Omyghod! Si Shaun "You!"
"Pinaiyak ka ni Lance? Lalo kang pumangit. Bitaw na sa yakap. 1000 per seconds" napabitaw ako sa mukhang pera na to.
"Kidnapin mo ako, Shaun" geniuses ka talaga Hirai!
"Anong ginawa sayo ni Lance? Ni rape ka ba? Asan utak mo nasa ilong na ba?" dami niyang tanong binatukan ko nga.
"You have so many question. Kidnap myself, please?" nag english na ako so at ibig sabihin seryoso ako! Kung magpapakidnap ako syempre sa gwapo, dahil sa hug niya nawala ang inis ko kay Lance Montereal sa NGAYON!
"May mapapala ba ako?" tanong niya. Bobo talaga niya pureber!
"Bobo ,malamang oo!" binigay ko sa kanya ang cellphone ko at tiningnan niya ako na 'anong gagawin ko dyan, aber?'
Bintukan ko ulit "Mamaya susuntukin na kita. Ano ba kasing gagawin ko dyan may part time job pa ako"
"Malamang tatawagan ang parents ko na sabihin mo kinidnap mo ako" ngumiti siya at tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan as in lahat! Sa imagination ko nalaglag yung mga ngipin ko kasi ang gwapo niya ngumiti.
"Ulol naman Hirai! Laway mo natulo, nakikinig ka ba? Sabi ko sumama ka na lang sa part time job ko" napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Sige ba! Teka, saan?"
"Sa Bar" lumayo ako ng tatlong hakbang sa kanya. Omyghod myself was very virgin! I hugs myself.
"Boba. Ibang Bar yun, waiter ako dun. Bar yun ng mga inosente na gusto lang mag-inom" umiling ako, di pa din ako kampante baka ibenta niya ako. Dapat si Kim Heechul lang ang alam niyo na. Hekhek.
Hinila niya ako, ang lakas niya "RAAPPEEEEE!!! I MYSELF WAS VERY VIRGIN"
Naramdaman kong huminto kami "Was am I serious. Don't touch me!"
"Ganun ka pala kapag seryoso, nag e-english. Now I know" tapos binuhat niya ako. Napaisip ako ilang sandali baka naman si Shaun ang mang ra-rape? Gwapo naman siya, okay lang magpapalahi na lang ako ng magandang anak. Parang aso lang. Eewww.
"Nandito na tayo" nanlaki ang mata ko. Ang daming ilaw. Wow!
"Shaun. Pasko ba? Ba't ang daming ilaw?" ang sama ng tingin niya sakin. Unang beses ko sa lugar na ito, kasi naman di ako mahilig mag-inom at hindi din ako maalam.
"Saan bundok ka ba itinira ng magulang mo?" pagalit na tanong sakin ni Shaun habang inaayos ang kanyang neck tie.
"Ahmmm. Di ko din alam ang pangalan ng mountain na yun eh. Tawag ko dun Datu Puti Mountain" binigyan ko siya ng die smile pero ayaw niya sa die smile ko. Hmmp.
Hinila niya agad ako paloob at ini-akyat sa stage. Nanlaki bigla ang.mata ko, baka ito na yung sinasabi nila na maghuhubad tapos sasayaw.
"Oh dalian mo, hati tayo sa kita" nanginginig akong kinuha ang mic at maghuhubad na sana ako ng t-shirt. Pero, mas maganda kung sandals muna.
"Hoy Hirai! Anong ginagawa mo?" him was so bobo talaga.
"Para mas komportable ako gumalaw. Hehe" jusko Shaun, English tutor kita at Math tutor mo ako paano mo nagagawa sakin ang bagay na to?
Pagkahubad ko ng sandals ko unti-unti ko na sana tatanggalin ang aking sando, ito na konti na lang---
"Moron. What are you doing?" heto na naman yang Moron word na yan. Hampasin ko siya ng sarili kong dictionary eh!
BINABASA MO ANG
Stop! My Nose Are Bleedings
Подростковая литератураDon't cry laugh until you can. Ako si Hirai, babaeng ubod ng kaekekan sa buhay. Mapapasabi ka ng Stop! My Nose Are Bleedings, dahil sa kabaliwan ko. Okay na ang lahat, pero di ko akalain papasok ako sa mundong hindi ko dapat nararanasan. (c) 2014