5th Game

22 0 0
                                    

Chapter 5







Makailang beses akong kumurap para i-process ang sinabi niya pero wala talaga, eh. Ayaw talagang mag-sink in sa utak ko.

"Ha? Ano? Ulitin mo nga! Nabingi na yata ako," kunot-noo kong saad.

Nakakawindang siya!

Bakit ang bilis naman yata? Wala pa kaming dalawang buwan na magkakilala. Wala pang isang buwan no'ng narinig ko ang pag-uusap nila ni Selina. Wala pang feelings dapat!

At saka, girlfriend agad?! Seriously? Can I be his girlfriend agad? Hindi niya ako liligawan?!

My goodness! Ano ba 'to? Ano bang nangyayari?!

"I'm sorry kung nagulat kita—"

"Aba, buti alam mo!" sigaw ko kaya nakaagaw na kami ng atensyon ng iba.

Sanay ako sa show pero ngayon, parang ayaw ko ng audience. Lumapit ako kay Josh para siya na lang ang makarinig ng sasabihin ko.

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Sigurado ka d'yan?" tanong ko pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na sumagot dahil sinenyasan ko siya na manahimik. Moment ko 'to. "Nahihibang ka na ba? Alam mo ba kung kailan lang tayo nagkakilala? At alam mo ba na alam ko ang tungkol sa inyong dalawa ni Selina?! Wala pang isang buwan no'ng nag-break kayo, ah?"

Grabe, tumataas ang presyon ko sa lalaking 'to! Nakaka-HB siya!

"One year na kaming wala." blangko niyang saad.

"Ha?"

Kung one year na silang wala — teka? Bakit nakita ko sila less than a month ago na nag-uusap? Fudge! Sumasakit ang ulo ko sa kaniya! Bakit ba ako napasok sa sitwasyong 'to?!

"Isang taon na simula nang maghiwalay kami," aniya.

"Kahit na. Hindi pa rin sapat ang panahon na nagkakilala tayo para mabuo ang feelings. Kung may feelings nga talaga."

He sighed. At pinikit ang mata niya. Pagdilat niya ay evident na evident ang sakit mula rito.

"I'm sorry, Ara."

"Bakit ka nagso-sorry? Kasi wala ka naman talagang feelings para sa 'kin?"

Napayuko siya to confirm what I've been concluded.

Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong kirot akong naramdaman when he confirmed that.

"B-Bakit mo 'ko gustong maging girlfriend eh, wala ka naman palang feelings para sa 'kin?"

Muli siyang napabuntong-hininga bago diretsong tumingin sa 'kin.

"I know you can help me with this."

"Help? Mukha ba akong hingian ng tulong? Mukha ba akong social worker o kamukha ko ba si Raffy Tulfo?" pamimilosopo ko pa pero parang hindi niya 'yon na-gets.

"Ara, I'm serious." Mukhang napu-frustrate na siya dahil wala akong kwentang kausap pero wala akong balak na pumayag sa gusto niya.

Playing His GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon