SHAUN's
Kasalukuyan kong binabasa ang laman ng folder na ibinigay sakin ng ni Master Ralph. Halos mahigit limang beses ko na ito binabasa pero hindi parin mag sink in sa utak ko ang laman nito. Are they fucking insane?
Kung sa tingin nila simple lang ang trabaho na ito, hindi. Gusto nilang ipapatay sakin ang Big Boss ng isang Mafia from Russia which is Morieris. I already searched about their Mafia Clan, and they're struggling in different crisis as of now. Base sa information na hawak ko malaking ang pera ang nawala sa kanila noong nakipag deal sila sa Okigami Clan, which is I'm part of. Ang pinagtataka ko lang bakit nila ito gusto ipapatay sakin? It's like hell, me against the whole organization of this asshole. Muli kong iniscan ang laman nang folder hanggang sa dulo.
"Now I know, no doubt they want me to assassinate this son of a bitch." tumayo na lang ako at nagkasa ng baril. Ninakaw nila ang listahan ng magiging transaction ng Clan namin, mga pakialamero.Though we're not fond of using guns, at this moment I have to. Ang grupo nila ay kasali sa transaction ng iba't-ibang illegal bombs and guns. Hindi mapapansin ang blades ko ngayon. Tss.
Magiging back-up ko sana for computer control si Lance kaso injured daw ang gago. Di pa natuluyan. Tss. Mas gugustuhin kong lumakad ng mag isa dahil baka mamatay pa ako kapag siya ang naging guide ko.
Kasalukuyan nasa bansa ang Big Boss na ito kasama ang mga minions niya. Medyo nahirapan din akong i-hack ang system nila. Kakailanganin ko ito upang malaman ang gagawin nilang hakbang sa mga susunod na oras. Buti na lang at may picture out sila ng magiging hide out nila dito sa bansa sa kasalukuyan. Ilang araw din akong puyat dahil sa pagha-hack ng system nila. I am a savior and a computer virus at the same time.
Sinaulo ko na mabuti ang floor plan para alam ko na ang papasukan ko pag nang ambush ako sa kanila mamaya. Hindi ako mahilig mag plano, hindi din naman kadalasan nasusunod kaya gumagawa na lang ako ng paraan ayon sa eksena.
Ikinasa ko na ang baril at agad ko itong pinutok sa may bintana na siyang ikinabasag naman nito. Inilagay ko ito sa may bandang beywang ko at sinimulan na ang pagpunas ng mga blades ko. Hindi ko makakalimutan ang katana ko syempre. It is a black blade, an original one. Ginagamit ko ito kung hindi ko talaga intensyon patayin ang target dahil hindi naman ganun nakakamatay ang black blade unlike nung ordinaryong blades lang. Yun nga lang mailap makahanap ng ganito. Saka, may extra naman ako kapag kinakati talaga akong pumatay.
Habang nililinis ko ang mga gamit na papatay mamaya sa Big Boss na yun, bigla na lang nag pop sa utak ko si Hirai. Naawa tuloy ako sa babaeng yun, baka puntiryahin siya ng mga kalaban namin.
Nag countdown ako hanggang 7:33pm at umalis na sa tinutuluyan kong silid sa quarters ng clan namin. I prefer walking and running whenever I have a target, iwas ibedensya rin kapag nagkataon. Sa mundong ginagalawan namin, death or death lang ang pagpipilian mo.
Medyo may pagkagubat din ang kinatatayuan ng quarters nila at mabuti na rin yon, walang makakarinig ng kagimbal gimbal na ambush ko sa kanila mamaya. Agad kong tinahak ang masukal na lugar at wala pang 30minuto narating ko na.
Umakyat muna ako sa isang mahogany tree, mataas kasi ang puno at halos tanaw ko ang lugar. Nakapalibot ang mga armadong lalaki sa buong lugar. Anim sa gate, apat sa main door tapos may nakapalibot bawat sulok. Natawa na lang ako, masyadong bine-baby sit ang Big Boss nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/5573728-288-k919947.jpg)
BINABASA MO ANG
Stop! My Nose Are Bleedings
Teen FictionDon't cry laugh until you can. Ako si Hirai, babaeng ubod ng kaekekan sa buhay. Mapapasabi ka ng Stop! My Nose Are Bleedings, dahil sa kabaliwan ko. Okay na ang lahat, pero di ko akalain papasok ako sa mundong hindi ko dapat nararanasan. (c) 2014