Chapter 3

14.8K 279 59
                                    

"I'm sorry Ms. Diaz, but you have lost your chance to be a Cum Laude."

Tila bumagsak ang pakpak ni Paisley nang sabihin iyon sa kanya ng dean ng College of Education.

She had expected this ngunit hindi niya inakalang magiging ganito kasakit at kabigat itong araw na ito.

The dean scanned the paper she's holding, ilang beses nitong ginawa.

"Anong nangyari Paisley? Maganda ang takbo ng grado mo mula first year, 3rd year ka na... what happened? This is a minor subject ngunit ito pa ang lumampas sa 2.0."

"I'm sorry po dean," sagot niya habang pilit na inaayos ang tinig.

Being a cum laude is a huge privilege. That title alone can open huge opportunities for her but she lost it.

Napahinga ng mabigat ang dean, siya naman ay mahigpit ang hawak sa dulo ng skirt niya.

The middle aged dean fixed her eye glasses, pakiramdam niya'y nanghihinayang rin ito sa kanya. Oo nga naman, isang subject lang iyon.

"Napabayaan ko lang po talaga ang subject na iyan. It's okay dean."

"I know you Paisley... matalino ka. I'll talk to your instructor kung pwede mo pang i-comply ito."

"No need dean," gagad niya, "hindi  po ako magko-comply, that is the reflection of my performance. Magiging unfair na po iyon kapag nag-comply ako samantalang ang iba ay hindi. Saka, hindi ko po ugaling habulin ang teacher ko para baguhin ang grado ko. I'm good dean."

The dean nodded before breathing heavily, "ikaw ang bahala, I've offered a help. But it's good to keep your dignity intact. Well then, still congratulations."

"Thank you dean."

Tumayo siya at mabilis na lumabas sa opisina, she was on the door when a lone tear slided to her cheek. 

Medyo may kurot, nakakapanghinayang nga.

Minor subject lang naman iyon, baguhan ang instructor kaya hindi niya masyadong tinuunan ng pansin, wala siyang dapat ibang sisihin kundi ang sarili at isa pa, she's busy...

Kung ang part time lang sa restaurant ay okay lang naman sana, but she has plays to practice, she has leaves of manuscripts to memorize.

Nakakapagod but this is her choice, kaya okay lang.

Kazzhandra paid her tuition, ang sweldo niya'y kanya ngunit kailangan niya iyong hati-hatiin. For food supply at iba pang pangangailangan sa bahay at miscelaneous fees ng kapatid.

Medyo malaki ang sweldo niya sa pagpa-part time, hindi iyon nagkukulang, ngunit tila na o-overwhelm siya sa kabaitan ni Kazzhandra kaya naman ay sinikap niyang maging theater actress sa school, second sem noong first year siya sumubok.

May kaakibat kasing 35 percent na scholarship, kahit iyon lang muna ang maibalik niya kay Kazzhandra.

That girl had been her second mother, ilang taon lang naman ang tanda nito sa kanya.

Pinahid niya ang luha at naglakad palapit sa elevator, pinagpag ng kaunti ang puso upang umayos, bakit iiyakan e tapos na?

Manghihinayang e gawa naman niya.

Oh Paisley!

Umiling siya saka ngumiti, pupunta siya sa auditorium nalang. She has practice, siya lang ang nag-iisang estudyanteng theater actress mula sa College of Education, puro na lahat taga-Perfoming arts.

It was hard at first, ikaw ba naman ang makipagsabayan sa mga inclined talaga doon. But then she is a fighter, she is determined, mahirap lang siya at kailangan niyang magsumikap.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon