Prologue

110 8 6
                                    

"Ouch!"

Napasigaw nalang ako nang mahawakan ang bubog mula sa nabasag na baso. Tumingin siya sa akin. Ibang-iba ang mga mata niya kung ikukumpara sa una naming pagkikita.

"Cassadra, are you okay, hija?" I nodded at my Dad then look at him again.

Dati, those were full of opulence. Ibang-iba sa walang ekspresyon niyang mga mata ngayon. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin nalang sa waiter na dumalo sa akin. Dumudugo ang aking palad. 

Damn it! What's happening to me? Nakita ko lang siya ay halos ipalpak ko ang aking sarili. Siguro dahil takot at nahihiya pa rin ako sa nagawa ko sa kanya? Siguro nga.

Hindi ko tuloy maiwasan na umasa'ng dadaluhan niya ako upang siya ang magpunas nitong dugo sa palad ko. Pero hindi, hindi niya na ako nilingon matapos ang sandaling nabasag ang baso.

"Nagagalak ako't hinayaan mong maging magka-anib ang ating kompanya, Mr. Trevon Ruiz." Habang kinakausap siya ni Daddy ay tahimik lang ako. 

"Masaya rin ako. Sana ay walang mabigo sa pag-aanib na ito."  Nanlamig ako nang marinig siyang tuwid na mag-tagalog. Kahit naroon pa rin ang accent niya ay naiintindihan na ang kanyang pagtatagalog. Hindi tulad noon, para siyang bata tuwing nabubulol.

Nag-init ang gilid ng aking mata at napailing nalang. Kasalanan ko naman e. Kasalanan ko kung bakit kami ganito.

"Hmm, anyway, welcome back! Kumusta naman ba ang biyahe mo pauwi ng Pilipinas, hijo?"  Bakit ba nagtanong pa si Dad? Tsk! He can just say his gratitude and we can go then.

Cassy, don't act like a child! You're not a child anymore! Damn it!

"It was fine." Kung hindi ko siya kilala ay baka akalain kong naiirita na siya.

Tumingin siya sa kanyang wrist watch bago nagpaalam.  "I have meetings to attend today, Mr. Fellastro. It's a closed deal. Adíos."  He's very formal! Hindi man lang ako nilingon nito.

Dad smiled at me.  "Let's go. I think you have to relax. You'll be working under his name soon." 

Bakit nga ba ako pumayag sa  pakikipag-partner sa kompanya niya? Ha! Of course because I want to say sorry? Damn. Baka akalain niyang isip bata ako? Pero kasi, kasi kasalanan ko naman kaya it's okay to say sorry?

"For the furnitures, you can just contact my secretary." 

Nakaupo ako sa sofa ng kanyang opisina habang pinag-uusapan namin ang project na  hotel ng aming pamilya.

Tumingin ako sa kanya bago magsalita. "Why don't we talk about it now? We are now here, so let's talk about the furnitures and designs." Matapang kong sabi. Tumitig din siya sa akin at doon pa lang, tiklop na ako. Para akong matutunaw!

"I have important meetings today, Miss Fellastro. At baka hindi pag-uusap ang mangyari kung mananatili ako rito nang ganyan ang suot mo."  Napalunok ako at tumingin sa suot kong fitted dress na may slit sa magkabilang gilid, tumango nalang ako dahil sa kahihiyan. Bakit hindi ko naisip 'yon?

"U-Uh, okay. I'm sorry."  Nag-iwas ako ng tingin nang mapasulyap sa nakangisi niyang labi.

"I'll go ahead."  Tumayo siya mula sa swivel chair at lumakad palapit sa pinto. At dahil boba ako, lumapit ako at hinawakan ang braso niya. Hijo de puta! Nandito na 'to e!

"Let's talk, please."  Tinitigan ko siya. Tumingin din siya pabalik gamit ang nakakatakot niyang mga mata. Mariin niya akong tinitigan bago tumingin sa kamay kong nasa braso pa niya. Agad ko iyong inalis.

"Trevon, I know I was a bitch for hurting you back–"

"Not now. Please, don't make it hard for me, Cassadra. Just leave."  Hindi ko maintindihan ang sinabi niyang iyon. Kaya naman nakatanga lang ako habang tuluyan siyang lumabas ng pinto.

Gulong-gulo ako sa ginawa ko. Bakit para akong naghahabol? Damn! All I want is to say sorry! Bakit ba hindi niya ako pakinggan? Ano bang problema?

He's making it hard on me! Remember this day, Trevon! Damn it! No one opted to reject me like that.

Vlogger Series #1: His Opulent EyesWhere stories live. Discover now