Kabanata 8: Ang Tagapagmana ng Trono

39 0 0
                                    

Kinabukasan habang nagaayos ako ng buhok nang biglang dumating si judy ang aking pinakamalapit na nana. "ang ganda mo ngayon prinsesa ah"

"bakit, pangit ba ako noon?" pabirong tanong ko.

"ibig kong sabihin MAS gumanda ka ngayon, anong dahilan?"  kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyare kahapon at ang ikinababahala lang naming ay kung ano ang magiging reaksyon ni ama sapagkat hindi niya pa alam ang tungkol sa amin ni Seth.   

Nang pumunta ako ng hardin nakita ko si ama na natakatalikod at may kausap na lalaki, lumapit ako sa kanila. "oh, andito kana pala, naalala mo ba si Zac ng Yater? " sabi ni ama.

" Zac, ikaw naba yan?! ang tangkad mo na ah, antagal din natingn hindi nagkita"

"hahaha, walang iba prinsesa" sabi ni Zac.

Si Zac ay ang kababata ko na mula sa kaharian ng Yater. Sya ang nagiisang tagapagmana ng kanilang kaharian dahil isang taon palang sya nang  namatay na ang kanyang nakatatandang sa isang aksidente.

Mahigit 10 taon narin kaming hindi nagkikita kaya marami na talaga ang nagbago sa amin. Nagkwentuhan kami ni Zac.

            Biglang napasok sa aming usapan ang buhay pagibig. Tumayo ito at lumuhod sa aking harapan. “Mahal na prinsesa bata palang tayo magkakakilala na tayo, alam ko lahat ng mga gusto at ayaw mo ganyun din ikaw sa akin. Mahal na prinsesa gusto ko sanang ipagtapat iyong nararamdaman ng aking puso. Mahal na prinsesa Dahlia ika'y sinisinta ko mula pa noong araw na nagtagpo an gating mga landas, maari ka bang maging akin?" sabi ni Prinsipe Zac

              Wala akong salitang mailabas sa bibig ko dahil hindi pa nila alam na may kasintahan na ako.  Pinilit kong magsalita at mahinahong magpaliwanag kay Prinsipe Zac.

              "Prinsipe Zac, Oo mahal kita pero bilang kaibigan lang. Mahalaga ka sa akin kaya ayaw kitang saktan, sana maintindihan mo ang ibig kong iparating."

             

" bakit? may mahal kabang iba?!" medyo galit na tanong ni Zac.

 "hindi pa ako handa para dyan" diretso kong sagot sa kanya.

             Ayokong sabihan sa kanya ang tungkol sa amin ni seth baka magalit ito at ano pa ang gawin ni Zac. Mabait si Zac pero iba din kase siya magalit gusto kase niyang makuha lahat ng gusto niya.

          Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis  ako at pumunta sa kwarto.

Nang nagsimula dumilim ang kalangitan bumalik na ako sa aking silid.

Habang ako ay nakahiga sa kama at nagiisip may biglang kumatok sa aking bintana. Pagbukas ko hindi ko inaasahang makikita ko ang aking prinsipe. Inakyat niya ang lahat ng pader ng palasyo at nilusutan ang lahat ng mga kawal na nakabantay sa palibot na hindi nahahalata. May dala dala siyang 4 bulaklak ng dahlia.

“Ang 4 Bulaklak ng Dahlia na ito ay nagsisimbolo sayo at sa pagibig ko sayo. Ang apat na bulaklak ay nagsasabing MAHAL KITA WALANG HANGGAN at ang bulaklak na dahlia ay para sa napakagandang prinsesa na iniibig ko gaya ng bulaklak na ito.” Sabi ni Seth

Dahlia: The Vanished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon