Chapter 4

26 1 0
                                    

Jealous 

"Really?" Gulat na tanong ni Papa sa kabilang linya, sinabi ko kasi ang plano kong pagtira sa bahay niya. "So you met Carlos?"

"Yes, He seems nice naman po pati 'yung asawa niya." Usal ko sabay ayos ng aking mga gamit. Magpapahatid ako kay Manong Jek.

"He's really nice, uh by the way..." He thrilled off.

"Po?"

"Ipapa renovate mo ba talaga 'yung mansyon ng Mama mo?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya, balak ko talaga 'yun. Maganda na 'yun, may gusto lang sana akong idagdag.

"Opo sana, bakit po?"

"What if sabihin ko sa'yong 'di ako papayag?" Marahan niyang tanong. Nakagat ko ang labi ko. "T-That's your Mom's mansion...and...every single corner of that house is designed by her..." Mukhang 'di niya alam kung paano magsasalita.

Nahinto ako saglit, gusto ko talaga sanang irenovate. Kaso tama si Papa, ayun ang isa sa mga remembrance ni Mama guguluhin ko pa ba? Napabuntong hininga ako.

"Pag-iisipan ko po..." Malumanay na usal ko.

He sighed. "But you can stay there for a while, iwas stress na din. Anong balita? May girlfriend kana ba?" Natawa ako sa tanong niya, alam kong gusto niyang pagaanin ang usapan namin at mukhang gumana.

"Pa...wala na muna sa isip ko 'yan ngayon." Pumait iyon nang maalala si Evi, hindi niya ako tinawagan or what. I am expecting na kahit pangangamusta lang from her, feeling ko pag siya ang nag comfort saakin okay na ako. Napailing ako, mali pa na inisip ko siya.

Nang matapos ang tawagan namin ni Papa ay agad akong nag pahatid sa bahay nila Papa, pagkadating ko nga doon ay nandoon sila Tita Nel, agad niya akong sinalubong nang akap.

"Namiss kita Hija!" Excited niyang usal, dalawang araw lang naman akong hindi napunta dito, e. Nakita kong nag hahanda ng magkakain si Tito Carlos.

Nilingon ko ang taong lumabas sa isang kwarto, it's Axon. Simpleng t-shirt at short ang suot niya.

"Saan ka manunuluyan?" Tanong bigla ni Tita Nel kay Axon.

"Dito po." Sagot niya at napasilay saakin. Napatakip ng bibig si Tita Nel.

"As in here? Kayong dalawa ni Trianna?"

Wala namang problema saakin kung dito siya tutuloy, mas ayos nga 'yun at may kasama ako, e.

Axon chuckled. "Tito I know what you're thinking, and it's not." Natatawang klaro ni Axon kay Tito Carlos na may nakakalokong tingin sakaniya. Ano 'yun?

"Ano 'yun?" Si Tita Nel na confused.

"Hindi naman kaya'y may gusto kang balikan dito?" Nakangising usal ni Tito, napakunot ang noo ko at napatingin kay Axon na natawa nalang. So may binalikan nga siya dito? Sino?

"Bakit hindi ka nalang doon sa bahay ng Papa mo tumira?" Bigla kong tanong.

"May nakatira doon, nakakahiya." Biglang nag seryoso ang boses niya. Ngumisi ako.

"Dito din naman ah? Nandito ako." I shrugged while sipping my water, hindi ko siya sinulyapan dahil alam kong nakatingin siya saakin.

"Medyo..medyo close naman tayo...ayaw mo ba?" He asked, nabakas ko ang irita sakaniyang boses.

I cleared my throat. "Oh baka kasi mas malapit dito 'yung bahay na babalikan mo?" Hindi ko maiwasang ngumisi at maging sarkastiko.

Umirap si Axon. "Sabihin mo na lang kasi kung ayaw mo, I can move to my condo sa centro." He shrugged.

Reason why I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon