11th Game

30 0 0
                                    

Chapter 11





"Ara! Josh!"

"Ara!"

"Josh!"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses nina Kuya na alam kong hindi naman kalayuan sa 'min.

Gumalaw ako para sana tumayo pero hindi ko nagawa dahil nakahilig sa 'kin si Josh. Nakayakap pa!

Napatingin na lang ako nang magbukas ang pinto ng kubo kung nasa'n kaming dalawa.

"Ara!" Lumapit sa amin si Stephen. "Are you okay?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Tinapik ko lang si Josh para gisingin. "Josh, gising na. Uuwi na tayo," sabi ko habang tinatapik siya pero lalo niya lang ipinulupot sa 'kin ang braso niya.

"Aba, loko ka, ah!" Nagulat ako nang biglang hilahin ni Stephen ang braso ni Josh dahilan para magising ito.

"Ano bang problema mo?" galit na asik ni Josh matapos tumayo.

"Ang bastos mo eh—"

"Hey, tumigil nga kayo," awat ko sa napipinto nilang pag-aaway. "Umuwi na lang tayo," dagdag ko pa dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom.

"Epal," bulong ni Josh na rinig na rinig ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"'Wag mo nang patulan," sabi ko sa kaniya bago ako naglakad palabas ng kubo.

Naabutan ko doon sina Papa, Lolo at Kuya.

"Hay naku, sa susunod, huwag kayong magpupunta sa kung saan nang kayong dalawa lang, ha? Hindi niyo pa naman kabisado ang lugar na 'to," sabi ni Papa.

Napatango naman ako. Totoong hindi ko kabisado ang lugar na 'to kahit na tuwing bakasyon ay umuuwi kami dito. Hindi naman kasi ako pala-labas ng bahay, eh. Mas prefer kong humilata kaysa gumala dahil tamad talaga akong maglakad-lakad.

"Pasensya ka na, apo, inutusan ko pa si Josh na mangahoy. 'Yan tuloy, naligaw kayo dito," nahihiyang sabi ni Lolo.

"Okay lang po 'yun, Lo," sabi ko na lang para 'di na siya ma-guilty. Wala naman kasi talaga siyang kasalanan, eh.

"Halika na, biscuit. Siguradong gutom na ang mga bulate mo sa tyan." Inakbayan ako ni Kuya at iginiya paalis pero napalingon kaming lahat nang makarinig ng malakas na kalabog galing sa loob ng kubo.

Shet! Nando'n pa nga pala 'yung dalawa!

"Siraulo ka, ah!" Kitang-kita ko kung paano natumba si Josh dahil sa suntok ni Stephen.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila, kung bakit sila biglang nag-aaway dito. Pero shet lang? Ngayon pa talaga? Gutom na ako, eh! Uuwi na sana kami, eh!

Lalapitan ko sana sila pero hinila ako ni Papa para pigilan.

"Magsitigil nga kayo!" Pumagitna na si Kuya sa dalawa.

"Ano bang problema mo, ha?" galit na sigaw ni Josh habang hawak niya ang labi niyang dumudugo na dahil sa suntok ni Stephen.

"Tumigil na nga kayong dalawa." Mahinahon ang boses ko pero inis na inis na ako sa kanila.

Gusto ko siyang lapitan pero inilingan lang ako ni Papa nang tangkain kong kumawala sa hawak niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko, tarantado ka! Ang epal mo! Akala mo kung sino ka!" sagot nito na dinuduro pa si Josh.

Napakunot ang noo ko. Ano bang nangyayari sa kanila?

"Anong sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?"

"Ikaw ang baliw! G*go ka!" Huli na para pigilan ni Kuya dahil nasuntok na naman ni Stephen si Josh.

Playing His GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon