Chapter 1

52 2 1
                                    

Chapter 1

Cielonia

Tumayo ako para punasan ang pawis ng anak. He was smiling sweetly at me as I wiped his bullets of sweat away. Kakatapos ko pa lang siyang pagalitan, pero parang baliwala lang 'yon sa kanya. Talagang may pinagmanahan.

"Carlvin... makinig ka kay Mama okay? Huwag mo ng uulitin 'yon. Masyado mo akong pinagaalalang bata ka." Pangaral ko na naman sa kanya.

Namungay ang mga mata niyang nakatitig sa mukha ko. Slowly, his hand lifted up to caress my cheek. Napangiti ako.

"Sorry, Mama." Nabubulol niyang sabi.

"Tatawagin mo si Lola o ako kapag gusto mo ng pagkain, okay? Huwag ka na ulit aakyat sa upuan para lang mabuksan ang cabinet. Delikado 'yon, anak, lalo na kapag walang nakaalalay sayo." Patuloy kong pinupunasan ang likod niya na.

He instantly nodded. "Otey po, Mama. Sorry po." Bulol niya muling sabi.

Sa ganoong itsura niya palang, nawawala na kaagad ang galit ko. Hindi ko nga alam kung galit nga ba talaga iyong naramdaman ko kanina, o puno lang ng pagaalala.

Carlvin's stubborn just like his father. Minsan lang kung sundin ang mga pangaral ko. But, despite that, isa rin siyang maaalalahanin at malambing na bata.

I still remember when he's still a baby. Lagi niyang hahawakan ang isang daliri ko para lang mapanatili ako sa tabi niya, o hindi naman ay kung umiiyak ako sa tabi niya ng wala sa sarili.

He became my piece through the years. Nakakalimutan ko ang sakit at pait ng nakaraan sa tuwing kasama ang anak ko. Without him, i'll never feel this happy and peaceful everytime.

"Sa susunod na linggo, mamamasyal tayo sa kung saang lugar mo gusto, basta huwag kang masyadong pasaway kay Lola habang wala ako, ah?" Nakangiti kong sabi.

Sunod sunod siyang tumango. Ako naman ay binuhat siya para madala na pabalik ulit sa kusina. I know he's hungry kaya niya nagawang tumungtong sa upuan kanina at umakyat sa lababo, sa itaas niyon ay iilang cabinet namin na may lamang puro pagkain niyang hindi nalalagay sa ref.

"Anong gusto mong kainin, 'nak?" Marahan kong sabi pagkatapos buksan ang dalawang pinto ng kabinet roon. Sinilip ko ang mukha niya.

Bahagyang nakaawang ang kanyang mapupulang labi habang namimili sa gusto niyang kainin.

Carlvin's already 4 years old. Sa bawat taong dumaraan ay unti unti kong nagagawang kalimutan ang nakaraan, at maging masaya basta kasama lang siya. Carlvin is already enough reason for me to continue living my life. Sapat na siyang alaala sa pagmamahal ko sa ama niya.

It was hard from the start, but, it will be definetly easy through the process.

"'Yong marie po," turo niya sa isang kulay pulang biscuit na naroon.

Tumango ako't inabot 'yon gamit ang isang kamay. Ibinaba ko siya sa may lababo. Binuksan ko ang paketeng iyon bago siya bigyan ng isang piraso.

Masaya kaming kumakaing dalawa na siyang inabutan ni Aling Mina sa kusina. Paniguradong kakagaling niya lang sa pamamalengke, dahil nasa leeg niya pa ang sarong at bitbit pa rin ang basket.

"Magandang hapon, apo." Masiglang bati niya kay Carlvin na agad namang nagpababa sa akin para salubungin ng yakap ang lola niya.

Naiiiling akong nangingiti na kinuha sa kamay ni Aling Mina ang mga basket at ako na ang naglagay niyon sa lababo, tapos ipinatas ang mga gulay sa ref at mga karne.

Secrets In The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon