Chapter 24

32 0 0
                                    

Chapter 24

Witness

Napatayo ako pagkatapos mabasa ang bagong mensahe sa akin ni Aling Mina. Dahil doon ay bahagyang nabuhay ang diwa ko‘t tila naganahan ako. Nag-angat ako ng tingin kila Jano na kunot-noo akong pinagmamasdan habang si Oceana naman ay nagulat sa biglang pagtayo ko at naudlot ang pag-subo niya sana ng pasta.

I smiled apologetically. “Sorry,” nag-peace sign pa ako sa kanya bago lingunin si Tita Reinaly na naka-krus na ang mga brasong nakatingin din sa akin.

Matunog akong napalunok.

“Uh... Tita, kailangan ko na po palang umalis. May kailangan na po pala kaming pagusapan ni Aling Mina tungkol kila Nanay, baka sakaling maganda na po ang ibabalita niya sa akin.”

She nodded abruptly. Tumayo na rin sa harap ko.

“You should be going, your parents are more important than this event, hija.” She said sincerely.

Tipid akong ngumiti. “Salamat po ulit.”

Ilang sandali pa siyang nanatili roon bago lumapit sa iilan pa nilang kamag-anak. Ako naman ay tulirong hindi na maintindihan kung anong sasakyan pauwi. Hinarap ko sila Jano ngunit bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na silang dalawa.

“Ihahatid na kita,” suhestyon ni Jano.

Dali-dali na akong pumayag. His offer is the only way I can go home immediately without paying for the fees especially when I didn‘t brought money with me earlier.

Lumabas kami ng garahe matapos magpaalam sa ilang pinsan ni Rain. Pekeng ngiti lang ang sinusukli ko sa kanila. Kahit alam kong umaakto lang sila na masaya habang kasama kami kanina, hindi ko pa rin magawang ilabas ang pekeng pagkatao ko. I just stayed in a corner, silently watching them laughting together earlier. Wala akong ibang magawa kundi ang manahimik nalang.

Isang lingon ang iginawad ko sa garahe nila Rain bago tuluyang pumasok sa loob ng tricycle ni Jano. He already hopped over it, hinihintay lang ako makasakay bago kami umarangkada na.

The Tricycle roared into life, I held on the Tricycle‘s railing tight as it leaped. Naka-focus ang mata ko sa aking telepono habang iniisip kung ano nga bang nangyayari na kila Nanay. Sana lang talaga ay maayos na ang kalagayan nila, ayaw ko nang umabot pa ito sa malalang sitwasyon na hindi namin kakayanin pare-pareho.

Pagkatapos magmaniobra ni Jano ay tuluyan na kaming tumulak paalis sa lugar na iyon. Naiwan si Oceana mag-isa roon, panigurado namang aasikasuhin at hindi iyon pababayaan ni Rain mag-isa.

Malakas na hangin ang sumasalubong sa amin habang kami‘y nasa daan, sa tuwing may makakasalubong na kaibigan si Jano ay binubusinahan niya iyon bilang pagbati. Nagugulat nalang ako kapag nabibigla sa mga aksyon niya.

Kalaunan ay nakarating na rin kami sa Matabungkay, sa entrance papunta ng bahay namin. Bumaba kaagad ako pagkatigil pa lang ng sinasakyan.

Hinarap ko na siya. Saglit kaming nagpaalaman bago tuluyan ng umalis. He said he‘ll go back at Rain‘s residence so that Oceana could have someone to be with her even if they‘re still not okay at the moment. I hope time will come that everything‘s gonna be alright.

I entered our house when I attained to our home. Naabutan kong abala si Aling Mina sa panonood nf telebisyon namin, tumatawa pa siya habang kumakain.

I gritted my teeth and forced myself to calm down before I went to her. Her eyes flew through me for a second. Umayos siya ng upo at pinatay na ang telebisyon, ako naman ay umupo sa tabing gilid niya at tinuon ang buong atensyon sa kung ano mang sasabihin niya sa akin.

Secrets In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon