Ziah
Maingat at tahimik ang bawat pagkilos ko habang nag aasikaso ako ng aking sarili. Kasalukuyang nagbibihis na ako matapos kong makapaligo pero bago iyon ay inasikaso ko muna ang almusal ng asawa ko.
Pinagluto ko sya para pag gising nya mamaya ay nakahanda na at kakainin na lang nya. I also left a note there para mabasa rin nya.
Habang nagsusuklay ay nilingon ko sya sa kama. Tulog pa rin at bahagyang naghihilik. Hinayaan ko lang na matulog sya ng mahaba para makabawi sa pagod nya sa trabaho.
Inasikaso ko ang ilang gamit ko na dadlhin pauwi sa amin. Mostly ay ilang mga damit na hindi ko naman naisusuot dito kaya iuuwi ko na lang ulit para hindi makasagabal sa damitan ni Yvar.
Isang katamtamang laki ng bag ang dala ko sa pag uwi. Nang matapos ako ay nilapitan ko si Yvar. Maingat na dinampian ko ng halik ang pisngi nito saka hinawi ang buhok nitong tumatabing na sa gilid ng mukha dahil sa may kalaguan na iyon.
Though, bagay naman dito kahit may kalaguan ang buhok. Kahit ano ngang style ng gupit nito ay bumabagay sa mukha ni Yvar.
Hindi ko naman kasi masabihan na magpagupit ng buhok o kahit bawasan man lang para hindi ganoon kalago at nakaharang dahil baka ikagalit lang nito kung papakialaman ko pa.
Kung sa mga gamit nga nito ay ayaw nyang pinapakialaman ko, iyon pa kayang sa sarili mismo nito. For sure, he also doesn't want me to have a say on it. Hindi rin naman 'yan makikinig sa akin.
My opinion here is useless!
Inayos ko ang kumot nito sa katawan saka ako umayos ng tayo at lumabas ng silid dala ang aking bag. Sinara ko ang pinto ng walang ingay saka ako bumaba ng hagdan.
Sa pagbaba ko ay agad na bumungad sa akin ang malawak na sala. Sa puting pader ay may mga nakasabit na painting na gawa ng mga kilalang pintor. Alam kong hindi biro ang halaga ng mga iyon dahil kahit sa aming mansion ay may paintings din because my Dad is a collector too.
Sa halaga pa lang ay maituturing nang kayamanan!
I even joked before that I will sell one of my Dad's painting collections if I run out of money but my Dad just laughed at me and didn't take me seriously.
Sa tabi ng mga paintings ay nakasabit din ang isang frame. Tiningnan ko ang naroong may kalakihang picture naming dalawa ni Yvar dito sa may sala. Natatandaan ko na ako mismo ang nagpilit ikabit iyon doon kahit alam kong ikagagalit ng asawa ko.
It's actually our wedding picture!
Parehas kaming nakatayo. Nasa harap ako habang si Yvar ang nasa aking likuran. Ang mga braso nito ay napipilitang nakapulupot sa aking bewang sa utos ng photographer na kumuha ng larawan.
Masayang nakangiti ako roon habang hawak ang pumpon ng mga bulaklak sa aking mga kamay habang si Yvar naman ay ni walang kangiti-ngiti sa labi. Ang sweet sana naming tingnan doon kung hindi lang dahil dito. Napaka seryoso kasi ng anyo nito. Kahit sinabihan na itong ngumiti ay hindi nito ginawa.
Nagtataka man ang photographer ay hinayaan na lang ito.
I sighed.
Nang makita ni Yvar na inilagay ko ang frame rito ay sinabihan ako nitong tanggalin iyon o di kaya ay ilagay sa ibang lugar sa mansion nito na tago at hindi iyong makikita agad.
Lihim kaya akong nasaktan sa sinabi nito.
Ang iba ay proud na ipinapakita iyon at talagang sinisiguradong ilagay kung saan mas mapapansin ng mga bisita pero si Yvar ay hindi. Ako lang talaga ang nagpumilit na huwag tanggalin at hayaan na lang sa sala.

BINABASA MO ANG
Sun and Sky (On Going)
Romance"Don't expect me to love you. I never wanted this marriage in the first place!", he coldly said that made my heart bleed in pain. I blink my eyes to prevent my tears from falling. Ginusto ko 'to. I should be braved enough to face the consequences o...