Bleedings 7

171 10 1
                                    

"10 push ups! 20 sit ups! Start now!" sigaw ng panot kong teacher. Sumusobra na daw pagiging late ko. Kasalanan yun ng alarm clock ko, masyadong late.

"Saglit lang! Alam niyo bang may shooting ako mamaya ng Datu Puti? Huling commercial ko na yun dahil sa contract, hati tayo Sir sa kita" tinaas-taas ko pa ang magkabila kong kilay, papayag na siya konti na lang.

"Sige sige. 20% yung akin ah?" Um-oo na lang ako, ligtas na ako.

Aalis na din sana ako kaso ang daming nagdatingan basketball players na sobrang gwapo, yung iba naman mukhang aso. Pero mas madaming gwapo. Syempre, pang ilang rules na ba tayo? 3 o 4?

Rules bilang babae #3. Dahil nakakita ako ng sandamakmak na gwapings kailangan pakipot ka muna. Kaya ang ginawa ko dumapa ako sa basketball court. Tips kuno ko ito kaya sundin mo, effective 'to. Pramis.

"Hoy, tumayo ka dyan kung ayaw mong masipa!" sigaw ng isang matangkad na lalaki. Wow, pero syempre simulan ang teknik!

"O-ouch! My back that-- hurting. Help me!" nagtawanan naman sila. O diba effective? Tsk!

"Sus si Hirai lang naman pala! Hayaan na yang matapakan dyan. Simulan na ang laro!" - sigaw ng captain kaya agad akong napabangon at nagpagpag.

"Akala niyo kung sino kayo huh! Hoy ikaw John Dale, makikita mo ang commercial io mamaya na Datu Puti! Mamatay ka sa panghihinayang!" pero imbes na siya ay matakot nang-irap pa. Aba! Di ako papa daig.

Halos magkanda tarak na yung mata ko di ko magaya yung ginawa niya. Tsk, kaya iniwan ko na sila. Kailangan ko ng mag ready para sa filming mamaya. Dami ko na naman fans nito!

Lance's POV

"Masutaa, fuben wo moushiwake ari masen ga watashiha hidoku anata no tasuke ga hitsuyou" (Master, Sorry for the inconvenience but I badly need your help)

Sa halip na sagutin niya ako kumuha lang siya ng isang tela at gumuhit ng isang halaman at basta na lang akong pinaalis habang bitbit ko iyon. Tsk, mapapala ko dito?

Umuwi muna ako sa bahay namin at umupo saglit para liwanagin ang iginuhit niya. "Everything comes to an end"

Napalingon ako kung sino ang nagsalita, "Old man"

He's Greg Montereal, my father. My Mom died when I was 15 years old, I guess. Hindi pa malinaw ang lahat.

Our family, Montereal pledged our loyalty to Okigami Clan, and yes I'm part of the underground world. Kaya nga iniligtas ko si Hirai nang may tumama sa kanyang kutsilyo dahil napuntirya na nila ang taong napapalapit samin. Hindi man kami ganun ka close ni Hirai, nandamay kami ni Shaun ng inosente.

Shaun is also part of the Clan, but we're not in good terms. Because of that incident. Tumayo ako para pumunta sa isang bakanteng kwarto na puno ng kung ano-anong sandata kumuha ako ng chain weapon na may dalawang maliit na kutsilyo sa magkabilang dulo.

Habang pinaiikot ko ito hindi mawala ang takot sa isipan at puso ko. Tama ang aking ama malapit na dumating ang hangganan ng lahat. Yun ay kung may natitira pa sa Nine Clans.

May tao akong narinig na pumalakpak sa bandang likuran ko at agad ko sanang ipupulot ang sandatang hawak ko ngunit agad niya itong nahawakan.

"We badly need to talk, Lance"

Hirai's POV

"O sige inom ka pa ng suka para effective ang mukasin face!" pesteng direktor to ah.

"Teka nga. Halos isang bote na ng suka ang nainom ko eh! Ito na aayusin ko na" nag set sila ng isang malaking electricfan sa harapan ko.

Nagsimula akong uminom ng suka, tapos headbang. "DatuPuti, mapapa headbang ka sa sarap. Muah"

Tapos ngumuso ako yung tipong talagang mukasim ang hitsura. "GOOD JOB!"

Nagpapalakpakan ang mga stuff habang pinupuri nila ako. Ang galing ko, may natanaw naman akong lalaking nag d-deliver ng beer. Shaun?

Unti-unti ko siyang nilapitan at tumpak. "Woah, ikaw pala"

Tiningnan niya lang ako. "Diba sabi mo lalayo ka na?"

"Ha? Diba re-reypin mo pa ako? Hahaha! Biro lang" nakita ko kasing nag-iba yung mukha niya. Kahit naman ganto ako, hindi ko ibibigay ang perlas ng kanluran ko.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "Do you--"

"D-O Y-O-U L-O-V-E M-E!!! Wow! Shaun fan ka din ba ng 2ne1? Naks oh, nakilala ko sila nung isang araw lang. Aba--"

"You're really insane! Do you trust me?" medyo naguluhan ako sa sinabi niya--

"Di masyado, Shaun. Bakit?" honesto 'to. Omona di kaya- NO WAY!

"Stop that freakin' dirty mind of your, Meilin"

Nagulat lang ako sa pagtawag niya sakin ng hinayupak na pangit na pangalan yun. Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin.

"From now on, please trust me" tiningnan ko siya mula paa hanggang paa pa din. Hehe, joke lang!

Imbis na sagutin ko siya, ngumiti na lang ako. Seryoso siya dapat seryoso din ako. I'm not those bobo.

Umalis na siya at di man lang ako niyayang sumabay. Maglalasing ako dahil sa success ng commercial ko! Last na din yun. Nakakalungkot. Ahmmp.

-=-

"I'm sexy and I know it!" umakyat ako sa table at nagsimula gumiling. Wooh! Lashing na be eke?

"Oh yeah. C'mon!" sigaw ng kung sino. Ibinuhos ko sa buhok ko ang beer. Ay ang lagkit.

Nagulat na lang ako nang may humila sakin pababa at hinapit ang baywang ko. Masyadong malabo ang paningin ko kaya di ko masyadong maaninag kung sino.

"Sexy mo pala Miss"

"Sha-shalamats"

Ilang minuto pa ang nakalipas bigla na lang may humaplos sa hita ko patungo sa dibdib ko-- TEKA ANO?!

Bago pa ako makasigaw, may taong nakasapak na dun sa isang lalaking nambabatos sakin. Agad din naman niya akong sinalo at pina-upo sa isang sofa.

Umiikot silang lahat. Ang galing. 3D yung animation!

"Hirai!"

Nakipagbugbugan siya. Habang may papalapit sa kanya agad siyang tumatalon ng mataas para bigyan ito ng sipa sa mukha, tapos agad niyang pinupuntirya ang paa. Ang galing.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang isang mainit na yakap. "You're safe"

Napaiyak na lang ako. Ang drama ng lola. "Lance, gago ka!"

---

Ang taray ng pokening english na ating bida, bwahahhaa. So with action ito guys. Pero as in daebak ang storya na ito sinasabi ko. Matatawa kayo, iiyak, ma-aamze. Pero talaga halos humor-romance-action ito :)) pero sa humor tayo start with matching romance ni Lance at Shaun. Hahaa joke

Stop! My Nose Are BleedingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon