Chapter 43

16K 317 153
                                    

"Ellias!"

Napalingon ang bata sa kanyang pagtawag, nasuspende ang sunod nitong hakbang, medyo nagulat rin ngunit mayroong napipilitang ngiti.

Tinakbo niya nang mabilis ang pagitan nila at kinarga ito.

"I told you not to go near the water, baby. You didn't listen to me."

The child looked into her with questions and wonders. Para bang sinasabing ang OA niya ngunit hindi lang nito mabungat.

Paanong hindi siya magiging OA e papasawsaw na sana sa tubig ang paa nito! Kung di siya nakabalik agad ay baka ano pang mangyari, god!

They're by the pool, at Kamari resort in Glan, Sarangani, they chose to stay here for the family  week, maganda ang beach at view. Napaka peaceful din, it's rejuvinating. Di rin gaanong crowded tulad ng sa Boracay. Glan is a paradise. 

Pangalawang balik na nila rito, nabitin sa unang bakasyon.

"Sorry..." sagot nitong nayuyuko.

"You should be, I just got the feeding bottle for one second and the next second you're gone!"

Tinikom ng bata ang bibig, alam nito ang mali. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang mukha, hindi naman naiiyak, marunong lang talagang makiramdam, and looking into his state... she's kinda feeling guilty.

"Alright, I'm sorry too. I got all out..."

Iyon na!

His eyes brighthened and gave her left cheek a kiss.

Lintik.

This child could melt her heart in a second. Bakit ba hindi!? His dark, big, round eyes are striking, ang semi brown nitong buhok ay bagay sa maputing kutis, bumabaliktad-baliktad pa dahil sa malalaking buhol ng kulot.

He's so cute, not being bias, but really, gwapo ito, maraming nakapagsabi niyan.

Marunong kasi ang gumawa.

Natawa siya.

"I love you..." bungat nito, ayan na tayo.

Sino pang magagalit niyan?

This child is too cunning without even trying, he knows how to work on his charms unknowingly.

Haist... at bilang marupok na tulad niya, syempre, limot na.

"I love you too," sagot niya, hinalikan din ito sa pisngi, saglit pa iyong pinanggigilan at piniga, matambok kasi kaya naman ay mahina niya pang kinagat, doon na ito pumalag.

"Ate..." reklamo nito, "are you imagining me as a ball of cheese again?"

"Baby... pakagat lang ng isa pa," she pleaded.

Ellias face got a bit worried. Gusto niya talaga ang pisngi nito, sarap halik-halikan at kapag nasobrahan na sa gigil ay kakagatin.

"Ate... I'm not a cheese," sumimangot ito.

Natawa siya.

Yes. She has a brother, Ellias.

Sinasabi niya nga bang magiging tatlo sila. Who would ever think that? Na sa ganitong edad ay masusundan pa sila ni Ely?

Now look at them. Whoever is Ellias with in either of her or Ely, talagang napagkakamalang anak nila. Especially sila ni Draco.

Ellias is an affectionate child, close nito ang lahat ng kinagisnan. Actually, masaya nga siyang may bagong kapatid, and he is growing in a beautiful and positive surrounding. Puno ng pagmamahal, suporta, alaga, tahimik at hindi mahirap... a manifestation of her dream. She is fulfilled by looking into him, dahil hindi na nito namulatan ang kanilang pinagdaanan.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon