Chapter 39

22 0 0
                                    

Chapter 39

Graduation

"Keep these vitamins chilled in the Fridge," Primo handed me the paper bag full of vitamins inside.

I looked up to him, meaningfully. He bought me pills for abortion and I won't keep those vitamins anyway. Bahagya akong lumayo sa kanya't pumasok sa loob ng aming gate.

"Ipapalaglag ko ang bata, Primo. Hindi ko na kailangan niyang mga vitamins." Agap ko.

He stilled for a second, his shoulders fell when he realized what I meant. I'll do this no matter what. Magsasalita na sana siya nang mapansin kong lumipat ang paningin niya sa likuran ko. Nangunot ang noo ko bago tignan kung anong tinitignan niya sa likod ko.

Pigil ko ang pag-hinga nang malingunan kung sino ang naroon. Nanlalaki ang mga mata ni Aling Mina sa aming dalawa. Laglag din ang panga niya dahilan para kumabog ang puso ko sa kaba.

Nagkatinginan kami ni Primo. "We should talk inside." His suggestion na agad naman naming ginawa.

Pumasok kami sa loob ng bahay ni Aling Mina. Normal na uli ang expression ng mukha niya ngayon, kaso nga lang ay masyado siyang tahimik at ramdam ko ang panglalamig sa bawat kilos o tingin niya sa amin.

I know, what I did was wrong, mahirap nang maibalik sa dati ang lahat. Pwera na lang kung ipapalaglag ko talaga ang baby na ito bago pa man lumaki sa tiyan ko. Graduation na namin sa Friday, kaya ngayong martes pa lang ay kailangan nang mawala ng nasa loob ko.

"B-Buntis ka, Bella? Tama ba ang pagkakaintindi ko?" Grandma Mina stuttered as she asked that to me.

Bumaba ang tingin ko sa mga daliring pinagkakaabalahan, natigil lang nang hawakan nito ang kamay ko't iniangat ang mukha ko para maharap siya.

"Kaya ba nahimatay ka noong isang araw?" tanong pa niya.

I couldn't speak but nodded. Mariin niyang naipikit ang mga mata kasabay ng pag-tulo ng luha ko. This is frustrating me. My chest feels so heavy that I doesn't help for me to breathe properly.

Tahimik akong umiyak.

Wala na siyang sinabi pang kung ano matapos malaman ang lahat. She stayed silent beside me, until she stood up and went inside the kitchen.

Primo looked down on me as he shifted his weight on front.

"When are you going to tell Tita Floressa about all this?" tanong niya, tila nangangapa.

Mas lalo akong napayuko sa sariling mga palad. Hindi na alam ang gagawin. Pati ako, hindi ko na rin maintindihan kung ano ba dapat ang unahin. Kakamamatay pa lang ng tatay ko, ganito na agad ang bubungad kay Nanay. Paniguradong mas dadagdag pa ako sa paghihirap niya kung malalaman niya ito.

Mas lalo akong hindi nakasagot sa tanong na iyon ni Primo nang lumabas na si Aling Mina galing sa kusina. May dala siyang isang pitcher at babasagin na baso sa kanyang mga kamay, namumula rin ang mata niya na halatang galing sa pag-iyak.

Tumabi siya ng upo sa akin at nilapag ang dala sa lamesang kaharap namin. Primo voluntarily poured a water on my glass and handed me it. Sa sobrang panglalambot ng katawan ko'y pati pag-kuha ng tubig, hindi ko na magawa.

Saglit ko iyong tinitigan bago tanggapin at uminom.

"Ilang araw na iyan?" biglang tanong ni Aling Mina nang maibaba ko na ang baso sa lamesa.

Nilingon ko siya. "Ayon sa doktor, Magi-isang buwan na po akong buntis."

"Ano?!" gulat na gulat nitong sambit. "Sino ang ama?"

Secrets In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon