Broken
Napapikit ako nang mariin at dahan-dahang tumayo mula saaking pag kakahiga. Hinilot ko ang aking ulo at humikab pa, sabay tingin sa babaeng mahimbing parin ang tulog sa tabi ko. Napangisi ako at marahan siyang ginising.
"Wake up..." Malumanay kong usal, She groan while brushing her eyes. Tinitigan niya ako at bigla akong nginitian.
"Good morning." A husky voice from her. Tinaasan ko siya ng kilay at tumayo na bigla mula sa pag kakahiga. "Aalis kana?" Nadinig ko ang pag kadismaya sa tinig niya. Sinuot ko na ang aking panloob bago isuot ang hoodie ko at pantalon.
"Yes, I'm kinda busy. Mukhang busy ka din naman." Naging mapakla ang pagkakasabi ko non, medyo nagulat ako nang tumayo siya kahit wala itong saplot ay niyakap ako nang malambing.
"I want you to stay here, please?" Malambing niyang usal. Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kaniyang magkabilang balikat.
"I can't babe...nextime okay?" Marahan kong usal habang dahan-dahan kong hinahaplos ang kaniyang buhok.
Ngumuso siya. "Okay,"
Labag man sa loob niya ay tumango ito. Hinalikan niya muna ako sa labi bago ito pumayag na umalis ako. Habang pababa sa lobby ay isinuot ko ang aking sumbrero at may idinial na numero.
"Trianna, nasaan ka nanaman ba?" Iritableng boses ang ipinaalmusal saakin ni Mama.
"Ma, kalma po. Kasama ko po si Evi kagabi." Sagot ko.
"Hays! Dalian mo bumalik dito, pupunta pa tayo sa party ng mga Foleño remember?" Napahilot ako saaking sentido kasabay non ang pagpasok ko saaking kotse.
"I can't go, Ma." Sagot ko habang sinisimulan nang paandarin ang kotse.
"What?!" Napapikit ako nang tumaas ang boses ni Mama. Ang aga aga boses, ayokong almusalin ang iritableng boses ni Mama.
"Okay okay, pupunta na po." Sagot ko, nag paaalam pa ako bago ibaba ang tawag, dahil nag mamadali si Mama ay mabilis lang din akong nakarating sa mansyon, nadatnan ko sila Mama sa sala, nandoon sila Kuya Tristan at Tanya.
"Where had you been?" Salubong ni Kuya saakin.
"Sa Girlfriend ko," Deretsong tanong ko.
Napairap si Tanya. "Sus!"
"Tri, p'wede ba?"
"Ma, I love Evi. Alam niyo po 'yan." Sabi ko nalang. Alam kong mahirap sakanilang intindihin ako, wala, e. Ganito ako, I love her. Before, I had flings na lalake. Nagkakagusto ako sa both gender, pero mas madalas akong mag kagusto sa babae.
Bumuntong hininga si Mama. "Okay," She sounded defeated. "Mag prepare ka nalang, kaarawan ni Fod Foleño, inaasahan tayo doon lalo na't kababata namin iyon ng Papa niyo." Paalala ni Mama. Tumango nalang ako at umakyat sa kwarto ko para maligo. Medyo 'di kami nagkakaimikan ni Papa, hindi naman sa hindi niya ako tanggap. Kahit hindi niya sabihin ay halata namang dismayado siya saakin, He's just pretending na okay lang sakaniyang ganito ako. Mahirap naman talagang tanggapin, sa dalawa nilang anak na lalake, ako itong babae tapos ganito pa.
Tanya is my cousin na na naninirahan dito, ewan ko kung kailan 'yan lalayas. Dahil ayokong mag-dress at gusto ko paring mag mukhang promal ay mag susuot nalang ako ng high waisted na slacks at white long sleve white polo. Para lang akong papasok sa opisina pero oks na 'yan, wala ako sa mood na pumorma ngayon. Bumababa ako upang sabayan sila sa umagahan, wala si Papa dahil may inasikaso daw sa office kaya ayun.
"Nakausap ko si Triston, Ma." Panimula ni Kuya Tristan.
"What? Uuwi ba siya?" Nakangiting tanong ni Mama.
BINABASA MO ANG
Reason why I love you
General FictionTrianna Jose Diorama is a reckless and straight forward woman, na tila lahat ata nang naiisip niyang makakabuti ay gagawin niya. Kahit na minsan ay nagiging selfish ito dahil na din sa kagustuhan niyang mapabuti ang lahat, ngunit nung subukin na siy...