Chapter 6

13.5K 275 87
                                    

Hindi alam ni Paisley kung paano niya natakasan ang mga mata ng ilan niya kasamahan o si mayor.

Basta't sinabi lang ni Draco na magkakilala sila, tumango lang siya, end of discussion. Walang nangahas kumwestyon o tumingin pa.

Ganoon ba talaga ka prestige ang dapat na pagtrato rito?

Pag sinabi nito, wala ng tututol?

Yeah, she felt intimidated but not to that point.

She bit her lower lip as she look outside, there are busy street vendors, may naglalakad pauwi, may mga pares na nakaholding hands, malalim na ang gabi ngunit marami pa ring tao.

"Wala akong sinabi ha..." pauna niya dahil tila natutunugan niya kung bakit nagpresenta ito na ihatid siya.

"May sinabi ba ako?"

Nais niyang irapan ito sa paraan ng pagsagot nito. They were sitting side by side, may malaking space sa gitna nila.

Tsk, "suplado," she murmured.

"Ano?"

"Suplado!" walang pag-aalinlangan niyang balik, tiningnan siya nito ng masama.

Oo nga pala! Goberbador ito tapos ginaganito niya lang, e kasi naman, ginaganito rin siya e.

Lumiko ang kotseng lulan niya papasok sa kanilang kalye, nagtaka siya.

"Teka, paano mo alam ang bahay namin?"

"Alam ko lang...." pinal na sagot nito.

Di na niya tinanong nang maalala niyang natuntun nga siya nito sa trabaho, malamang pinaimbestigahan  siya, isipin mo ba naman kung gaano ito ka praning noong nakaraan, natakot sigurong masira ang reputasyon.

Kaya siguro nagiging... medyo mabait ito sa kanya dahil may hawak siyang makakasira rito.

Sabagay, what would be his reasons to do this? Baka binabantayan siya.

The car halted in front of their house, tumingin ito roon. Nakababa na ang roll up door ng kanilang tindahan.

"May tindahan kayo?"

Tumango siya.

"Why are you still working?"

"Kasi kailangan."

Wala itong sinabi, may inabot lang itong clear folder sa gilid sunod ay binigay sa kanya, nag-aalinlangan niya itong tiningnan.

She was amazed that she almost gasp,  it was an application form for a full scholarship with allowance.

Tama nga si Macoy, mabuting tao ito kahit na kakatakot ang mukha, ngunit siya lang naman yata ang takot rito, idol nga ito ng iba.

Baka napasobra lang ang pag-iisip niya.

"Gabi ka na umuuwi, wala ka pang sundo, delikado."

He trully cares for his citizen.

Itiniklop niya ang folder saka ibinalik rito. Napataas ang kilay nito.

"May mas nangangailangan niyan kumpara sa akin."

His jaw tightnened a bit, bumakas lalo ang ugat sa kamay nitong nakapahinga sa hita patungo sa leeg.

"Magkano ba sweldo mo at hindi mo maiwan? O baka naman may boyfriend ka roon? Mag-aral ka muna."

"Grabe ka naman sa akin daddey..." she bit her lower lip, hindi man ito nag react, alam niya, narinig nito iyon, "ugh... gov pala."

Pesteng Paisley! Daw gaga gid! (parang gaga talaga)

"Call me by my name."

"It's not about the salary... Draco... it's something else..." tumingin siya sa labas, tulog na ang mga kasama niya sa bahay dahil patay na ang ilaw sa taas.

The Governor's Temptress is a Student? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon