07| She, who has precious smile

0 1 0
                                    

Nakakabad trip! Late ako sa quiz bumagsak pa ako, tapos ngayon naman, nawawala ang wallet ko!

Inis kong sinipa ang maliit na bato sa daan. Lalakarin ko nalang mula dito sa university pauwi.

Naglalakad ako habang tirik na tirik ang araw pero bigla nalang ako nakaramdam ng malamig sa bandang likod ko.

I girl in white dress and school shoes is following me. I jump a bit, shocked with her presence and how she look. She looks weird. She's pale, and smiling brightly. Pasado siyang multo kung sakali.

Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang muli. Nang naramdaman kong nakasunod parin siya ay nilingon ko ito.

" May kailangan ka miss? " tanong ko sa kanya.

" Sa'yo ba to? " itinaas niya ang kamay, at nakita ko sa kanya ang wallet ko.

" Hindi ko to ninakaw! Nakita ko na nalaglag kanina pag pasok mo ng umaga. Ayaw kasi ako papasukin ng guard kaya hindi ko naibalik" mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.

Saka siguro sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nalaglag. Kinuha ko iyon sa kanya saka nag pasalamat. Nang tumalikod ako ay papara na sana ako ng mapansin ko nanamang nakasunod parin siya.

" May kailangan ka pa ba?" tanong ko pa.

Umiling siya ngunit nanatili ang ngiti sa labi. Sumakay ako ng jeep at ganon din siya. Nang bumaba ako ay bumaba rin ito. Nagtataka talaga ako bakit sunod siya ng sunod. Ni hindi siya pinansin ng driver ng hindi siya nagbayad.

" Bakit ka sunod ng sunod sa'kin?" tanong ko nang hindi ko na napigilan ang inis. Bahagyang tumaas ang boses ko kaya napaatras siya ng kaunti.

Nanatili lang siyang tahimik at unti-unting nawala ang ngiti. Umatras siya saka tumalikod at nagsimulang tumakbo palayo. Nakonsensya ako bigla sa ginawa ko. Sa hindi malamang dahilan, hinabol ko siya.

" Teka lang miss! " sigaw ko.

Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Nang hindi ko parin siya makita ay nagtanong ako sa mga taong nadaanan niya.

" May nakita po ba kayong babae na dumaan dito? Naka bestida po siyang puti at- " hindi ko natapos ang tanong ko ng mahagip siyang muli ng mata ko.

Hinuli ko ang kamay niya't nagpatuloy sa pagtakbo, palayo sa mataong lugar.

" Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses " hinga na hingal ako mula sa pagtakbo samantalang ay parang wala lang iyon sa kanya.

Nakita ko ang kanyang paninitig. Lumitaw muli ang kanyang ngiti.

" Ayos lang "

Dahil nga siya ang nakakita ng wallet ko at ibinalik niya ay nilibre ko siya. Nagpunta kami sa amusement park sa malapit at sumakay sa mga rides. Kumain din kami sa labas. Ang nangyari ay parang isang date. Pag-uwi ay nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya kaya bumalik ako sa kung saan niya sinabing iwan nalang siya.

Pag balik ko ay wala na siya roon. Nanghihinayang akong umuwi dahil sa isang araw napalapit ang loob ko sa kanya.

" Oh, ngayon ka lang Anton? " tanong ng landlady ng dorm namin.

Tumango ako sa kanya. Ginabi na kasi ako.

" Naku! Sa susunod wag ka ng magpapagabi ah! Binalita kasi kanina may natagpuang patay doon sa kangkungan, sa likod lang ng paaralan niyo? Babae tapos ang daming saksak! Missing daw iyon ng isang linggo, tapos ngayon lang natagpuan. Tignan mo sa balita at baka ipapalabas ulit nako! Maniwala ka. " nanlamig ako sa sinabi niya.

Umiling ako at pumasok sa kwarto ko. Binuksan ang tv upang manood ng balita.

Halos takasan ako ng dugo sa makita.

News flash: The missing girl for a week is was found, with multiplw stabs in the body.

Hindi man ipinakita ang mukha ay nakita ko ang kasuotan niya. Kagaya ng sa babaeng nakasma ko kanina.

Dinalaw ako ng lamig habang inaalala ang nangyari kanina kasama ang babaeng yun at ang nangyari sa kanya!

She who has precious smile been in that worst situation, a situation made by cruel and monster in disguise people.

Note: Photo not mine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: Photo not mine. Credits to the rightful owner.
—————————————
Thank you for reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shots and poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon