Kabanata 6: Unang Tagpo

31 1 0
                                    

Doon sa lupain ng Azkhaban nakatayo ang kaharian ng Zanion na pinamumunuan ng kanilang magititng na hari na si Haring Kurk at Reyna Eliz kasama ang kanilang 2 magagandang supling, sina Prinsesa Dahlia at Prinsesa Marie.

~~~

           

            “Magandang umaga Prinsesa Dahlia, handa na po ang  agahan.” Sabi sa akin ni Judy, isa sa aking mga nana. Ang nana sa Azkhaban ay katulong.

             “Magandang umaga din, cge susunod na ako.”

Andito ako ngayon sa hardin ng aming kaharian at namimitas ng mga bulaklak upang ilagay sa aking silid. Ang hardin ang pinaka paborito kong lugar dito sa palasyo kaya pagkagising ko sa umaga dito ako agad unang pumupunta. Gusto ko kase ang preskong hangin at ang mga magaganda at babangong bulaklak na masisilayan mo sa pagsimula ng iyong araw. Ang harding ay napapaligiran ng ibat-ibang klase ng mga halaman at bulaklak, sa bandang kanan ay may maliit na bahay sa taas ng puno at sa gilid ng puno nito ay isang fishpond ng mga isdang coy. Nakakaalit tignan ng mga isda dahil ang tataba nila. Sa bandang kaliwa naman nakalagay ang tanim kong grapes, malapit nang mahinog ang mga bunga nito kaya din a ako makahintay na matikman ito. Sa gitna naman ng garden ay isang fountain na may water lilies sa gilid. Nakakarelex tignan ang mga halaman at kahoy kaya dito ako mahilig maglagi.

Naalala kong pinapatawag na pala ako sa loob upang kumain kaya pumunta na ako sa loob ng palasyo upang magagahan.

“Magandang umaga aking mga pinsesa,” bati sa amin ng aming ama.

“Magandang umaga din ama,” sabay halik sa pisngi “at magandang umaga din ina” dagdag ko sabay halik sa pisngi. Saka kami umupo at nagsimulang kumain.

“Kamusta ang gising ng aking mga prinsesa?” tanong ng aking ama.

 “magandang maganda ho ama singganda ng mga bulaklak na akin napitas mula sa hardin.”

“natutuwa ako’t ika’y maligalig aking prinsesa.” Pagkatapos naming kumain ay dinala ko ang mga bulaklak na aking napitas mula sa hardin doon sa kwarto at nagbihis. Pagpasok ko ng silid nakita ko ang hindi ko pa natatapos na imaheng pinipinta ko, kaya sinimulan ko na itong tapusin ito.

Ang pinipinta ko ay isang imahe ng aming pamilya na nasa hardin ng palasyo at nagkakasiyahan. Ang aking ama at ina ay nakatayo sa ilalim ng maliit na bahay sa ilalim ng puno habang nakangiting pinagmamasdan kaming magkakapatid na namimitas at nagdidilig ng mga halaman. At ang mga nana sa gilig ay masayang umaalalay sa amin.

Bata palang ako kinahiligan ko na talaga ang pagpipinta hanggang sa paglaki ko.

Ilang oras din ang nakaraan at natapos ko na ang aking obra kaya ipinakita ko ito sa aking ina at ama. Sobrang galak ko nang magustuhan nila ang aking ginawa at pinalagay nila ito sa kanilang kwarto upang lagi nila itong makikita bago matulog.

Habang ako ay namimitas ng mga bulaklak naisipan kong umakyat sa itaas ng maliit na bahay sa itaas ng puno. Matagal-tagal narin akong hindi nakakaakyat doon. At dahil hindi kami pwedeng lumabas sa mga pader ng palasyo doon nalang ako nakikisilip sa mga nangyayare sa labas.

Nang sumisilip may nakita akong matandang pabrero na nadapa, gusto ko sanang tulungan ngunit hindi ako makalabas buti nalang at may mabuting ginoo na tumulong ditto.

May mga nagtitinda ng pagkain, damit at iba pa., may nagtatanghal din pero di ko masyado nakikita kase medyo malayo sya sa kaharian.

            Sa kalagitnaan ng akin panonood sa labasan narinig ko ang boses ng isang nana mula sa ibaba.

“Prinsesa Dahlia pinapatawag pala kayong dalawa ni Haring Kurk, may mahalaga daw siyang sasabihin sa inyong dalawa.”

“ah cge, salamat.” Pumunta na ako sa loob ng palasyo.

Pagdating ko doon andun na din si Marie at nakakunot pa ang mga noo nito. “ano po yun ama?” tanong ko.

“ipintawag ko kayong dalawa dahil gusto ko kayong maghanda para sa taunang sayawan bukas at gusto kong kayo ang magiging pinakamaganda sa lahat”

“Opo ama”

Dahlia: The Vanished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon