"Lance Montereal? Teka, sino ba ang mga alien na yan?" napangiwi ako, ni sa talang buhay ko nga wala pa akong nakikilalang Lance.
"Why are you talking behind my back?" nagulat kami parehas ni Yannie ng may magsalita sa may likod namin. Napalunok ako ng laway ko, wow lasang listerene!
"Hoy ikaw!" tiningnan ako ni Yannie na parang question mark yung mata. Boba talaga si Yannie di naman nakikipag-usap ang mata.
"Ikaw na naman pala, Ms. English"
Bigla naman umepal si Yannie sa gitna namin "Gaga ka talaga Hirai! Siya si Lance Montereal!"
Napa 'HA?!' na lang ako at sabay poker face. Ito ba ang mga idol ni Yannie? Like duh.
Tinulak ko si Yannie at hinila ko si Mr. Ferrari/Lance. "You Mr. Don't never showed you face again!"
Bigla naman itong nagpigil ng tawa at nag smirk sa harapan ko. Omyghod. Kung pwede lang malaglag ang panty kanina pa nalaglag yung panty ko. Gwapo! Erase. Erase. Bawal purihin ang mga taong gaya niya! Yung tipong mala Shrek!
Pagtingin ko naman kay Yannie, natulo ang laway ng gaga kaya pinasakan ko ng papel. Nagpunta na ako sa classroom ko at wow.
"Ms. Chan, for the nth time your late again. Maupo ka sa gitna ni Mr. Shaun at Mr. Lance" bigla naman nanlaki yung mata ko. Kailan ko pa sila naging kaklase at ano 'to joke time? Sa gitna nila?
"Don't stand in the middle of class like a statue of liberty" huh?! Si Mam panot naging Alien na din.
"No Mam! Stop! My Nose Are Bleedings!" lalo pang lumakas ang tawa ng mga kaklase namin at pati yung dalawang unggoy tumawa na din kaya umupo na lang ako.
Parehas kong tiningnan si Shaun at Lance at nagsusukatan sila ng tingin. "Kung magpapatayan kayo sa tingin wag niyo ako idamay"
Matutulog na sana ako ulit sa klase nang bigla akong inakbayan ni Lance. "Bakit naman di ka madadamay? Since the day you met the two of us, especially me. You're officially my toy"
Sa sobrang shock ko "You're drooling, wipe your saliva it's gross" - Lance
Shet, nahiya naman ako. What did he mean by toy? Nakakaloka ng beauty.
Pagtingin ko kay Shaun ang sama ng tingin sakin para bang kakainin niya ako. O-k-a-y, anong problema nila sakin? Kaurat ah.
"Class dismiss. Take your recess now"
Agad naman akong umalis sa demonyong classroom na yun, dahil sa dalawang halimaw na katabi ko. Para naman kasi silang magka-away tapos ako clueless. Whatever, chuchurva na lang ako dito sa canteen.
"Chibugan na!" lalapang na sana ako ng pagkain ng biglang umupo si Shaun sa harap ko at ibinigay ang isang damukal na libro. Seriously?!
![](https://img.wattpad.com/cover/5573728-288-k919947.jpg)
BINABASA MO ANG
Stop! My Nose Are Bleedings
Genç KurguDon't cry laugh until you can. Ako si Hirai, babaeng ubod ng kaekekan sa buhay. Mapapasabi ka ng Stop! My Nose Are Bleedings, dahil sa kabaliwan ko. Okay na ang lahat, pero di ko akalain papasok ako sa mundong hindi ko dapat nararanasan. (c) 2014