Chapter 8

25 4 0
                                    

Change


CASSADRA'S POV


Pain. The reason why I can't be in love is pain. Until now. With the thoughts of how my Mom and Dad used to fight because of their broken marriage. It hurts. But, I am proud. At least they stay, right? At least, they are pretending that they are okay in front of many.

"Okay, guys. Here I am! Looking at all of you through this camera. Wala munang bitter Cassy ngayon, dahil sasagot tayo ng inyong mga assumptions tungkol sa akin!" Nakangiti akong humarap sa aking cellphone. Naka-live ako ngayon sa isa sa mga social media platforms.

"Bago 'yon, syempre. Kumain na ba ang lahat? Oh, ang mga na-fall sa salitang 'yan ay mga pinalaking malisyosa!" Maraming nagbigay ng kanilang mga komento.

"And before we start reading your assumptions, I just want to inform you all that I am currently here in our backyard. So makikita niyo sa likod ang aming pool at mahangin dito kaya medyo maingay!" Ngumiti ako sa camera at nag-hello sa mga bumabati at nagpapa-shout out.

Hinintay ko munang dumami pa ang viewers bago magbasa. Nang umabot na sa twenty-five thousand ay nagsimula na akong magbasa ng mga shout outs.

"Shout out kay Jewel San Fedro! Hello! Ingat ka palagi!"

"Oh, shout out sa anak nina James at Lea, si baby Harrieth! Hi! Advance happy birthday!"

Marami pang shout outs ang naganap bago ako nalipat sa pagbabasa ng mga assumptions nila tungkol sa akin.

"So, shall we start?" Sambit ko sa live at ngumiting muli.

Janessa Jacinto:

She seems a bad*ss but she's really so soft insideeee!!

Hindi ko na maiwasang mapangiti sa unang komento. As a vlogger, ang pakiramdam na kahit ang layo niyo ng mga viewers niyo sa isa't isa pero may nakakikilala sa iyo kahit hula niya lang ay talagang sobrang saya sa pakiramdam.

"I don't think I am soft? But well, maybe. Kasi minsan talaga soft ako, iyon bang iyakin at minsan talagang sobrang lambot ko, iyong tipong hampasin mo lang ako ng bahagya ay iiyak na ako." Natatawa kong tugon. "Pero tama ka naman, Miss Janessa. Mukha akong bwisit pero mabait ako sa mabait sa akin." Dagdag ko pa bago magbasa ng ilan pang comments.

Kazumi:

Maraming nag-aakala na masama si Cassy. Pero ang totoo, she's so kind kaya.

Nabasa ko pa ang comment nang bakla na kaibigan namin ni Reze. Si Kazumi na isa ring vlogger.

"Hoy, Kaz! Tara lets na!" Singhal ko sabay tawa.

Kazumi:

Manlalalake muna ako bhieee!

Tinawanan ko na lamang ito. Nagbasa pa ako at sumagot ng mga assumptions hanggang sa marinig ko ang sigaw na pamilyar pa sa pamilyar.

"Cous! Couz! Couzi!"

Napatingin ako sa live.

"Okay, mukhang nandito na ang aking pinsan! Tumawag nga siya na darating siya. Hindi ko akalain na totoo pala. Akala ko drawing." Ngumiwi ako at tumayo saglit.

"Cassadra Trinity Fellastro! Gosh! Wala ka bang tainga? Kanina pa kita tinatawag-oh you're live?"

Napatingin ito sa aking cellphone. Nag-hello gesture pa ito at siya na mismo ang naupo sa upuan ko.

Vlogger Series #1: His Opulent EyesWhere stories live. Discover now