Chapter 2

28 2 0
                                    

Happier

Nandito ako ngayon sa main branch ng TriClothing. Sa lahat ata ng branch ay ito ang pinakamalaki, inaayos ko ang mga damit na nakahanger nang mag ring ang phone ko.

"Hello?"

"Hi Ms.Diorama, I already sent the posters sa email mo. You can check it para malaman ko kung may idadagdag ba or babawasan." Sabi iyon ng kinuha kong editor. Poster iyon para sa TriClothing.

"Okay, thanks!" I answered then ended up the call. Napatingin ako sa staff ko, naka uniporme sila na kulay maroon na polo at high waisted na slacks. Ganoon din sa mga lalake.

"Cherry!" Tawag ko sa isang staff, she smiled at me at lumapit.

"Pakisabi sa manager niyo na bantayan maigi ito ha? Aalis na ako," Sabi ko, kumuha ako ng tatlong libo mula sa bag ko at ibinigay sakanya.

"Pang meryenda niyo dito," Usal ko, tumango ito at ngumiti.

"Thank you po, Ma'am!" Nakangiting usal niya, tumango lang ako at lumabas na sa store. Ngunit hindi pa ako nakalalayo sa store ay may nakasalubong akong pamilyar na tao.

"Ria?" I asked unconsciously. Napalingon siya saakin, doon na siya napatakip sa bibig at bigla akong niyakap. She's my friend, dahil nga modelo siya at may clothing line ako, minsan na din siyang naging modelo ko.

"Tri!" She smilled, ang kaniyang unat at bagsak na buhok, ang kaniyang maputing balat na sinabayan pa ng pamumula ng kaniyang pisngi. She's just beautiful.

"Tangina I missed you!" Usal ko sabay hawak sakaniyang kamay. Napairap siya at mahina akong hinampas.

"Miss daw, baka miss mo lang akong halikan--"

"Shut up!" Natatawang usal ko, ang binabanggit niya ay 'yung time na medyo wild ako, we just kissed okay? Nothing more.

"Baka gusto mo pang maulit?" Asar niya saakin, sasagot na sana ako nang may bulto ng lalaki sa likod niya. Moreno ito at matangkad, almost like a model. Hinawakan niya ang bewang ni Ria at kita ko kung paano nagulat si Ria.

"W-Waldren..." Nagugulat na tawag ni Ria sa lalaki. Napakunot ang noo ko, the man scanned me. Medyo kunot ang noo at tila may ayaw siyang nagawa ko, what?

"I'm Waldren, her fiancé." Pakilala na mismo nung lalake. Medyo nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap. Madami akong tanong kay Ria, pero tangina wala na akong oras. Mukhang masaya naman na si Ria, kumpara saakin mas wild 'yan. Buti at na handle niya ang ugali ni Ria, napaka powerful couple nila. Lakad palang nilang dalawa ay napapatingin na ang iba, ang confident at nakangiting si Ria at ang kaniyang Fiancé na kahit mukhang masungit ay ang lakas ng dating.

Nag paalaman na kami bago ako lumabas ng Mall, napanguso ako nang may maalala. Irereto ko palang sana si Ria kay Dexon, may Fiancé na pala ang gaga. We're still friends kahit hindi kami masyadong nagkakausap.

Patungo na ako sa parking lot nang mahinto ako, I saw a man standing in front of my car. He smirked at tila natutuwa sa naging reaksyon ko, He open his both arms, waiting to hug him. Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit. It's Kuya Triston.

"You missed me huh?" Nakakalokong tanong niya, natawa ako at mahinang hinampas ang kaniyang dibdib.

"Kailan kapa nakauwi? Gagi alam ba nila Mama na nakauwi kana?" Sunod-sunod kong tanong, He sighed.

"Yes, dumeretso ako dito kasi namiss ko ang bunso namin. How's life? Kumusta kayo ni Evi?" Nahinto ako sa tanong niya, mukhang nakalahata siya.

Reason why I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon