4th Game

24 0 0
                                    

Chapter 4






"And for this unexpected special award, our Cutest Couple Award goes to..."

Napahikab ako habang nakikinig sa sinasabi ng host sa stage. Kung anu-ano pa kasing ka-echosan, eh. 'Di na lang kami pakainin na para makauwi na ako.

Inaantok na talaga kasi ako.

"Miss Arabella Marie Quizon and Mister Josh Cullen Santos!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan namin ni Josh.

Seriously? Cutest couple? Ang corny, ah?

Tumayo si Josh at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin 'yon.

He's smiling widely. Lalo tuloy siyang kumikinang sa ka-gwapuhan.

I sigh. Hindi ko na gusto ang mga tumatakbo sa utak ko ngayon.

Sabay kaming pumanhik sa stage. Napangiti ako nang ibigay na sa amin 'yung sash at korona. Kasama namin sa stage 'yung ibang may special award.

Binigay kay Josh ang isang bouquet ng bulaklak. He smiled bago inabot iyon sa akin.

"Ang cute daw natin," nakangisi niyang sabi. Natawa na lang ako pero naagaw ng mga tumitiling estudyante ang atensyon ko.

'Bagay talaga sila!'
'Ang cute nila!'
'Waaaaah sana all may Josh!'
'Mas bagay si Ara kay Josh.'
'Agree. Buti na lang naghiwalay na sila ni Selina.'

Napatingin ako kay Josh dahil sa mga naririnig ko. Nakangiti pa rin siya pero makikita sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Iniwas ko na lang tuloy sa kaniya ang tingin ko.

Bakit ba sila naghiwalay?

"And now, our King and Queen of the night..."

Napayuko si Josh kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Gulat siyang napatingin siya sa 'kin pero ngumiti siya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.

He just smiled. Tapos tumingin na siya sa dalawang taong naglalakad paakyat sa stage. Tinawag na pala sila ng host. It was Daniel and Selina. Sila ang King and Queen of the night.

"Will you stay here forever 'til the end of our time?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Will you stay here forever 'til the end of our time?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha?"

"Haha! Wala. Kanta kasi 'yon." Natawa na lang din ako kasi bigla siyang naging weird.

Nahagip ng mata ko na sinulyapan siya ni Josh pero nang balingan ko ang katabi ko, nakita ko siyang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Na-conscious tuloy ako kaya binawi ko ang kamay ko.

After that tiring night, hinatid na ako ni Josh sa bahay. Ang sosyal niya nga, eh. May kotse sila tapos, dahil hindi pa siya pwedeng mag-drive, may family driver sila.

Hindi kami nag-uusap the whole duration ng biyahe. Tahimik lang kami pero hindi naman nakakailang.

Kinuha ko mula sa bungkos ng bulaklak ang dalawang rosas na binigay niya kanina. Inilapit ko iyon sa ilong ko para amoyin.

Napapikit ako at napangiti. Hindi ko na itatanggi, oo na. Kinikilig na ako sa mga ginagawa niya. And I know that I am not supposed to feel this way. Wala pa nga kaming isang buwan na magkakilala.

Playing His GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon