Rage
"What?! Papa are you serious?" Halos sumigaw ako sa ibinalita niya. Nasa mansyon ako ni Mama dahil gusto ko sanang masilip ito, then ito si Papa. May dalang balita.
"Trianna, aksidente ang nangyari...mahirap lang ang driver ng sasakyan, nabalitaan ko din na nasa hospital ang asawa niya. Kaya nakapag desisyon na akong iatras ang kaso--"
"Papa!" Sigaw ko, huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Masyado akong nadidismaya kay Papa, akala ko ba mahal niya si Mama?! Bakit ganito? That driver deserve a punishment.
"Si Mama ang pinag-uusapan dito! Hahayaan niyo nalang ba 'yun? Mama died dahil sa istupidong driver na 'yun! Kung sana nag ingat siya...b-buhay pa sana si Mama..." I am lost for my words. Tuluyan na akong naiyak sa labis na frustration na nararamdaman ko! Naiinis ako kasi bakit pa nag-aalala si Papa sa pamilya ng driver na 'yun?! My Mama died, his wife died, wala siyang pake?!
"Nawalan ng break ang truck na minamaneho niya...i-it's fully acciden--"
"Wala akong pake kung nawalan ng break! Dahil sa katangahan niya ay namatay si Mama--"
"Trianna!"
Natigil ako at mas lalong naiyak, natatakot ako kay Papa pero nabubulag ako nang galit!
"Kung buhay ang Mama mo...hindi niya magugustuhan ang asal mo." Malamig na usal ni Papa.
Umiling-iling ako.
"Mag-usap po tayo nextime. Bye po." Ibinaba ko na agad ang linya. Nagkulong ako sa kwarto ko at doon na umiyak-umiyak. Kapag pinagpautloy ko pa ang pakikipagusap kay Papa ay baka mawalan na ako nang respeto sakaniya.
Naiinis ako, naiinis ako kasi bakit ganito ang mga nangyayari? Hindi ko alam pero I feel so empty.
Hindi ko na ipapa renovate ang mansyon, tama si Papa. Remembrance na din ito para kay Mama, labag man sa loob ko ay mukhang doon din sasaya si Mama. Ilang araw akong hindi umuwi sa bahay ni Papa, dahil nagkulong lang ako sa mansyon, o di kaya'y inaasikaso ang naiwan kong negosyo. Kumpara dati, talagang malaki ang ibinaba ng sales namin. Nalulugi na din kasi may mga pinapasweldo pa ako pero wala na akong kinikita, should I quit? Tutal pagod na naman aako, bakit hindi ko na lubusin?
Dahil mas lalo akong nalulungkot sa mansyon ay naisipan kong pumunta na sa bahay ni Papa, medyo kinakabahan pa ako kasi hindi ako nag paaalam kay Axon. Bigla nalang kasi akong nawala ng isang linggo.
Pag dating ko doon ay nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, naka office attire pa. Alas sais na ng hapon, siguro ay kararating niya. Nakaharap ito sakaniyang laptop at kunot ang noo, tila may malalim itong iniisip. Napaayos ako ng tayo nang napatingin siya sa direksyon ko, nakita ko agad ang iritasyon sakaniyang mga mata. Mabilis siyang tumayo at naglakad palapit saakin, kunot ang noo at mabilis ang paghinga.
Tinitigan niya ako na tila ba kinakabisado pa ang bawat sulok ng aking mukha.
"You..." He said in his breath. Tila hinahanap niya pa ang sasabihin niya, mas lalo akong na estatwa nang haplusin niya ang buhok ko. Namumungay ang kaniyang mga mata. "You made me worried..." He whispered. Ang kaninang may iritasyon na mga mata niya ay nag laho.
"A-Axon..."
"Nag dasal ako...na sana kung ano man ang nangyayari sa'yo ay malagpasan mo...na sana pag nalagpasan mo iyon ay bumalik kana dito." He said.
Lumandas ang aking mga luha saaking pisngi, I feel so emotional right now. Hindi ko alam kung dahil ba sa nandito si Axon sa harapan ko saying those words o dahil ito sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Reason why I love you
General FictionTrianna Jose Diorama is a reckless and straight forward woman, na tila lahat ata nang naiisip niyang makakabuti ay gagawin niya. Kahit na minsan ay nagiging selfish ito dahil na din sa kagustuhan niyang mapabuti ang lahat, ngunit nung subukin na siy...