Chapter 33

20 0 0
                                    

Chapter 33

Talk

“Lintik na mga dahon ito,” reklamo ko bago pinagaspas ang hawak na kahoy sa mga sanga at dahong nakaharang sa dadaanan ko.

May iba pa namang daan pauwi sa amin, doon sa main entrance talaga kung tawagin pero mas pinili ko rito para hindi mapansin ni Carlvie na nakaabang diyan sa may labasan. Napansin ko ang sasakyan niyang nakaparada roon kaya mas pinili kong pahirapan ang sarili ko, hindi lang makuha ang atensyon niya.

Nakagat ko ang sariling labi nang nangati ang binti ko dahil sa mga dahon na naroon.

“Bwisit, bakit ba kasi kailangan niya pang pumunta rito? Para saan pa?” pagkausap ko sa sarili ko.

Ngayon ko lang muli siyang nakita matapos ang tatlong araw na lumipas, mas naging cold siya kaysa noong pagbalik niya.

Saktong paglabas ko sa kakahuyan ay ang pag-parada ng isang itim na SUV sa harapan ko, halos isiksik ko ang sarili ko sa malaking puno na naroon para lang maitago ang sarili kay Lola Marina inaaalalayan ni Ate Wella sa pagpasok sa sasakyan. Lahat ng mata ay nasa kanya.

Napukaw lang ang atensyon ko nang may lumabas sa kanilang gate. It was him. Carlvie. Wearing an all black suit, partnered with his shades that perfectly fits to his attire. Dire-diretso ang sakay niya sa loob ng sasakyan, tila hindi ako napansin.

Hanggang sa pag-alis ng sasakyan ay nakasunod ang mga mata ko. Ang iilang halaman sa bahay ni Lola Marina ay nawalan ng buhay, nalanta ang ibang bulaklak na naroon pati na rin ang kulay ng bahay nito ay nawalan na rin ng sigla.

Saang sulok man ako tumingin, tila puno ng lungkot ang mga yon.

“Anong nangyari? Ba‘t sila nagmamadali?” tanong ng babaeng dumaan sa harap ko.

Sinulyapan ko siya‘t nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Hindi ko pa ulit nakakausap si Lola Marina simula noong unang beses na pasok ko sa bahay niya. Halos taon na rin ang nakalipas, hindi pa ako nakakahingi ng tawad. Sa pagbalik na lang siguro nila.

Nakaraan na ang isang linggo pero wala pa ring tao sa bahay nila bukod sa tagapangalaga nito na si Mang Felipe na napagtatanungan ko tuwing umaga bago ako pumasok sa school. Lagi ko siyang naaabutan sa labas ng gate, nagwawalis ng mga tuyong dahon, kaya naman kapag may libreng oras ay nakikipag-kwentuhan muna ako sa kanya.

“Hindi pa po nabalik si Lola Marina?” tanong ko isang araw pa nang maparaan ako roon bago pumasok.

Umiling ang matanda sa akin nang mag-angat ito ng tingin.

“Hindi pa, hija. Baka sa isang araw pa ang balik noon. Ano bang sadya mo sa kanya? Para kung sakaling tumawag man e masabi ko sa kanya ang pasya mo.”

Napatuwid ako sa pagkakatayo at bahagyang napangiti.

“Talaga po?” nasisiyahang tugon ko.

Natatawa itong tumango. “Oo naman, sabihin mo lang sa akin nang masabi ko agad sa kanya.”

Matapos kong sabihin sa kanya ang pasya ko’y dumiretso na agad ako sa school. Muntik pa akong ma-late dahil sa aliw ko sa kwentuhan namin.

Nang mag-break time ay sabay-sabay kaming pumunta sa canteen para bumili ng pag-kain.

“Balita ko may laro raw sila Sir mamaya?” panimula ni Oceana bago sumimsim sa chocolate drink na binili niya.

“Ay talaga? Ba‘t ‘di ko alam ‘yan?” takang tanong ni Rain sa tabi ko.

“Kanina ko lang din nalaman, ano nood ba tayo?” pabalik-balik ang tingin ni Oceana sa aming dalawa.

Nagkibit balikat ako. “Ewan ko, kayo ba? Baka abutin tayo ng gabi diyan?”

Secrets In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon