Chapter 23

14 0 0
                                    

Spoiled brat side

CASSADRA'S POV



Habang namimili ako ay hindi nawaglit kahit minsan ang ngiti sa labi ko. Masinsinan kong tinitignan ang mga gulay at karne.

Hindi naman talaga ako nagluluto kaya hindi naman ako nakatitiyak na masarap ang kalalabasan ng mga iluluto ko. Pero dahil kahit papaano ay natuto ako kay Reze, alam ko namang may lasa pa rin kahit papa'no.

Natutuhan ko kay Reze ang pagluluto ng tinolang manok at natutuhan ko naman ang pagluluto ng adobo nung minsan akong lumibot sa Pampanga. Grabe, ang sarap ng burong isda nila roon. Yayain ko nga si Trevon doon kapag may oras kami.

Habang namimili ay may nakabangga ako. Agad akong nag-sorry. Nahulog ang aking mga hawak na gulay kaya naman agad niya akong tinulungang isa-isang damputin ang mga ito.

Nang tumayo siya ay agad niyang sinuri ang mga gulay at nang nakuntento ay nilagay ito sa aking push cart. Nag-angat din ito ng tingin at ngumiti.

"I'm sorry, Miss. Maayos naman ang gulay so don't worry." Nakangiting aniya. Pinagmasdan ko siya, I think he's familiar. Nanlaki ang mga mata ko nang matandaan ko siya!

"Silas, right?" Nag-aalangan kong pagkumpirma. Saglit siyang natigilan bago tumango, mukhang sinusuri ang mukha ko.

"Oh, wait! You were the girl that was linked to me few years ago?" Namamanghang sabi niya. Napatango naman ako.

"Y-yeah," Nahihiya kong tugon. Ngumisi siya at naglahad ng kamay.

"Benedict Anderson. Don't be shy. I know that it's really awkward. But you know this country, full of gossipers." Nakangising sambit niya. Napalunok ako at pekeng ngumiti. This feels awkward!

Well, he was happened to be my rumored boyfriend just because we bumped each other in a bar and of course, being a gentleman he carried me when I passed out! I can still clearly remember that!

At dahil doon, ilang beses ako sinundan ng mga usisero para kumpirmahin ang nakalap na chismis.

Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay sa takot na baka pati ang simpleng pagkikita ay mauwi sa malawakang entriga.

"Uh, I'm really sorry. It's just so awkward." Amin ko. Tumango naman siya at binaba na ang nakalahad na kamay.

"I'm glad you're back in Manila." Pag-uumpisa niya ng topic. Agad kong tinulak ang push cart pero sumunod pa rin siya. Oh my.

"Uh, yes. I just came back." Tugon ko habang tumitingin naman ng prutas.

"Hmm, so how have you been?" Sinulyapan ko siya at nginitian.

"Ganun pa rin." Simple kong sagot. Napatango naman siya. "And you? Are you alone?" Tanong ko dahil baka mamaya ay may kasama siya. Agad siyang umiling habang nakangiti.

"I'm with my girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko.

"Hala, baka mamaya magalit yun!" Kinakabahan kong singhal. Natawa naman siya.

"Don't worry. She's not harmful." Natatawang aniya. Napasinghap ako.

"Anyways, I have to go. May kailangan pa akong bilhin." Tinanguan ko lang siya sa sinabi niya.

Habang nag-iikot ay may muntik naman akong makasalubong na cart. Kanina pa 'to ah? Baka mamaya ay bulldozer na ang makasalpukan ko. Nag-angat ako ng tingin at ganun na lang ang gulat nang makita si Celestine Salazar!

"O-oh! Hi!" Kumaway ako. Tinitigan niya ako at sopistikadang tumango.

"Cassadra Fellastro. Nice meeting you." Walang alinlangan aniya. Nahihiya akong ngumiti. "Your gown for your engagement party was already sent to your house in Manila. I hope you'll be satisfied with it," nakangiting dagdag niya. Nagulat man ay ngumiti pa rin ako.

Vlogger Series #1: His Opulent EyesWhere stories live. Discover now