Chapter 37

19 1 3
                                    


Tranquil

CASSADRA'S POV

Nakarating ako sa Portugal na hindi ko alam kung araw o gabi na ba akong nakarating. Ni hindi ko nga alam na nakalapag na ako dahil sa pagkalutang ng utak ko.

Tulala ako habang nakaupo sa veranda ng kung saang hotel na natuluyan. Hindi na ako tumuloy sa hotel namin dito sa Portugal dahil ayokong malaman nila mommy na narito ako.

Buong akala ko ay kaya kong magtago at magtagal dito ng walang iniisip na pamilya. But I was wrong.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang marinig kong muli ang boses ni mommy.

"Cassadra! Oh my God anak! How are you? Where are you?" Hagulhol agad ni mommy ang narinig ko. Nakagat ko ang labi ko at pinatay ang camera. Damn. Why is my heart beating so fast the moment I heard her crying?

"Si Cassy ba iyan, Constantina?"

"Nasa'n si Cassy? Con, ibigay mo sa akin ang telepono!"

Naririnig ko pa ang mga boses nilang lahat na nagtatanong. Napalunok ako. I miss them. I miss my family so much. Pero ayokong umuwi, natatakot ako.

Siguro nga ay talagang bobo ako para takasan ang mga problema ko.

"Mommy..." Iyon lang ang naisabibig ko.

"Cassy, oh my! Anak, I'm sorry. I'm so sorry! Where are you right now? I will pick you up... my child. Mommy w-will pick you up..." Humagulhol siyang muli. Kumirot ang puso ko dahil sa pag-iyak niya. All this time, ngayon ko lang narinig na umiyak siya because of me. Ngayon lang ako iniyakan ni Mommy!

Iwinaglit ko ang kung anong gumugulo sa damdamin ko bago hanapin ang aking katinuan.

"I'm in Portugal." Sa wakas ay nasabi ko rin. Ilang minutong tumahimik ang kabilang linya.

"P-por...tugal?" Gulat na gulat ang boses niya. Tumango ako kahit imposible nila iyong makita. Ilang beses kong narinig na mapamura si Mommy dahil sa sinabi ko. Hinayaan ko lang siyang sermunan ako. Iyon ang hindi kailanman mawawala kay Mommy. Ang pagiging madiwarang ina.

"Cassy, I know that I have so many sins on you. I am sorry but you don't need to come there! Oh my!" Alam kong napapahawak na siya sa sentido sa mga oras na ito. Marami siyang sinabi pero hindi niya binuksan ang topic tungkol sa pagtakbo ko. Masaya ako dahil kahit papa'no ay nagiging maunawain na siya.

"Cassy, I will go there with you-"

"No need, mom. I want to be alone and be independent." I cut off her words. I heard her sighed.

"Okay... I'm really sorry. If not for me, you won't be miserable... I thought I was doing what's the best for you." Mapait akong napangiti. Hindi ko alam na ang mga salitang iyon ang tutunaw sa sakit ng aking nararamdaman.

Pero, hindi ba ay ganun naman talaga? Sometimes, we manipulate and control everything that surrounds us just so they will do good. But we didn't know that we aren't doing what's the best for them but what's the best for us.

Nagpaalam na ako kay Mommy at sinabing tatawag na lang kapag may time ako. I also told her that I will study here in Portugal and pursue Business. She was shocked that I will pursue Business instead of Architecture. She feels sorry again for being controlling. I can't comment on that, because even if I told myself that it's my fault, the blame will eventually be on her.

"Cassy, I love you, anak."

Iyon ang mga salitang nasa isip ko hanggang sa magdaan ang mga araw na naroon pa rin ako sa hotel.


Vlogger Series #1: His Opulent EyesWhere stories live. Discover now