Chapter 6

19 0 0
                                    


Emotions

"Kinakausap ko pa si Papa, pero parang desidido na siyang hindi ituloy ang kaso."

Napabuntong hininga ako, nasa kwarto ako ngayon sa bahay ni Papa. May balak akong bumalik sa Manila pero hearing these news, parang ayoko. Selfish na kung selfish, ayoko talaga.

"Pero...kung ikaw ang tatanungin...itutuloy mo ang kaso?" Tanong ko kay Kuya Tristan. Sandali siyang natahimik, mukhang alam ko na ang isasagot niya.

"A-Aksidente ang nangyari..." Sagot niya. Parehas sila ni Papa! Nakakainis kasi masyado siyang mabait, kami na nga itong nawalan. Kami pa itong nag a-adjust!

"Nasaan na 'yung driver? Ano ngang pangalan niya?" Tanong ko.

Matagal uli siya bago sumagot.

"A-Andes Llores--"

"Ahh kaya gusto mong i-atras ang kaso?!" Napasigaw na ako. Nakakainis, naiinis ako! Bakit ba mas iniisip pa nila ang ibang tao? Bakit? Bakit hindi nalang nila isipin ang husitisya para kay Mama!?

"Walang siyang kinalaman dito, Tri." Madiing usal niya.

Natawa ako. "Kuya naman! Tatay ng babaeng 'yun ang nakapatay kay Mama, hahayaan mo nalang?! Hahayaan mo?! Mas importante sa'yo ang pamilya ng babaeng 'yun kaysa kay Mama? Sa pamilya natin? Tangina Kuya!"

Umiiyak na usal ko, labis akong na f-frustrate! Hindi nila ako naiintindihan, ako pa ang lumalabas na masama. Nawalan kami for pete's sake! Bakit namin iisipin ang pamilyang naging dahilan ng pag kawala ng ilaw ng tahanan namin?

"Mahirap din saamin 'to, Tri." Dama ko ang pagod at hirap sa tinig ni Kuya Tan.

"Kung nahihirapan kayo, ako na ang mag papakulong sa lalaking iyon! Bukas na bukas ay uuwi ako d'yan!" Asik ko at pabagsak na ibinaba amg linya.

Sinuntok ko ang hita ko sa inis, hindi pa ako nakuntento at pinagsasapok ang sarili. Naiinis ako! Hindi nila ako maintindihan! Kaya ba willing na willing silang pumunta ako dito dahil iyon ang plano nila?! Pucha naman, kung ganoon ay uuwi ako, ipapakita ko sakanila kung ano nga ba ang deserve ng lalaking iyon. Wala akong pake sa sasabihin nila, wala na akong pakielam sa lahat!

Nang kumalma ako ay lumabas na ako ng kwarto, nadatnan ko si Axon sa tapat ng pinto ko. Tila kakatok ata, tinignan ko siya. Bahagya siyang umayos ng tayo.

"K-Kakain na..."

Tinitigan ko lang siya, doon na kumunot ang noo niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at marahang hinila palapit sakaniya.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit may pasa ka sa mukha?" Nararamdaman kong concern siya, pero wala talaga kong maramdamang kahit ano, kahit ihele niya pa ako ngayon ay hindi uubra iyon.

"Kumain na tayo." Sabi ko nalang at naunang tumungo sa mesa. Umupo ako doon at tinignan siyang dahan-dahang lumalapit saakin, tila ba nalilito siya sa inaasta ko.

Walang imikan kaming kumakain, pero nararamdaman ko ang mga tingin niya saakin kaya inilapag ko mga utensils ko.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko, seryoso niya akong tinignan.

"Hindi," Mabilis niyang sagot.

"Bakit?" Tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin at hinalo-halo ang pagkain niya, naka pang office attire na nga siya, e.

"Babantayan kita." Simpleng sagot niya.

Sarkastiko akong natawa. "Hindi na kailangan, pumasok kana at iwan mo na ako." Naging mapait ang pag kakasabi ko non, hindi ko na alam.

Reason why I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon