Chapter 6
*kring*
Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa side table ko. Kanina pa 'yan nagri-ring. Pero ayokong sagutin 'yon.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa sarili kong repleksyon sa salamin. Okay naman na siguro 'tong itsura ko.
Dinampot ko na ang cellphone ko bago ako bumaba sa sala namin.
"Okay ka na?" tanong ni Kuya na buhat-buhat ang maleta ni Mama.
"Opo, Kuya. Pababa na lang no'ng bag ko sa kwarto—"
*kring*
Napatingin ako sa cellphone ko. Kanina pa talaga 'tong nagri-ring. Ang sarap patayin kaso hinihintay ko ang text ni Lilly about sa schedule ng enrollment namin for next school year.
"Sino ba 'yan, Ara? Kanina pa 'yan, ah?" tanong ni Kuya na paakyat na sa hagdan para kunin ang bagahe ko.
"W-Wala 'to, Kuya. Baka wrong number lang," palusot ko saka dinecline ang tawag niya.
"Ang consistent namang tumawag niyan kung wrong number lang?" Nagkibit-balikat pa siya bago umakyat nang tuluyan.
Napanguso na lang ako bago magtipa ng message para kay Josh.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang huli kaming mag-usap. At ngayon nga, iniiwasan ko siya. Ayoko kasing kulitin niya ako tungkol sa gusto niya.
Hindi ba niya 'yon, gets?
[Don't bother me, Josh. Mag-iisip muna ako. Pagbalik ko, may sagot na ako sa 'yo.]
"Nandiyan na ba siya?" tanong ni Kuya na dala-dala na ang bag ko.
Konti lang ang gamit na dinala ko dahil ayokong mahirapang mag-impake. Nakakatamad, eh.
Pauwi kasi kami ngayon sa probinsya. Tradition na namin 'to na every vacation, nando'n kami kina Lolo at Lola. Mga dalawang buwan din siguro kaming mananatili do'n.
Sakto para matakasan si Josh kahit ilang linggo lang. Nakaka-HB kasi ang isang 'yon.
"Sino?"
Wala naman kaming inaasahang bisita. Paalis na nga kami ngayon, eh. So, sino namang magpupunta dito?
"'Yung kaibigan ko kasi, sasama sa 'tin."
Kaibigan? Sino naman kaya 'yon? At saka, kailan pa nagkaro'n ng kaibigan ang loko-lokong kapatid kong 'to?
"Pumayag sina Mama?" tanong ko dahil hindi naman basta-bastang napapapayag si Mama sa mga kalokohan ni Kuya.
"Bakit naman hindi? Eh, magiging manugang niya 'yun?" Bigla akong napangisi.
Kaibigan pala, ha?
"Kaibigan ba talaga o ka-ibigan? Girlfriend mo 'yon, Kuya, 'no?" panunukso ko sa kaniya pero nginiwian niya lang ako.
"You'll see kung girlfriend ko nga ba 'yon," sabi niya at tatawa-tawang lumabas ng bahay para ilagay sa van ang mga bagahe namin.
Napakunot na lang ang noo ko at napakibit-balikat. Baliw.
Lalabas na sana ako ng bahay nang tawagin ako ng kapatid kong si Althea. "Ate," tawag niya habang nakasilip sa pinto ng CR ang ulo niya.
"Ano 'yon, Thea?"
"Paki-kuha naman ng napkin sa kwarto ko, sa taas ng drawer ko," utos niya sa akin.
Napairap ako. Tinatamad na akong umakyat sa taas, eh!
BINABASA MO ANG
Playing His Game
FanfictionJosh Cullen Santos was brokenhearted when he met Arabella Marie Quizon. Hindi maganda ang first encounter nila pero nang dahil sa isang misunderstanding, Ara got his attention. Kaya naman ito ang napili niyang makasama sa isang laro na maaari niyang...