Wakas

38 1 0
                                    

"Sa isang kaharian sa malayong lugar nakatira ang isang Hari, Reyna at ang kanilang dalawang prinsesa. Nagkaroon ng isang pagtitipon sa palasyo at nakilala ng prinsesa ang isang mayamang negosyante sa kanilang kaharian. Nahumaling ang negosyante sa prinsesa at gayun din ang prinsesa sa kanya. Nagibigan ang dalawa ngunit hindi maaring magpakasal ang prinsesa sa hindi prinsipe. Ipinaglaban ng lalaki ang pagmamahal prinsesa at doon nila natuklasan na ang lalaking iyon pala ang nawawalang anak ng Hari't Reyna ng ibang kaharian. Dahil naging ganap na prinsipe na ang lalaki natuloy ang kanilang kasal ng Prinsesa. Ngunit sa kasamaang palad mayroong isang Evil Prinsipe na sobrang nahumaling sa ganda at ugali ng prinsesa at nung nalaman siyang ikakasal na ang prinsesa nagalit ito. Isinumpa niya ang prinsesa, dinala niya ito sa kakambal ng mundo at doon nagdusa ang prinsesa. Hindi na nakabalik ng palasyo ang prinsesa at hindi sila nagkaroon ng happy ending ng kanyang Prinsipe. Eto ang kwento ni Dahlia ang nawawalang prinsesa ng Zanion.The End. So anak, nagustuhan mo ba ang sinulat kong kwento?" tanong ko.

"I like it mommy" sagot ni Kyla.

"Are you the princess mommy?"

"No anak I'm not the princess, I just chose my name to be the name of the princess."

"so where's the princess now?"

"The Princess is nowhere to find baby because she's lost"

"The Evil Prince is so bad, I hate him." Sabi ni Marie.

Habang kami ay nag kwekwentuhan ng aking pinsan biglang dumating ang asawa ko. "Oh, andito kana pala"

"kamusta na ang little princess ko?" sabi ni Kyle habang niyayakap si Kyla

"at kamusta naman ang Lovely Queen ko?" sabay halik sa noo ko.

"Hey dad you know mom is telling me a love story about a prince and princess but the evil prince is so bad he made the princess disappear that's why their was no happy ending happened with the prince and the princess"

"Oh, It's really a sad story but I have something for you" at may binigay siyang laruan kay kyla. Masayang naglaro ang aking mag-ama sa living room.

~~~

Ang ating buhay ay puno ng kababalaghan at mga katanungan. Hindi natin alam ang nakaraan o ano ang mga nangyare bago tayo dumating sa puntong ito ng ating buhay o kaya ang mangyayare sa hinaharap. Ngunit isa lang ang masasabi ko, Pagibig ang nagpapaikot sa mundong ibabaw. Masasabi kong hindi lahat ng mga tao ay maswerte gaya ng ibang tao na kahit sang lupalop man sila mag punta pinagtatagpo parin talaga ito ng tadhana. Dahil may mga taong akala moy siya na ngunit hindi pa pala o inagawan ka.

Ako si Dahlia at ito ang aking kwento.

Dahlia: The Vanished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon