Chapter 21

28 0 0
                                    

Chapter 21

Drunk

“So, what‘s our plan today?” tanong kaagad sa akin ni Tita Carol pagkatapos naming kumain sa isang  restaurant hindi kalayuan sa branch ng kanilang Milk Tea Shop.

Nilingon ko siya‘t natakpan ang sariling mga mata nang masilawan sa tirik na araw. Alas dose na ng tanghali, nandito kaming dalawa ngayon na nakasilong sa ilalim ng matayog na puno. Pawis na pawis dahil sa init na dala ng araw.

Hindi ko na magawang maging komportable sa suot ko ngayon dahil sa pawis ng katawan ko, lalo na rin at katabi ko pa si Tita Carol na kahit may pawis mabango pa rin ang amoy. Nakakahiya naman kung may maamoy pa siya sa akin.

Bahagya akong lumayo sa kaniya, hindi pinapahalata.

“Do you often manicure your nails?” biglang tanong na naman nito na muntik ko nang ikinalundag.

Itinuon ko lang sa iba ang paningin. “Hindi po, Tita. Bihira lang po kapag may pera,” sagot ko ang mga kamay ay parehong magkahawak na sa likod.

“What a great timing! Come on I‘ll bring you to one of the best manicurists that I know.” She enthusiastically uttered, excitedly pulling her phone out of her pocket to call her driver.

“Mang Bero! Thank God you responded immediately, anyways... can you fetch us here at Shakey‘s? Please make it fast, we‘re in a hurry. I‘m getting sweat here,” she said authoritively.

Pasimple naman akong tinalikuran siya‘t nilingon ang buong paligid bago inamoy ang sarili. Nang magawa ko yon ay halos makahinga ako nang malawag nang wala namang maamoy na kakaiba sa sariling katawan. Even if I did my rituals everyday before going out, I feel like there‘ll be an ordeal that I will unexpectedly faced. Ayaw kong mangyari yon, kaya kahit papaano naman ay pilit kong inaaalala araw-araw ang mga kailangan o importante kong gawin bago pumasok sa school.

I don‘t want to get bullied by my classmates, lalo na ngayong mainit ang tingin nila sa akin dahil kay Carlvie. Iniisip siguro nila na may namamagitan sa aming dalawa kahit wala naman. We‘re just friends for a few weeks, hindi pa namin kayang magsimula agad ng relasyon sa ganoong kabilis na oras.

Kalaunan ay nasa sasakyan na kami patungong manikurista na binabanggit ni Tita Carol kanina. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking building, tatlong palapag iyon. Wala ni-isang katabi na building or mga shop, nagiisa lamang yon doon maliban sa mga halamang nakapaligid sa buong building na nagbibigay ka-preskuhan sa kabuoan.

Tinanguan ako ni Tita Carol nang lingunin ko siya, senyales na pwede na akong bumaba. Lumabas ang driver para pagbuksan ako ng pintuan.

Nginitian ko iyon bago maingat na lumabas. Suot ko pa rin ang P.E Uniform ng aming school kaya hindi rin imposible kung ku-kuwestiyunin ako ng mga tingin ng bawat tao rito.

Kaagad na sinalubong ako ng malamig at preskong hangin pagkalabas pa lamang ng sasakyan, napapikit ako sa sarap niyon sa pakiramdam. Feels like I am home. I wanna live with this feeling forever.

Habang abala ko roon ay napansin kong ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas si Tita Carol sa sasakyan. Isang matamis na ngiti kaagad ang sinalubong niya sa akin bago ako tuluyang niyaya papasok sa loob.

“Magandang hapon po, Madame Carol.” Bati nung guard sa amin.

Tita Carol only nodded at her as a response before we proceed towards a counter. The first floor of the building was silent which is kinda strange for me, beauty or nail salon that I barely visit was kind of loud because of a lot customers inside. However, it not feels peaceful enough, unlike this new salon that I‘ve just encountered.

Secrets In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon