03| Carolling

4 3 0
                                    

" Ate tara na! " sigaw ng kapatid ko na naunang naglalakad sa akin kasama ang ibang batang pinsan namin.

Mangangarolling kami ngayon dahil sa sobrang gipit ko ay dinamay ko na sila. Isa pa, ber months na ano!

Ako ang pinakamatands sa aming magpipinsan. Ang agwat ng aminh edad ay nasa tatlo o limang taon. Ako ngayon ay disisyete na at ang pinakabata na pinsan namin ay twelve years old. Lima kaming lahat na naglalakad sa daan papunta sa ubang bahay na aming kakantahan kasama na doon ang kapatid ko.

Bawat dinadaanan namin na bahay o kalye ay may dekoreteng pang pasko na. Christmas lights, lanterns, and other things that synbolizes christmas.

Dala nila ang improvised tambourine, pinukpok na tansan gamit ang bato. Ang iba ay dala ang marakas na gawa sa plastic bottles na nilagyan ng bato at ako naman ang kakanta. Napag usapan nanamin ito.

" Jingle bells, jingle bells, jingle all the way! All dust pan, electric fan, kutsilyo de armasen! Hey! " kanta ko pa.

Saglit natigil ang mga pinsan ko.

" Ate tama ba yung kinakanta mo? " tanong ni Junjun sa akin, ang kapatid ko.

" Oo! Saka bat kayo tumigil? Isa pang kanta hanggang lumabas may ari nitong bahay " ika ko at tumango sila.

Hindi pa man natapos ang kinakanta ay busangot na lumabas ang may-ari saka nag abot ng pera. Pagkatapos noon ay nilibot pa namin ang mga kabahayan na malapit lang o nas palibot lang ng amin.

" Whenever I see boys and girls and the girls and boys see me. I remember the child. And the child remembers me. Whenever I see people. And the people see me. I belive in Christmas, and the christmas believes in me."

" Let's light our christmas tree. And our christmas tree will light- " ewan ko ba di pa nga ako natatapos sa kanta eh nagbibigay na agad sila ngs pera.

Gosh! Ganon ba ka ganda yung boses ko at nagbibigay agad sila?

" Thank you! Thank you! Sa susunod ulit na pasko! Thank you! "

Feeling ko mapapaos ako nito. Todo birit ako eh. Huling bahay nalang at uuwi na kami. Pero ng makita ko kung saan papunta ang mga pinsan ko ay agad ko silang lalapitan sana kaso ay nasa harap na sila.

" Uwi na tayo. Tama na tong naipon natin. " ika ko.

Hindi sila sumangayon doon at mas nagiingay sila.

" Last na rin naman to ate! Sige na kanta ka na. " ika ni Junjun at tumingin sa likod ko.

Bumukas ang gate ng bahay. Talagang bukas na bukas at nakita namin ang loob. Ang bumukas noon ay ang babaeng kaklase ng kapatid ko, na siyang kapatid ng classroom president naming si Klyo.

Nakita ko doon nakaupo siya sa isang upuan kaharap ang isang pabilog na lamesa. Napadpad ang mata ko sa mga kasama niya. Ang kaklase namin na tropa niya!

Feeling ko ay tinakasan ako ng dugo dahil sa hiya. Nahihiya talaga ako kapag si Klyo na ang usapan shet! Kahit anong kapal ng mukha ko pagdating sa kanya ay nawawala.

" Uy, Brena! Nangangarolling kayo?" tanong ni Kent na kaklase namin.

Hindi ba obvious? Tumango ako ng marahan. Wala na! Nandito na eh. Saka last nalang din naman to! Tapos uuwi na.

Napatitig ako kay Klyo na seryosong nakatingin sa aakin. Shet nalulunod ako sa tingin niya. Kahit mukhang nerd ay gwapo parin!

" Ate naman! Ginagawa mo kaming tanga. Kumanta ka na. " kita mo na. Nakalimutan kong sumabay sa pagingay ng instrumento nila sa kakatitig kay Kylo.

Inaamin ko ng crush ko siya. Matagal na oo!

Tumikhim muna ako bago nagsimulang ibuka ang ang bibig upang umawit.

" Pasko na naman o kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba o kailan lang? Ngayon ay pasko tayo ay mag awitan. Ngayon ay pasko tayo ay mag mahalan. " sa huling sentence ng sinabi ko ay napatingin ako ulit kay Klyo.

Ang gago talaga nitong si Kent at tinutukso tukso ang kaibigan. Dahil din sa kanya nagustuhan ko ang bato naming class president!

" Isa pa. Isang libo bibigay ko " usal ni Kent kaya natuwa ang mga kasama ko.

" Sige na ate last nalang din naman!"

Bumuntong hinga ako saka umoo nalang sa sinabi ng mga pinsan.

" Joy to the world. My world is you " natigil ako agad..

Shet! Hindi ganon yung lyrics! Umingay ang banda nila kakakantyaw.

Tumakbo naman ako paalis dahik sa sobrang kahihiyan. Sa susunod hindi na ako mangangarolling!

" So doon mo po nagustuhan si mama, papa? " my little kid ask and lool at his father.

" Ayan! Kung ano ano nanamang pinagkukwento no sa anak natin! " bulyaw ko na ikinatawa lang ni Klyo.

Oo naging asawa ko siya.

" It's worth to tell, love " he pull me and I fell on his lap.

" Lalandi ka na nga lang sa akin sa harap pa ng anak natin! Napaka daldal mo na. Ba't di ka nalang maging tahimik ulit gaya noon? " ika ko pa at umirap.

" Hindi ako gaanong nagsasalita noon kapag alam kong nasa paligid ka. Busy ako kakatitig sayo eh " umirap pa kong lalo pero di ko maitago ang kilig.

Love is really unexpected. Nangarolling lang ako noon sa kanila, ngayon asawa ko na siya.

Kaya't ano pang hinihintay mo? Mangarolling ka na din baka makita mo na ang itinadhana sayo.

Kaya't ano pang hinihintay mo? Mangarolling ka na din baka makita mo na ang itinadhana sayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Photo not mine. Credits to the rightful owner.
—————————————
Thank you for reading!

One shots and poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon