Chapter 8
Nakatingin lang sa amin sina Mama, Papa, Lolo, Lola, Kuya, at Althea.
Si Mama, hindi makapaniwala sa sinabi ni Josh dahil todo nga naman ang tanggi ko na crush ko ang lalaking 'to.
Si Papa naman, tuwang-tuwa. Akala niya kasi tomboy ako kaya hindi ako nagkakagusto sa lalaki. Ngayon, napatunayan niya nang mali ang akusasyon niya sa akin.
Sina Lolo at Lola ay gano'n din. Akala nila, tomboy ako kaya hindi ko magustuhan si Stephen na noon pa nanliligaw sa 'kin.
Yeah, he's been courting me. Pero binasted ko siya dahil nga hindi ko siya gusto.
Kaya nga hindi sila makapaniwala.
'Yung dalawa ko namang kapatid, ayon, wala lang. Mind your own business ang drama dahil may kaniya-kaniya nang ginagawa.
"A-Ah, Lola, babalik na lang po ako sa ibang araw," sabi ni Stephen at humarap kay Lola.
Ni hindi nito tinanggap ang nakalahad na kamay ni Josh kaya napapahiya nitong binawi ang kamay niya.
"Hindi ka ba muna kakain, hijo? Sigurado akong nagutom ka sa paghihintay kay Ara."
"H-Hindi na po siguro. Sa bahay na lang po. Sige po, Tita, Tito, Lolo, mauna na po ako," sabi niya at tumingin sa akin. "M-Marie, a-alis na ako."
I just nod my head. Naiinis ako sa kaniya at sa kabastusan niya kay Josh.
Pagkaalis niya ay saka ako kinausap nila Lola.
"Ara, tama ba ang narinig namin? Nobyo mo ba ang lalaking 'yan?" tanong ni Lola. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig niya.
"O-Opo," sagot ko at tumingin kay Josh.
"Ikaw, anak, ha. Tanggi-tanggi ka pa na hindi mo siya crush — "
"Ma," saway ko sa kaniya dahil ibubuking niya na naman ako.
"Oo na, hindi na," nakangisi niyang saad at nanahimik.
"Hindi man lang siya umakyat ng ligaw sa bahay," kunwari'y nagtatampong sabi ni Papa.
"Pasensya na po, Sir. Pero asahan niyo po na araw-araw kong liligawan si Ara," sabi niya.
Napayuko ako. Ghad! Nakakahiya ito!
"Haha! Biro lang 'yon, ano ka ba. Masaya nga ako na malamang hindi tibo—"
"Pa naman!" Reklamo ko bago hinila si Josh paakyat sa kwartong tinutulugan ko kapag nandito kami.
Hindi ko na kasi kaya ang kahihiyan. Sigurado kasing kung anu-ano na naman ang itatanong nila kay Josh at hindi nila kami titigilan kung hindi pa ako aalis do'n.
Sinara ko ang pinto nang makarating kami ni Josh. Binitawan niya naman na ang kamay ko kaya humakbang na ako palapit sa kamang gawa rin sa kawayan pero pinatungan ng makapal na foam at nahiga.
Ipinikit ko na ang mata ko at handa nang tangayin ng antok nang magsalita si Josh.
"Sino si Stephen?" tanong niya.
Gosh! Hindi ko nga pala nabanggit.
Well, wala naman akong chance na mabanggit dahil hindi pa namin lubos na kilala ang isa't isa. Hindi kami nagkakaroon ng malalim na usapan tungkol sa mga sarili namin kaya wala kaming alam sa isa't isa.
Napaupo ako sa kama at tumingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang katabi ng pinto. Nakatingin siya sa akin nang seryoso kaya napalunok ako.
"Kababata ko si Stephen," simula ko habang pilit na iniiwasan ang mga tingin niya. "M-Manliligaw ko rin siya. Pero ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi ko siya gusto. Kaso makulit siya, eh."
BINABASA MO ANG
Playing His Game
FanfictionJosh Cullen Santos was brokenhearted when he met Arabella Marie Quizon. Hindi maganda ang first encounter nila pero nang dahil sa isang misunderstanding, Ara got his attention. Kaya naman ito ang napili niyang makasama sa isang laro na maaari niyang...