi ba‘t mayaman naman kayo?”

“It‘s not for me. Para ‘yon kay Mama at sa mga kapatid ko, they needed it for their school... although, Tito Rodolfo has work, and they have rental houses for tourists, it‘s not yet enough for their everyday expenses.” He said seriously, averting his eyes off me.

Secrets In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon