ExplainNang makauwi ako sa bahay ay tila lumulutang pa ako, hindi ko alam na ganoon lang kabilis at ayos nanaman kami ni Axon, ang malala ay gusto namin ang isa't isa. Napailing ako at napabuntong hininga.
Tumungo ako sa kusina para sana kumuha ng tubig pero nadatnan ko doon si Kuya Tristan, may mga dala siyang beer in cans. Mukhang nagulat pa siya sa prisensya ko, medyo nag-iwas ako ng tingin dahil naalala ko ang sagutan namin. Lahat ng sinabi ko sakaniya ay 'yun talaga ang nararamdaman ko, pero may part saakin na nag-guilty.
"Nakauwi kana pala." Mamaos-maos niyang sabi, He is wearing a black long sleeve polo na nakatupi hanggang siko. He looked so tired. Tinanguan ko siya at tumungo sa fridge para kumuha ng tubig.
"Trianna..." Tawag niya saakin. Tinignan ko siya, dama ko ang awkwardness saamin.
Iniwas niya ang tingin saakin at marahas na binuksan ang lata ng beer, uminom siya doon at marahas ding na pinunasan ang kaniyang labi. "Nasa back yard ako, sumunod ka nalang kung gusto mong uminom." Seryosong usal niya at naglakad na patungong backyard.
Napatulala ako saglit, dahil wala din naman akong magawa at alam kong hinihintay niya ako ay tumungo na ako. Nadatnan ko siya sa pool, i mean...nasa pool talaga siya, may damit pa siya, kaya basa ang kaniyang polo. Dahil ayokong mag basa ay paa ko lang ang inilubog ko sa tubig. Umahon siya mula sa tubig at tumabi saakin, sinuklay niya ang kaniyang basang buhok at inabutan ako ng lata ng beer na agad ko namang kinuha.
"Anong problema?" Tanong ko. Hindi siya mag kakaganito kung walang problema, ugali lagi ni Kuya Tristan na basain ang katawan niya pag may problema siya, kaya ito siya ngayon ay nag lubob sa pool.
"Problema?" Kaswal niyang tanong.
I sighed at napatingin sa lata ng beer na hawak ko. Alam kong mahirap din sa part niya lalo na't Papa ni Valirie ang pinag-uusapan dito. Girlfriend ni Kuya.
I shrugged.
"Gusto kong ipakulong ang may sala, Tri." Seryosong usal niya at sa wakas ay napatingin na ako sakaniya. Nakatingin lang siya sa Pool, malalim ang iniisip.
"P-Pero, Papa 'yun ni Valirie...I-I'm sure mahirap din sa'yo--"
"Natauhan ako sa sinabi mo, Tri...Bakit ko nga ba iisipin ang ibang tao?" Mapait niyang tanong at ngumisi pa. The pain is visible in his eyes! Bakit ganito? I suddenly feel bad for him, gusto kong makulong ang may sala pero seeing how my brother suffering...parang dumodoble ang sakit.
Nalilito ako sa nararamdaman ko.
"Critical ang lagay ni Tito Andres..."
Napayuko ako.
Napakuyom siya ng kamao at napailing.
"Tang ina!" Malutong niyang mura.
And now, witnessing him in this kind of state. I realized na hindi lang pala ako 'yung nahihirapan, hindi lang ako 'yung nawalan. Kung tutuusin ay mas mabigat para sakanila ang pag kawala ni Mama dahil open sila kay Mama...habang ako, pasaway at puro sakit pa sa ulo. I was selfish, and I think until now.
"T-Tutulong ako sa hospital bills ng Mama ni Valirie..." Mahinang usal ko habang nakayuko, I mean...dalawang magulang niya ngayon ang nakaratay sa hospital, ibig sabihin ay mas doble pa ang pag t-trabahong gagawin niya, mahirap mawalan ng ina, pero kung Ina at Ama ang mawawala sa'yo ay tila nakakabaliw na.
"Hindi na kailangan." Usal niya pag katapos niyang uminom ng beer. I frowned. Oo naging harsh ang pananalita ko towards them! Pero nag-guilty na nga ako hindi ba?
BINABASA MO ANG
Reason why I love you
General FictionTrianna Jose Diorama is a reckless and straight forward woman, na tila lahat ata nang naiisip niyang makakabuti ay gagawin niya. Kahit na minsan ay nagiging selfish ito dahil na din sa kagustuhan niyang mapabuti ang lahat, ngunit nung subukin na siy...