Kabanata 1: Pagdapo ng Anghel

120 2 0
                                    

Dumating ba sa inyong isipan ang mga katanungan gaya nang, Totoo bang may langit? Saan nanggaling ang diyos? Anong kaya ang mangyayare sa isang tao kung mamamatay na ito? Nabuhay naba ako noon? May ibang mundo pabang may tao ring nabubuhay? Saan galling ang mga panaginip? Ano ang dahilan ng lahat ng ito? Sino ba talaga ako? Ako ba talaga ito?


Ako si Dahlia Fuente. Hindi lang minsan kundi lagi akong napapaisip sa mga katanungang iyon sa aking buhay. Bakit kaya? Ano kaya? Paano kung?


Paano kung maybuhay akong naiwan sa nakaraan?...


* There so many lives

Struggling to find

Just a little bit more

Trying to provide

Barely getting by

Could be right next door

No one should be left alone in the dark

With love, fill a broken heart

I know we can make the

world better

If we come together

You gotta believe that... (By: Tori Kelly) *


"Dear Diary,


Andito kami ngayon sa Midolton subdivision, Pasig City nina mommy at Lalyn. Kakamatay lang kase ni daddy kaya kailangan na naming lumipat ng mas murang bahay since kailangan naming magtipid. Kakatapos lang naming magbuhat at magayos ng nililipatan namin nakakapagod din pala. Sana makapagsimula na kami dito ng bagong buhay ngayong wala na si daddy. Nakakamiss din pero kailangang mag move on para sa kabutihan ng lahat at alam naman naming babantayan nya kami lagi. Hay sana maging ok na ang lahat. Love you Dad. J


-Dahlia


Si Lalyn ang nakababata kong kapatid 19 years old sya at 21 naman ako.

Di masyado malaki ang bahay pero sakto sya para sa aming tatlo kase di rin magtatagal ay kami nalang dalawa ng kapatid ko ang maiiwan dahil kailangan ni Mommy na pumunta sa New York para magtrabaho.


Kinabukasan pumunta ako sa UA & P, ang Unibersidad na kasalukuyang pinapasukan ko. 5th year college na ako ngayon sa kursong BS Accountancy.


Habang nakikinig ako ng music sabay study, may narinig akong pamilyar na boses mula sa labasa ng library.


"Dahlia! may importante akong sasabihin sayo!" sigaw ni yanni mula sa pinto ng library.


"Miss Yanni Lopez! Nakalimutan mo na bang library to?" sita ni Miss Palde ang librarian ng school na gumewang pa ang salaaming suot nito sa inis.


Dahlia: The Vanished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon