Kabanata 7: Sayaw ng Pagibig

23 0 0
                                    

“Seth gising na!”sigaw ni Nanay.

“opo nay!” Bumangon ako at tinulungan sina nanay at tatay sa pagbukas ng Karinderya.

 Habang nagbubukas ako ng karinderya maynakita akong matanda na nadapa kaya lumapit ako at tinulongan. Bumalik ako agad sa loob at nagsimulang magluto doon sa kusina.

 Sa kalagitnaan ng aking paluluto, may kawal mula sa kaharian ang dumating kaya nilapitan ko. “Imbitasyon, mula sa palasyo.”sabi nung kawal, at kinuha nag imbitasyon. Isang imbitasyon para sa taonang sayawan.

“Nay! Tay!” tinawag ko sila para ipaalam sa kanya ang tungkol doon. “Nay,Tay may imbitasyon po kayo galling Palasyo, para daw sa taonang sayawan bukas.” Sabi ko

“Asan?Patingin nga?”sagot ni Nanay.

Unang beses nina Nanay at tatay na maimbita sa magarbong celebrasyon na iyang dahil tanging mayayaman at maykaya lamang nabibigyan ng oportunidad na makadalo sa pagtitipon.

 “Naku! dapat tayong maghanda anak, teka lang dito ka muna at bibili lang ako ng maisusuot natin bukas.” Sabi ni Nanay,

“pe…” may sasabihin pa sana ako pero tumakbo na ito palabas. Gusto ko sana syang pigilang umalis at sabihing di ako sasama. Ni wala nga akong mukhang maihaharap dun. Pero sa huli nakumbinsi rin ako ni tatay na sumama

Nagpatuloy nalang ako sa pagluluto bago pa dumami ang mga kumakain.

Bago maghapon nakarating na si Nanay dala-dala ang mga kasuotan. “Mahal! Seth! Andito na ako, isukat nyo na ito,” masiglang sabi ni nanay.

 Isinukat naming pareho ni tatay ang damit. “ayan bagay na bagay sa inyo,” sabi ni nanay. Ang suot ko ay isang puting longsleeves na may tapos may lether vest na kulay blue at ribbon tigh at tsaka kapa, meron ding pantalon na kulay itim na may sinturon at itim na sapatos.

“ano mahal para naba akong si Haring Kurk?” biro ni tatay.

“Mas pogi kapa dun mahal!”

 “nako anak para ka talagang totoong prinsipe nyan, ang pogi ng anak ko!” dagdag ni nanay sabay kirot sa pisngi ko.

“Syempre!”

            Lumipas ang sumunod na araw at  nag takip hapon na.

“o handa na ba kayo?” tanong ni tatay

“oo, palabas na kami” sagot ni nanay. Pagkatapos naming maghanda ay sumakay na kami sa karwahe papuntang palasyo.

Pagpasok palang naming ng gate ng palasyo sobrang ganda na ano pa kaya ang loob. Sobrang laki ng  gate tapos may mga lampara pa na nakasabit sa ang mga puno tapos ang ganda ganda pa ng  pagkakadesenyo ng mga halaman sa gilid ng daan, palasyong palasyo talaga sa sobrang ganda at ang lamig ng simoy ng hangin.

Sa harap ng pintuan ng palasyo ay isang napakalaking fountain na may mga ilaw na sumasayaw.

Dahlia: The Vanished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon