Chapter 7
"Sasama si Kuya Josh sa atin, Ate?" tanong ni Althea dahil inilalagay na rin ni Kuya sa likod ng van ang bag na dala ni Josh.
"Oo," sagot ko.
Napalingon ako kay Josh na kausap ngayon ni Kuya. Nagtatawanan sila kaya hindi nila napansin na nakatingin ako sa kanila.
Josh seems happy. Nakikita ko na ang ningning sa mga mata niya kahit papa'no. Pero alam kong may ititingkad pa ang kinang na iyon.
Hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Ewan ko ba. Pero feeling ko, lalo siyang guma-gwapo sa tuwing ngumingiti o tumatawa siya.
I sighed. Sana lang, lagi kong makita ang mga ngiting 'yon.
"Ate, pa'no si Kuya Stephen?" Nabaling kay Althea ang paningin ko pero binalik ko 'yon agad kay Josh. I just don't want to miss the opportunity to stare at him.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Kusa akong napangiti nang humalakhak si Josh. Naisip ko tuloy, ano kayang pinag-uusapan nila?
"Duh?! Ate, 'di ba, may promise kayo sa isa't isa na hindi muna kayo magkakaroon ng karelasyon dahil magpapakasal kayo after niyong gumraduate?"
"Thea, bata pa kami no'n. Sa tingin mo ba, naaalala niya pa 'yon?" natatawa kong tugon sa kaniya.
Stephen is my childhood bestfriend. Sobrang close namin to the point na naiisip na namin na kami na lang ang magsama pagtanda namin.
Nakakatawa mang isipin pero pinangakuan namin noon ang isa't isa na kami ang magpapakasal 'pag nasa tamang edad na kami.
Naputol lang naman ang komunikasyon namin nang lumipat kami dito sa Manila. Nagkikita lang kami every summer pero hindi na kami gaanong nag-uusap. Hindi na kami tulad ng dati.
Dala siguro ng panahon. And maybe, may girlfriend na rin siya. O kaya naman, hindi niya na naaalala ang pangako namin noon sa isa't isa.
Hindi ko naman talaga siya gusto. Pumayag lang ako sa sinasabi niya noon kasi nagbanta siyang tatalon sa puno ng mangga kapag hindi ako nag-promise.
"Pa'no kung oo, Ate?" tanong niya kaya napalingon na ako sa kaniya. "Pa'no kung hanggang ngayon, pinanghahawakan niya pa rin ang pangako niyo sa isa't isa?"
"Anong pangako?" Hindi namin namalayan na nakalapit na pala sa amin si Mama.
"A-Ah, wala po 'yon, Ma. Nangako po kasi sa 'kin si Ate na pag-uwi natin, ili-libre niya ako." Napatango-tango na lang si Mama sa palusot ni Althea.
"Sige na, sumakay na kayo. Aalis na tayo. Saka na 'yang usapan niyo na 'yan," sabi ni Mama at umupo sa tabi ni Papa na siyang nasa driver's seat.
Napatingin ulit ako kay Josh na palapit na dito gaya ni Kuya. He smiled nang makita niyang nakatingin ako kaya napaiwas ako at pumasok na sa loob ng van.
Tumabi ako kay Althea at humilig na sa sandalan nang biglang sumigaw si Kuya.
"Ara, d'yan ako! Do'n ka sa likod!"
Napakunot ang noo ko. Bida-bida talaga 'to kahit kailan.
Inis na lumipat ako sa likod. Umupo ako malapit sa bintana at doon humilig at pumikit. Gusto ko kasing matulog sa buong biyahe. Nahihilo kasi ako minsan.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. At base sa halimuyak ng pabango niya, wala itong iba kundi si Josh.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ko kayang isipin na magkatabi lang kami ngayon sa upuan. Parang hindi ako komportable na malapit lang siya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Playing His Game
FanfictionJosh Cullen Santos was brokenhearted when he met Arabella Marie Quizon. Hindi maganda ang first encounter nila pero nang dahil sa isang misunderstanding, Ara got his attention. Kaya naman ito ang napili niyang makasama sa isang laro na maaari niyang...